CELESTINA'S "Alam mo, hindi na ako hahanap ng iba. Swerte-swerte ko na may mabait at maganda akong girlfriend. Hindi ako tanga para ipagpalit lang siya sa kung sinong babae," wika ni Reymond habang nag-iinuman kami. Nakailang tagay na sila pero iyong laman ng baso ko ay tunaw na ang yelo pero hindi ko pa rin nauubos. Si Francis, parang tubig lang kung uminom ng alak. Daig mo pa ang iniwan ng nobya kung makalaklak. "Ang yabang mo naman. Ikaw na masaya ang lovelife, respeto naman sa mga single na gaya namin," asar na saad naman ni Francis habang masama ang tingin kay Reymond na natawa lang. "Kaya nga humanap ka ng matinong babae. Iyong pwede mong ipagyabang sa lahat," wika ni Reymond. Gumalaw ang mga mata ko para tingnan si Jackson kahit na nakaharap ako sa dalawang nag-uusap. Pakiramda

