16

629 Words
[16:Take Care] -Alisha's Pov- Bukas ay dadalhin ko si Alas sa Amusement Park.Day-off ko bukas at walang pasok si Alas kaya saktong-sakto.Makakapag-bonding na ulit kami! --- From Aushi: Sinundo ko si Alas galing sa school.Dadalawin ka namin,sabay na tayong mag-lunch. --- Napangiti ako bago ko sya nireplyan ng 'okay'. Atleast President is becoming more and more like a dad now. "Ate Alisha,may jowa ka ba?Pansin ko lagi ka nalang ngingiti kahit walang dahilan."asar ni Lily sakin habang nakangiti sakin Napanguso naman ako at sinamaan sya ng tingin. "May nakita kase akong nakakatawang post!"palusot ko pero mukhang di sya naniwala "Weh?Anyways,pinapatawag ka na sa set."wika nya at tumango naman ako at tumayo na sa kinauupuan ko Ito yung scene kung saan tatalon ako sa isang puno para patayin yung role ni Kleo,which is the second female lead.Medyo takot ako sa heights kaya kinakabahan ako. Pagpunta ko sa set ay pinaakyat nila ako sa isang puno.May harness naman na nakakabit kaya di masyadong nakakatakot.Pero medyo mataas yung puno kaya kinakabahan ako. "Alisha,sure ka ba na ayaw mo nang mag-double ng stuntman?Takot ka sa heights diba?"tanong ni Director Lee at umiling naman ako. Pangarap ko kase talaga maging bida dati sa action movies tapos lahat ng stunts ako mismo ang gagawa. "Okay lang,Director Lee!"nakangiting sagot ko at tumango naman sya "Ready...Action!" "Bakit nya ako pinapunta dito wala namang tao?"pagbibitaw ni Kleo ng linya Ang kailangan ko lang gawin dito ay tumalon mula sa puno at magkunwareng sasakalin sya. Lumingon si Kleo sa paligid at yun na ang signal ko para tumalon. Huminga muna ako ng malalim bago bumwelo sa pagtalon. Bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang pagkaputol ng harness mula sa pinagkakabitan nito. Napapikit ako ng maramdaman ko ang sakit ng malakas na pagbagsak ko sa lupa. "ALISHA!" Rinig kong sigaw sa paligid.Naramdaman ko nalang na may mga kamay na marahang bumuhat sakin.Pinilit kong imulat ang mata ko para makita sya. "A-aushi?" Yun nalang ang huli kong nasabi bago dumilim ang buong paligid. --------- Puting kisame ang una kong nakita pagbukas ko ng mga mata ko. "Wife!" "Mommy!" Napatingin ako sa paligid at nakita si Alas at Aushi. "Mommy,okay ka na ba?may masakot ba sayo?"nag-aalalang tanong ni Alas habang nakayakap pa sakin. Medyo masakit pa yung ulo ko dahil siguro sa impact nung pagbagsak. Pinilit kong umupo sa higaan. "Okay lang ako,medyo masakit lang yung ulo ko."sagot ko kay Alas "Alas,samahan mo muna si Manang Liz sa labas.May pauusapan lang kami ni Mommy mo,okay?"wika ni Aushi at tumango naman si Alas Ano namang pag-uusapan namin na hindi pwedeng marinig ni Alas?Lumabas na sa kwarto si Alas at nagpakawala muna si Aushi ng isang buntong-hininga bago nagsalita. "Are you getting bullied at your work?"tanong nya sakin at umiling naman ako I'm not bullied,sadyang marami lang talagang kaaway. "I checked the harness,it was intentionally cut by someone.Buti nalang pasa lang ang nakuha mo sa pagkabagsak mo,walang fractures at walang internal hemorrhage.Pinaiimbestigahan ko na kung sino ang may gawa."wika nya So ibig sabihin,planado yung pagkalaglag ko mula sa puno? It's either Anya or Kleo... Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Aushi. "Wife,why don't just work at my company?"tanong nya sakin at napakunot naman ang noo ko "Sira ka ba?Wala naman akong alam dun.Tsaka passion ko talaga yung pag-arte!"sagot ko sakanya "Fine,but you have to promise me,you'll take care of yourself." Napapikit ako ng halikan nya ang noo ko.Sa sobrang tahimik ng paligid tiyak rinig nya yung bilis ng pagtibok ng puso ko. "Ate Alisha,buti---" Sabay kaming napalingon ni Aushi kay Lily na papasok sana ng pinto "Hehe,wala po akong nakita.Namali yung pasok ko!"sigaw nya bago isinarado ulit yung pinto. Napatakip ako sa mukha ko na namumula na naman. WAAAAAHHH!Lagi nalang! Sinasadya mo na ba 'to author?Nakakahalata na ako ha! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD