MITCHELL MONDRAGON
SISIW naman na makapasok ako sa Club Lotus kaya sisiw rin sa akin ang pinapagawa ni Arzaga.
Ang hindrance lang ay kapag umeksena si Alexis at hindi agad umuwi. Pero papayag ba naman akong magpapatay na lang bigla kapag hindi ko naiuwi itong bebot niya sa tinakdang oras?
Ano ako, bali?
Hindi pa ipinapanganak ang taong papatay sa akin!
Sabi nga, eh, kapag hindi madaan sa santong dasalan ay daanin sa santong paspasan...
Iyan ang ultimate motto ko—ng nag-iisang taga-Zodiac na Mitchell Mondragon.
Natawa na lang ako sa kalokohang naiisip ko.
At exactly 7 in the evening ay nandito na ako sa club. Sa mismong venue ng pagdarausan ng event.
"Mabuti naman at nakapunta ka rito, Sir," bati sa akin ng baklang owner nitong club.
Ngumiti ako sa kanya. "Yeah. Salamat sa invitation mo."
"Of course, sir. Si Miss Ventura ang nagsabi sa akin na gusto mong pumunta ngayong gabi rito sa club pero may party kami kaya sinabi ko kay Miss Ventura na welcome ka rito."
Si Red talaga, oo. Ang bilis gumawa ng hakbang.
Sobrang espesyal at hindi ko alam ang dahilan kung bakit.
"Let's go inside, Sir?" anyaya niya sa akin dahil hindi na ako sumagot.
Tumango ako.
Iginiya niya ako sa table na mismong kaharap ng pinto.
"Pupunta ba rito si Alexis?"
Marunong akong bumasa ng reaksyon ng tao kaya hindi nakawala sa akin na nagulat siya sa tanong ko.
"Alexis Javier, Sir?" paniniguro niya pa.
"Hmm, yes."
"You know her, Sir?"
"Yes but not personally. I met her here six months ago before I left the country."
"You met her here, Sir?" May pagdududa na sa boses niya
Naloko na!
Paano ko ba sasabihing palihim kong nakitang naghubad ng mask niya si Alexis six months ago? Naka-mask kasi siyang sumasayaw kaya hindi na ako magtataka kung bakit tila nagdududa ang kaharap kong bakla ngayon.
"Mitchell!"
Papalapit sa amin ang isang matangkad na dalaga na nakasuot ng black leather jacket, black designer shoes and black leather pants. Maganda dahil kamukha ni Wonder Woman. Maangas maglakad pero may elegance. Ang blangkong mukha at ang labing tila hindi marunong ngumiti ay nagpadagdag lang sa mysterious look ng dalagang tumawag sa pangalan ko.
Dahil din sa pagdating ng dalaga ay natuon sa kanya ang atensyon ng tila imbestigador na baklang owner nitong club.
"Red! Lalong gumaganda, ah?" bati ko sa kanya na tinanguan niya lang.
"Miss Ventura, I'm glad you came here. What a surprise." Parang nakakita ng artista ang owner nitong club dahil sa pagkakatingin kay Red pero hindi ko siya masisisi.
Red is Red.
Maganda at misteryosa.
Tipid na ngumiti si Red nang ibaling ng dalaga ang tingin sa owner. Sa sobrang tipid ay akakalain mong hindi talaga ito ngumiti.
"Hmm. Hindi rin ako magtatagal, Jade. Gusto ko lang malaman kung nandito nga itong kaibigan ko. I just need to tell her something."
Nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin ang owner nitong club na Jade ang pangalan. "You're a girl?"
Napakamot ako ng ulo. "Oo, eh. Pero lalaki ako—lalaki sa katawan ng babae." I smiled sheepishly. Medyo awkward tuloy.
"Ohh, pero bagay sa iyong maging lalaki, ha? Nice! O, siya, Miss Red, mag-usap na muna kayo ng kaibigan mong nadenggoy ako. Magpapadala na lang ako rito ng foods niyo."
"Thanks, Jade."
Sinundan pa namin ng tingin si Jade bago kami naupo ni Red.
Through phone ay nasabi ko kay Red na kailangan kong makapasok dito sa club ngayon. Sa katunayan ay kaninang hapon ko lang nasabi ang bagay na ito sa kaharap ko pero hindi na rin naman ako nagulat na nagawan niya ng paraan kung bakit ako nandito ngayon.
