CELESTINA'S POV Napatingin ako kay Jackson at mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya nang magtama ang mata naming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Maging ang mga tao ay nakatingin sa akin. Pati na nga si Papa habang si Tita Mia naman ay malaki ang ngiti sa akin. “I mean, I would love you to be my granddaughter; sadly, my grandson does not know how to make a move. I don't know what he is waiting for. I would love to see a mini you with a combination of Jackson. But if there's something we can't force, that's love. So if you want another guy, grab him. I am excited to see a little you,” nakangiting saad nito. Nakahinga ako ng medyo maluwag sa sinabi ni Lola Martha. Akala ko kung ano na ang sasabihin niya, pero tagilid pa rin ang ngiti ko. Parang pinapareha kasi niya kami ni Ja

