CELESTINA'S POV Kahit late na ay naghilamos pa rin ako at inalis ang make-up ko. Hindi ako sanay matulog na may makeup sa mukha, kaya kahit gusto ko nang magpahinga ay pinipilit kong kumilos. Maaga pa ang pasok ko bukas, kaya kailangan ko nang matapos agad at matulog. Hindi naman ako pwedeng ma-late. Nang masigurado kung malinis na ang mukha ko ay lumabas na ako ng banyo. Naka-cotton short na lang ako na maiksi at malaking t-shirt. Wala na akong suot na bra dahil patulog na ako. Tiningnan ko muna ang cellphone ko kung may mensahe ba. May text, si Mama. Sinabi lang na hindi siya makakauwi kaya siguraduhin kong nakasara ang mga pinto. Kasama kasi nito si Malou, kaya wala akong kasama ngayon. Ayaw ni Mama mag-drive mag-isa kaya palagi talaga niyang isinasama si Malou madalas kung saan siya