"How are you? It's been a long time." Ako na ang naunang nagsalita dahil sa pagkakakilala ko sa dalaga ay tamad itong magsalita. "Thanks for finding a way for me to be here."
"Don't mention it. Gusto ko ring makabawi sa iyo dahil sa pagtugis mo sa dalawang kaaway ko dati. Malaking bagay ang ginawa mo kumpara rito na ipinasok lang kita ngayon dito."
"Kumusta ka na?" Kahit nag-aalangan ay gusto ko pa ring malaman kung okay lang siya gayong alam ko naman na hindi siya okay. Wala na akong nararamdamang espesyal para kay Red pero kaibigan siya kaya dapat lang na malaman ko kung ano ang mga plano niya baka sakaling makatulong ako.
Sandaling kumunot ang noo niya at nakita ko ang pagtagis ng mga bagang niya.
She's mad.
Red is raging mad at hindi maganda ito kapag ikaw ang kalaban niya dahil sasabihin ko na kahit isang buong bansa ay kaya niyang patumbahin kung hahamunin siya.
Ganyan siya kagaling na assassin.
Walang awang pumatay.
Walang puso...
"They killed Red that is why I want them dead, Mitchell."
Si Red ang kapatid niya. Na nalaman ko lang din kay Simon nitong mag-usap kami ng lalaki.
"Bakit hindi mo gawin? Bakit hindi mo sila patayin?"
"Iyong mga involved sa pagpatay kay Red ay inisa-isa ko na pero hindi ako nakukunteto. I want the name behind those who killed my sister. Hindi ako matatahimik kapag hindi ko naputol ang leeg niya."
"Si Margareth Cortez?" Hindi siya kumibo sa tanong ko. Kahit papaano ay may background ako sa mga nakalaban niya—dati—pero ang kasalukuyan ay wala dahil nilayuan ko nga siya. "Do you want me to do something?"
Tinapik niya ang balikat ko matapos ay tumayo; sakto naman na dumating ang pagkain na ipinadala ni Jade para sa amin.
"I'm going. Gabi na at kailangan kong maglibot sa lugar—"
Nahinto siya nang magsigawan sa takot ang nandito sa club. Nang lingunin ko ang dahilan ng komosyon ay nakita ko ang tiger na papalapit sa amin.
"Sa iyo?" I asked without looking Red.
"Yes."
"What's his name?"
"How did you know that it's a he?"
"You're the Alpha now, huh?" Instead of answering her, I asked her a question.
The tiger growled. Maamo tingnan pero kung pagbabasehan sa background ng mga Hermosa ay alam kong hindi talaga maamo ang bagong alaga ni Red.
"He's the one who killed one of Red's killer. Magkatulad kami dahil pinaghiwalay niya rin ang ulo ng babae," balewalang sagot niya na para bang kinurot niya lang ang kaaway niya. Hinimas niya ang tigre na ikinikiskis naman ang katawan sa binti ni Red. "Aalis na ako. Kapag may problema ay tawagan mo ako."
"Alam kong busy ka dahil may hinahabol ka rin pero 'wag kang mag-alala dahil gagawin ko talaga ang bagay na iyan kapag nagkagipitan," sagot ko habang nakatingin pa rin sa hayop na alaga niya.
Mabuti na rin na nag-offer si Red dahil kahit papaano ay pwede ko rin siyang tulungan kapag nasa kagipitan siya.
Give and take, that's one of our rule in the Organization.
Hindi kami katulad ng ibang oraganisasyon na: KALAT MO, LINIS MO!
Tumango na lang siya at tumalikod na kasabay ang tigre na alaga niya.
Lumipas ang ilang minuto hanggang sa dumating na nga ang babaeng pakay ko rito sa lugar na ito.
At last ay nandito ka na rin Alexis Javier o mas tamang itawag ko sa iyo ay Blight Zodiac. What a beautiful name for a lovely lady.
At dahil nasa entrada ako ay kita ko kaagad ang bulto niya kasama si Jade. Pero hindi katulad kaninang bago umalis si Jade ay masasabi kong tumahimik ang loob nitong venue at kung hindi lang dahil sa tugtog ay magmimistulang lamay itong party.
Hindi ko alam ang dahilan pero base sa reaksyon ng tinawagan kanina ay masamang balita ang hatid ng tumawag sa isa sa mga bisita nitong club.
