CELESTINA’S POV “How's your mom?” napatingin ako kay Papa dahil sa tanong niya sa akin. Bigla na lang siyang lumapit sa akin. Pero hindi ko inaasahan na kamustahin niya si Mama. Dati naman ay hindi siya nagtatanong sa akin tungkol kay mama kapag nagkikita kaming dalawa. “Anong meron? Bakit bigla ninyo siyang naalala?” tanong ko pabalik sa kaniya. Mula nang maghiwalay sila ng ina ko, sampong taon na ang nakakaraan. Iniwasan na siya ni Mama ng husto pero sinabi rin niya na hindi siya magpapa-annul kay Papa sa kadahilanang hindi raw siya papayag na maging masaya ito at ang kabit nito. Kaya hanggang ngayon, kasal pa rin ang mga magulang ko. Ako ang naipit sa kanilang dalawa. Pinapili pa nga nila ako kung kanino ako sasama. Syempre, hindi ko iiwan si Mama lalo na at nasasaktan siya noon da

