Prologue
[Prologue:Our Start]
"Congratulations on your wedding,Anya and Brian!"masiglang bati ng stepmother ko kay Anya at Brian habang nagsasalita sa stage.
Napangiti ako habang iniinom ko ang wine na nakalagay sa mesa.Napakaganda ng wedding banquet na ito at halos lahat ng sikat na artista at businessman ay dumalo sa kasal nila.Medyo kilala kasi ang pamilya namin.
Napatingin ako sa kabilang table at nakita angmga bagong kasal.
Ang taksil kong ex-boyfriend at ang malandi kong stepsister.
Well,nahuli ko lang naman silang gumagawa ng milagro...sa mismong kwarto ko.Sinabi nilang nalasing lang daw sila pero pinilit silang magpakasal ng stepmother at tatay ko dahil may nangyari na daw sakanila.Baka daw madungisan ang pangalan namin kung mabuntis si Anya pero walang aako sa anak nito.Ayaw daw nila mapahiya si Anya.
Pero ako okay lang mapahiya.Okay lang na ikasal ang boyfriend ko sa kapatid ko.Okay lang na pag-usapan ako ng mga tao at sabihin inabandona ako ng sarili kong kasintahan.
Simula dati ako naman talaga ang tinutukoy nilang 'black sheep' sa pamilya Arcena
"Alisha,are you enjoying the night?"
Dahil sa malalim na pag-iisip ay di ko namalayang nakalapit na pala sakin si Anya.
Akala nya siguro maiinis ako sa tanong nya.Kung gusto nya akong inisin kahit wag na syang magsalita,kusa akong maiinis dahil sa pagmumukha nya.
Peke akong ngumiti at uminom ng wine.
"I enjoyed it.The wine is nice."sagot ko sakanya
Plastikan ba kamo?Expert ako dyan.
"Cut your act,Alisha.Alam kong gusto mo na akong patayin ngayon.Lahat ng sayo,aagawin ko.Ako lang ang pwedeng maging tagapag-mana ng kompanya ng Arcena.Because i will always be better than my big sister!"wika nya
Hindi nya binanggit yun ng malakas at hindi rin masyadong mahina pero sapat na para matawa ako ng malakas.
Ang lakas naman ng confidence ng isang 'to.Nang-agaw na nga ng boyfriend pati kompanya gusto rin agawin.Edi,isalaksak nya sa bunganga nga.Pakialam ko sa kompanyang yun,tsaka ayaw ko sa lalaking taksil.
"Sorry,my little sister but the tradition says the heir of Arcena company will always be the 'Eldest child'.At ako yun."kalmado kong wika bago uminom ulit ng wine.
Nakita ko ang mukha nyang nanggagalaiti sa galit at pinigilan ko naman ang pagtawa ko.
"Wag ka masyado uminom.Baka pag naglasing ka magwala ka pa sa mismong wedding banquet ko"paalala nya na may halong pang-iinis
"Mataas ang alcohol tolerance ko at lalong hindi ako magwawala"wika ko at nginitian sya
"Really?can you drink this glass of wine without getting drunk?"tanong nya at binigyan nya ako ng isang baso ng wine
Hinahamon nya ba ako?Kinuha ko ang baso sa kamay nya at inubos ito ng isang lagukan.Nung binaba ko yung baso ay nakabalik na si Anya sa upuan nya.
Biglang uminit ang pakiramdam ko at umikot ang paningin ko.
Shit,i've been drugged by that witch!
May aphrodisiac yung baso ng wine na binigay nya sakin!Isa yung drug na nagpapataas ng s****l desire ng isang tao.
Kailangan ko nang makauwi bago ako tuluyang tablan nung drugs.Paniguradong hindi ko makokontrol ang sarili ko pag may lalaking lumapit sakin.
Sobrang init ng pakiramdam ko!
Pinilit kong tumayo at tinahak ang daan papuntang elevator.Nasa isang hotel kasi ginanap ang wedding banquet.
Umiikot na ang paningin ko at pakiramdam ko ay matutumba na ako ng may biglang umalalay sakin.
"Young girl nowadays,drink alcohol more than their limited capacity"wika nung lalaki
I'm not drunk,i'm drugged for pete's sake!
Binuhat nya ako dahil hindi ko na makontrol ang aking mga paa
Hindi ko maaninaw ng husto ang mukha nya dahil naging blurred na ang paningin ko.
Wala ako sa sariling tinanggal ang butones ng polo nya.Hindi ko na mapigilan sobrang init na talaga ng pakiramdam ko.
Pumasok kami sa isang kwarto at inilapag nya ako sa isang kama.
Hinubad ko ang pang-itaas kong damit dahil sa sobrang init.Hindi ko na makontrol ang sarili ko!
"So hot!It's so uncomfortable!"angal ko
Naaninag ko na paalis na sana ang lalaki pero hinawakan ko ang kamay nya.
"Don't go!Please,Help me!"pakiusap ko sakanya sobrang init na talaga ng pakiramdam ko
Hindi ko na kaya!
"You asked for it."
Yun lang ang huling sinabi nya bago ko maramdam ang pagpalapat ng labi nya sa labi ko.
------
Nagising ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng likod at baywang ko.
Anong nangyari?Tsaka nasaan ako?
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala akong suot na damit at nakakalat iyon sa sahig.
Anong nangyari?!Wala akong matandaan sa nangyari kahapon.Maliban nalang dun wedding banquet at ang pag-drugged sakin ni Anya!
I can't remember anything.But one thing is for sure.I slept with somebody.
Nagulat ako ng may pumasok sa pinto at iniluwa si Papa,andg stepmother ko at si Anya.
"Wala ka talagang kwenta!Isa ka kang malaking kahihiyan!"sigaw ni Papa at nagpakawala ng isang malakas na sampal sa mukha ko
"Sinabi samin ni Anya na umalis ka ng wedding banquet kasama ang isang matandang lalaki!Wala ka na ba talagang dignidad,Alisha?!"sabat naman ng stepmother ko
Kahit ayaw ko ay kusang tumulo ang luha sa mga mata ko.Bakit nangyayari ang lahat ng 'to?
"That's not true!Sinet-up ako ni Anya!"sigaw ko at sinampal naman ako ng stepmother ko
"At ngayon dinadamay mo pa ang kapatid mo sa maling ginawa mo?Simula ngayon di ka na parte ng pamilyang Arcena!"sigaw ni Papa at lumabas na sila ng kwarto
Binigyan muna ako ni Anya ng isang ngiti bago umalis.
I understimated that scheming b*tch.
Hindi ka pa panalo,Anya.
Makakaganti rin ako sa lahat ng sakit na idinulot mo...
***