Pinanood ko lang silang magkumpulan habang may pinag-uusapang bagay.
Problema pa pala kung paano ko lalapitan si Alexis. Sabagay, mahaba pa ang oras.
Tic... Tac...
Tic... Tac...
Paulit-ulit kong sinabi ang tic at tac dahil nakaramdam na ako ng matinding pagkabagot.
Mabilis lumipas ang oras at 9:00 na pero hindi pa rin ako makadiga kung paano ko lalapitan si Alexis dahil busy pa siya sa pakikipag-usap sa mga kasamahan niya.
I've waited for another twenty minutes at nang akmang lalapitan ko na siya ay saka naman siya humiwalay sa grupo niya at nag-solo sa isang lamesa.
Sa wakas!
"Hi!" bati ko kaagad sa kanya nang makalapit ako sa pwesto niya pero hindi niya man lang ako nilingon. Tumikhim ako.
"I don't talk to stranger."
Aba, nagsalita! Napangisi ako at umupo sa bakanteng upuan.
"I'm Mitchell, how about you?"
"I don't care..."
"Nice name, Miss I don't care. Ano iyan? Since birth talaga?"
Napikon yata kaya lumingon sa akin. Handa ko na pa naman na saluhin sa mga tainga ko ang pagbubunganga niya pero hindi naman niya ginawa iyon.
Nakatulala lang siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata na halatang gulat na gulat!
You still recognized me, huh? Nice!
"Am I that mesmerizing, Little Missy?"
"W-what?! Ang k-kapal naman ng mukha mo para sabihing n-naalala kita!"
Sa bibig talaga nahuhuli ang isda.
Natawa ako at dahil maliwanag sa pwesto namin at mukha siyang si Snow White sa sobrang puti—hindi pala sobrang puti pero maputi na rin—ay halata sa kanyang namumula siya.
"Ikaw ang nagsabi niyan at hindi ako," nakangisi ko pa ring sabi sa kanya. "I didn't recall me saying you still remember me, Little Missy..." Trip ko lang asarin siya.
"W-what?! Don't be so conceited, Mr. or Miss, well, whatever you are!"
"'Wag ka nang magkaila dahil namumula ka lang." Ang sarap sa pakiramdam ang mang-asar lalo pa at pikon ang aasari mo. Heaven!
"Excuse me! I'm just meztiza!
"Sa bagay na iyan ay hindi ako sasalungat dahil bukod sa pagiging tisay mo ay maganda ka naman talaga." Sumandal ako sa upuan at pinagkrus ang mga braso ko habang nakatitig sa kanya nang diretso! Halata naman sa kanyang naiilang siya sa ginagawa ko pero dinadaan niya na lang sa pag-ismid.
Ang ganda talaga nitong anak ni Bossing...
Napangisi ako habang nakatitig pa rin sa magandang babae sa harapan ko.
"Stop staring at me!" bulyaw niya sa akin. May kalakasan kaya nagtinginan ang iba sa gawi namin.
"You are attracting attention, baby girl. Can I call you that? It really suits you well because you are like a baby." Umismid siya pero pinamumulahan lalo ng mukha. Bago sa akin ang maka-encounter ng blushing lady dahil iyong mga kasamahan kong assassins lalo na si Red ay kahit si Chris Hemsworth at Chris Evans pa yata ang mangharana ay hindi pamumulahan ng mukha. Mamumula lang ang mga mukha ng kasamahan kong babae sa organisasyon kapag nagagalit.
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo riyan? Stop talking to me, okay? We are not close at hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala, okay! Kaya please lang, stay away from me!"
"I know you, you are Miss I don't care, right? You told me that a while ago. I told you my name too kaya magkakilala na tayo."
Tatayo na sana siya pero pinigilan ko. "What?!" asik na naman niya sa akin. Gumewang pa siya kaya sa tingin ko ay lasing na si Alexis.
"Lasing ka na."
"So? Boyfriend o girlfriend ba kita, ha?!"
"Kung gusto mo, bakit hindi, 'di ba?" Kinindatan ko siya habang nakahawak pa rin sa kamay niya dahil nga pinigilan ko siyang tumayo. Hindi pa naman siya pumiksi kaya okay lang.
"What?!"
"Ang sabi ko ay ang ganda mo."
Kumibot ang labi niya sa sinabi ko. Parang may sasabihin pero ayaw naman na ituloy.
"Please lang, I'm in a relationship right now. My boyfriend is Antonio Arzaga. Ring a bell?" Hinatak niya ang kamay niya at humalukipkip.
"Of course. The one and only Mr. Arzaga, sino nga ba ang hindi makakakilala sa kanya?" Sino nga ba sa mga kalabang Hunter's association ang hindi nakakakilala sa may saltik mong nobyo?
"What?!"
Natawa ako nang may tunog. "Okay lang mag-Tagalog, pramis! Parang what lang yata ang alam mong English, eh."
Tumayo siya at nagdabog kaya nagtinginan na naman sa amin ang mga kasamahan namin dito sa loob ng venue.
"Are you insulting me?! Ha! I know how to speak English well! Huwag mo nga akong minamaliit dahil... dahil..."
"Dahil malaki ka? Maliit ka kaya. Hanggang baywang nga lang kita, eh. Sa liit mong 'yan baka malunod ka pa sa balde." Binuntutan ko ng malakas na tawa ang sinabi ko kanya kaya halos umusok ng ilong niya habang pasugod sa akin kaya tumayo ako at medyo lumayo sa kanya. Mahirap na. Mahaba pa naman ang mga kuko ni ganda.
"Get out!" mahina pero may diin niyang sabi sa akin. Dinuro niya pa ako.
"Ayoko nga. Dito na muna ako."
"I said get out!"
"A—YO—KO! Ayokong lumabas, Miss maliit pero masungit..."
"Damn you!"
"How venomous! Bad kaya ang magmura kaya huwag ka na ulit magmura."
"Who the hell are you to tell me what to do?!—Mamo!!!"
Halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng sigaw niya.
Naglapitan na sa amin ang mga kasamahan namin nanonood lang kanina.
"Why, Dear?" Napatingin muna sa akin si Jade bago tumingin uli sa nagwawalang si Alexis.
"Paalisin mo nga iyang tomboy na iyan dito, Mamo! Nakakabweset na kasi, eh!"
"Nako, Dear, 'yan ang hindi ko magagawa."
Nagtatakang tiningnan ni Alexis si Jade. Nang magawi ang tingin sa akin ni Akexis ay inirapan ako.
"Bakit?"
"VVIP kasi si sir, Dear. Isa pa, rekomendado siya ni Miss Ventura, eh."
"Ventura? Si Red Ventura? Hindi ba at notorious iyon?"
"Anong notorious ang sinasabi mo riyan? Lasing ka na ba, Dear? Red Ventura is a good person. At ang alam kong meaning ng notorious ay iyong mga taong kilala dahil sa masamang gawi at hindi isa roon si Red."
"Mayaman pa iyon sa boyfriend, Baby girl," sabat ko para asaran si Miss Pikon.
"So? Did I ask? Hindi ba at hindi!"
"Nagtanong ka lang, hindi ba? Lasing ka na talaga, Baby girl..."
"Oops! Oops! Awat na kayong dalawa, ha? Baka kung saan pa mapunta ang bangayan niyo." Pumagitna sa amin si Jade nang astang susugurin uli ako ni Alexis.
The girl has a short-fused. May pagkabayolente pero mild lang.
Umupo ako kaya umupo na rin ang ibang mga babaeng kasamahan namin pero si Alexis ay nakatayo pa rin habang nakapamaywang at salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
"Umupo ka na dahil hindi ka na rin naman tatangkad kahit hanggang sa bagong taon ka pa tumayo riyan."
"Grrrrr! I hate you!"
"The more you hate; the more you love, that is why I'll take that as a compliment, Baby girl..."
Umatras si Alexis ng ilang hakbang bago humarap kay Jade. "I'm going home, Mamo." Humakbang uli siya but this time ay gumewang siya kaya maagap akong sinalo ang dalaga bago pa man siya matumba. "Don't touch me! Bitiwan mo nga ako!"
"Kapag binitiwan kita ay tuluyan kang gugulong sa sahig. Gusto mo ba talagang bitiwan kita?" Nakahawak ako sa baywang niya at ilang dangkal ang layo ng mukha namin sa isa't-isa kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.
Kumurap-kurap ang mapungay niyang mga mata. "N-no! 'Wag mo pala akong bitiwan. Alalayan mo ako, alalayan mo ako..." I didn't make a single move. "Oh, come on!" Gumalaw siya kaya biniro ko siyang bibitawan. "Huwag mo akong bibitawan dahil malilintikan ka talaga sa akin!"
"Ang liit mo pero ang lakas ng boses mo." Inayos ko siya ng tayo pero nanatili akong nakaalalay sa kanya. "Oh, ayan na, Mahal na Prinsesa."
She rolled her eyes tapos ay suminok. Sa palagay ko ay lasing na siya kaya naman kung umasta siya ay parang palengkera.
Tiningnan ko ang wristwatch ko. It's almost 10 o' clock kaya humarap na ako kay Jade. Hinugot ko ang isang ID ko at ipinakita sa kanya.
"I'm Mitchell Mondragon. You can confirm that to Red. I'm her new bodyguard."
"You are my new bod—what?! Are you sure?" Tumango ako. "Then why are you flirting me?" she exaggeratedly shouted right in front to my face.
"I didn't do that, Little Missy. I'm just teasing you. Why? Does it sound flirting to you?" Tumaas ang isang sulok ng labi ko.
"Get rid of that smirk on you fa—wahhhhh! What are you doing?!!" Nagkakakawag siya dahil binuhat ko na siya at isininampa sa balikat ko.
"I'm taking you home. That's an order from my boss."
"Ayoko pang umuwi at hindi mo ako mapipilit na umuwi!!!"
"Let's see..." Humarap na ako sa iba at bahagyang yumuko para magpaalam. Buhat-buhat ko pa rin si Alexis sa balikat ko at pilit na kumakawala. "Good night, everyone."
ALEXIS JAVIER
"DAMN!!! Ibaba mo na nga ako!" Halos mapunit na ang lalamunan ko sa kasisigaw pero ayaw niya pa rin akong ibaba kaya I tried my best para mahirapan siyang buhatin ako.
"Huwag kang malikot. Hahawakan ko 'tong pwet mo."
"What did you say?! Pervert!!! Aaahhh!" Hinampas ko siya sa balikat ng makailang ulit. Naasar talaga ako sa kanya!
"Joke lang. Hindi naman ako ganyan kabastos pwera na lang kung..."
"Pwera na lang kung ano, ha?!" Hindi siya sumagot. "What? Bakit hindi ka na makasagot diyan!"
"Lower you voice, Baby girl. Pate panggabing kulisap ay magigising sa ingay mo."
Baby girl! What the hell lang!
Ibinaba niya ako nang nasa parking lot na kami—sa mismong tapat ng isang Jaguar F-type.
"Is this yours?" Tumango siya without facing me. "I thought you are just a bodyguard?"
"I am." Walang yabang akong mahimigan sa boses niya. Medyo husky ang voice niya kahit pa babae talaga siya.
I remember her naman. Mitchell is the same girl ma nakita ko noong nagtatrabaho pa ako rito sa club.
"Where are you taking me?" She opened the car for me. Sumakay na rin ako at hindi na nakipagtalo. Honestly kasi, nahihilo na ako. Ewan ko ba kung bakit ang bilis kong malasing tonight.
Tahimik na kami habang nasa byahe unlike kanina na sobrang kulit niya dahil inaasar niya ako pero now? She's quite and serious.
How stupid of me!
Kung hindi pa kami nanglahati sa byahe ay hindi pa ako matatauhan!
Bakit nga ba sumama agad ako sa taong 'to na ngayon ko lang nakilala!
Oh my gosh! Baka siya pala itong pumatay kay Miranda!!!
I'm not familiar pa naman sa daan na dinadaanan namin!
"W-where the hell e-exactly are you taking me?" I didn't get an answer from her kaya masa lalong kinabahan ako lalo pa at binilisan niya ang pagda-drive!
I dont want to die! tili ng isipan ko.
"Why are you crying?"
Huh? Kinapa ko ang pisngi ko. Crying? Basa ang pisngi ko at umiiyak na pala ako nang hindi ko alam.
"W-what d-do y-you w-want from me?" Humihikbi na ako dahil sa takot. "A-ako na lang ang i-inaasahan—ng g-granparents k-ko," paputol-putol kong saad dahil hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa pag-iyak. "K-kapag p-pinatay mo a-ako, kawawa ang grandparents ko." May kinuha ako sa bag ko na hindi ko rin namalayang nadala rin pala niting kasama ko. "K-kapag pinatay mo ako, g-ive this to t-them and don't you d-dare do anything that w-will harm them cause I'll hunt you even if I'm dead!"
Tumawa siya.
Bakit ang sarao niyang tingnan kapag tumata—
Stop it, Alexis! Mamamatay ka na nga lang, kumakaringking ka pa!
Utak, please! Duh!
"Do I look like a killer to you, Baby girl?"
I shook my head na parang tanga. "Are you going to rape me?" Imbes na matakot sa idea na ma-rape niya ako ay na-excite tuloy ako.
Ano ka ba naman, Alexis?!
Lasing ka lang ba o may sira na talaga iyang utak mo?!
Lumingon siya sa akin na salubong ang mga kilay. "Are you fantasising rape, Lady?"
Hindi ko sinalubong ang tingin niya dahil guilty nga kasi ako pero kailangan kong magdahilan dahil nakakahiya. Oo, tama. Magdadahilan ako at tatarayan ko siya. "Of course not! Sino'ng matinong tao ang gustong ma-rape? Like, duh! That's terrifying!"
"Convince me more," mahinang sabi niya pero dinig ko pa rin.
Ha! Conceited talaga!
"What did you say?! Narinig kaya kita!"
"Narinig mo naman pala ako, eh." Narinig ko na bumuntong-hininga siya. "You are smiling when you asked me if I'm going to rape you. Do I look like a rapist to you?" Hindi ako sumagot dahil parang hindi niya rin naman ako kausap. "Kahit pa ang pinakagwapong nilalang ang gagawa niyan sa iyo ay huwag mong hihilngin dahil hindi iyon tama. May mali talaga sa inyong mga kabataan ngayon dahil kahit sa internet ay pinangangalandakan niyong ma-rape kayo? That's insane!"
"What?! Kabataan? Helloooo, 21 here!" maarte ko pang sabi. Exaggerated lang. Bakit ba?
"Hi, 26 here? Do the Math, baby girl. Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo."
"Nagsermon ka pa talaga, ha? Sino ka ba talaga at saan mo ako dadalhin?!" Nagtataray na naman ako dahil na overcome ko na ang fear ko. Feel ko rin naman na mabuti siyang tao. Maarte lang talaga ako kay may paiyak-iyak pa ako kanina.
"I'm your new bodyguard."
"Na naman?"
"Anong na naman?"
"Ayokong may bodyguard dahil naaasiwa ako! Ano ang akala niyo sa akin? Prinsesa? Anak ni Ayala? Duh!"
"Hindi ka nga anak ni Ayala pero syota ka ni Arzaga. Ang boyfriend mo ang kausapin mo sa bagay na iyan."
"Do you think, nag-o-over react lang siya?" Sinulyapan niya uli ako dahil sa palagay ko ay hindi niya ako na-gets. "You know, for giving me a bodyguard. My boyfriend is a nice man kaya alam kong walang magtatangka sa both life namin."
"Tell that to the devil," sarkastikong sabi niya pero sibrang hina lang.
"What did you say?"
"Wala. Umayon ka na lang sa gusto ng SYOTA MO dahil alam niya ang nakabubuti sa iyo."
Bakit kailangang bigyang diin niya pa ang salitang syota ko, hindi ba? Problema nito? Humalukupkip na lang ako.
"Bakit ang tagal naman yata nating makarating sa pupuntahan natin? And this is not the way to my boyfriend's house."
"Sa lugar na iyon ka niya ipinadala kaya roon ang tungo natin. Sumusunod lang ako sa utos."
"Okay, sabi mo, eh."
Akala ko ay hindi na siya magsasalita pero mali ako dahil, "In order for you to have a long life, keep this rule in your mind: If it is necessary ay huwag ka kaagad sasama kahit na kanino kahit pa magpakilalang bodyguard mo at kahit pa magpakita ng sandamakmak na ID dahil hindi mo malalaman kung sino ang matinong tao sa hindi."
"But you said you are my new bodyguard?" nagtataka kong tanong dahil twice niya na ring sinabi iyon sa akin, eh. Lasing lang ako pero hindi naman ako tanga.
"Yes, that's true. Paano pala kung hindi totoo ang sinasabi ko?"
"But you are driving a Jaguar F-type kaya alam kong hindi ka masamang tao."
Ang galing mo sa logic, Alexis. Pakibatukan nga ng sarili mo!
"Diaboli qui in veste latebat billionaire."
What? Hindi ko naintindihan!
"What alien ba you?" Hindi na siya sumagot kaya pumikit na lang ako dahil nahihilo na ako.
Naalimpungatan pa ako nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. Base sa amoy ay si Antonio iyon.
I slightly opened my eyes.
"Hello, sleepyhead!" He kissed my lips.
Ngumiti ako sa kanya at ikinawit ang dalawa kong kamay sa leeg niya. Inaantok talaga ako kaya hinayaan ko lang ang sarili kong magpahinga sa matipunong dibdib ng boyfriend ko.
Ewan ko ba, total package na naman itong boyfriend ko pero hindi ko pa rin siya matutunang mahalin kaya nakukunsensya ako.
May something akong nararamdaman sa kanya pero hindi ko naman mabigyan ng pangalan.
"Don't sleep yet, Beautiful, dahil may gagawin pa tayo."
Halos matilihan ako sa sinabi niya gayong kaninang nag-usap kami sa phone ay handa na akong isuko ang bandera ng perlas ng silanganan.
Just give it to him, Alexis, baka iyan lang ang hinihintay mo para matutunan mong mahalin si Antonio.
Okay. Sige na nga.
Teka! Nasaan na ba si Mitchell?
Iminulat ko uli ang mga mata ko kahit inaantok pa ako.
"Where's my new bodyguard?"
"Nasa loob na. Why? Sa tingin mo, makakasundo mo ba si Mitchell? Kasi kung hindi ay maghahanap ako ng panibagong bodyguard mo."
No!
Shit! Muntik ko pang isigaw ang No! Umayos ka nga, higad! Buhat-buhat ka ng boyfriend mong lalaki pero nagpapantasya ka sa babae?
"No need. Mukhang okay naman siya." Sinikap kong magtunog na wala talagang pakialam para hindi ma-hurt ang jowa ko.
"Yeah. May experience kasi siya sa combat dahil dating naging Pulis kaya alam kong kaya ka niyang ipagtanggol."
"Thank you..." Hinalikan ko siya sa labi pero wala talaga akong maramdamang kuryente.
Ang nababasa ko kasi sa mga libro is: True love's kiss is so electrifying!
Try mong halikan ang live wire baka sakaling makuryente ka nang magising naman ang utak mong tulog!
"I love you," labas sa ilong na sabi ko.
Hays...
Gusto kong ma-in love pero ayokong maghirap katulad dati.
Ayoko na ring bumalik sa pagiging dancer dahil pinagpipyestahan ng maraming lalaki ang katawan ko.
"Gusto kong mag-aral." Hindi ko namalayang nasabi ko pala ang nasa isipan ko. Nakapikit pa rin ako dahil nahihilo ako sa kalasingan. Ngayon ay lasing na talaga ako.
"What did you say, Beautiful?"
I braced myself dahil lumamig ang paligid.
"I—Aaaahhhh...." ungol ko dahil may nararamdaman akong kumikiliti down there. May sumisipsip sa putetay ko.
May tumutudyo-tudyo sa perlas ng silanganan ko.
Mabuhok!
Shit!
Napabalikwas ako ng bangon!
Ouch!
Bakit masakit ang—
Nanlaki ang mga mata ko dahil wala na akong damit at...
At....
Waaaaaaahhhhhhhhhh!!!
Maliwanag na pala!
Shit!
Oo nga pala! Nag-s*x kami ni Antonio kagabi pero nakatulog ako habang kinakain niya ako kaya hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari pero alam kong hindi na ako virgin dahil masakit nga ang putetay ko at may dugo sa sheet cover.
Good bye, virginity!
You've gone too fast!
Dahan-dahan akong bumangon dahil every move is agonizingly painful.
Yeah, that's how I described it.
Agonizing na. Painful pa.
Kire pa more, Alexa!
Landi pa more, virginity no more!
I'm heading right now to the bathroom dahil balak ko nang maligo.
I opened the shower.
Sana naman ay hindi mahapdi—wahhh! Mahapdi sabi, eh!
"Mabilisang paligo na lang, Alexa, kaya mo 'yan! Serves you right dahil malantod ka!"
Ang hapdi ay nasa isip lamang...
Sabon...
Sabon...
Sabo...
Sab...
Shit! Mahapdi talaga!