[1:Family Reunion]
-5 years later-
"Alisha,aalis na ko!"wika ni Kristy,bestfriend ko.
"Sige,salamat sa pag-aalaga kay Alas!"wika ko at hinatid sya sa may pinto
Napatingin ako sa anak ko na halos hindi na mabitawan ang laptop.Si Kristy ang nag-aalaga sakanya tuwing may shooting ako.
Nabuntis ako dahil sa nangyari limang taon na ang nakakalipas kaya di na ako nakatapos ng college.Binalak ko nalang mag-artista at nakapasok naman ako.Pero hindi pa ako sikat,minsan commercial actress lang.
"Alas,magpaalam ka na kay Tita Kristy!"wika ko at kumaway naman si Alas pero sa laptop parin ito nakatingin
Hay naku,ito talagang bata na 'to.
"Malaki pakinabang mo dyan kay Alas.Aba,mas magaling pa sakin kung gumamit ng laptop e!Baka genius sa computer yan!"usisa ni Kristy at tumawa naman ako
"Ewan ko ba dyan kay Alas.Mas gusto pa kutingtingin yung computer kaysa makipaglaro sa mga kaedad nya.Akala mo hindi limang-taon kung umarte e"natatawang wika ko naman
"Sige na,baka ma-late na ako sa trabaho ko.Bye!"paalam nya at lumabas na ng apartment.
Dahil nga hindi pa namab ako gaanong sikat,mura lang ang talent fee ko at kailangan ko pang umupa ng apartment.
Tumabi ako kay Alas at tiningnan kong ano ang ginagawa nya sa laptop.
Jusko,puro codes at number!Hacker ba 'tong bata na 'to?
"Alas,bakit di ko naman maintindihan yan?"tanong ko sakanya
"Mommy,only computer geniuses can understand and decode these computer codes."sagot nya sakin at napataas naman ang kilay ko
Computer geniuses?Sinasabi ba ng anak ko na bobo ako?Saan ka ba nagmana ng kayabangan mo,Alas?
"Malay ko ba.Di naman ako magaling sa computer na yan.Ewan ko kung saan mo yan namana!"sagot ko sakanya
"Kung hindi sayo,malamang sa Daddy ko."sagot naman nya sakin at ibinaba na ang laptop nya
Talaga naman!Bata pa e,sumasagot na!Genius rin ako dati sa computer pero dati lang.
"Tara na Mommy,kain na tayo!Nagluto ako kanina habang wala ka,nagpatulong ako kay Tita Kristy."wika nya at hinila ako sa kusina
Naglagay sya ng plato at nilagyan ng pagkain ang plato ko.
Minsan naaawa narin ako kay Alas.Lagi ko kase syang naiiwanan mag-isa kaya natututo na sya gumawa ng gawaing bahay sa murang edad.Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako nagluto ng pagkain para sakanya.
"Wow,adobo!"
"Sabi po kase ni Tita Kristy paborito nyo daw po yan!"wika ni Alas at niyakap ko naman sya
"Ang galing galing talaga ng Alas ko!"wika ko habang yakap yakap sya
Kung gaano ako minalas sa pamilya ko,ganun naman ako sinuwerte sa anak ko.
Aaminin ko,mahirap nung pinagbubuntis ko palang sya kase wala akong pera.Itinakwil ako ng mga Arcena.Pero nung nakahanap ako ng trabaho naging stable naman.
Pero ni minsan,hindi sumagi sa isip ko na ipalaglag si Alas.Sya nalang ang natitirang kayamanan ko.
"Bilisan mo pala kumain,susunduin natin si Tito Dustin mo!"paalala ko sakanya at tumango naman sya
Si Dustin Samonte ang pinakasikat na artista sa panahon na 'to.Di pa sya sikat ay magkakilala na kami.Magkaibigan kami dati nung college at hanggang ngayon.
Napatigil ako sa pagkain ng may natanggap akong text.
From Dustin:
Nasa Airport na ako...maraming reporters kaya nagsuot ako ng sombrero at mask.Sana makilala mo ko!:(
Napailing nalang ako ng makita ko ang message ni Dustin.
That troublesome guy.
-----
(At the Airport)
"Mommy,gusto ko ng ice cream!"sambit ni Alas habang nakaturo sa isang ice cream stall
Aakayin ko na sana sya papunta dun pero bigla syang tumigil.
"Mommy,ako nalang po ang bibili.Hanapin nyo na po si Tito Dustin,balikan nyo nalang po ako dito"wika nito at napangiti naman ako
Ang independent talaga ng baby ko!
"Sige,hahanapin ko na si Tito Dustin ha.Wag ka masyadong lalayo!"paalala ko sakanya
Matalinong bata si Alas kaya alam nya ang tamang gawin.
Umikot ako sa paligid at hinanap si Dustin pero di ko sya makita.Masyadong marami ang taong nakasombrero at nakamask ngayon.
Puntahan ko kaya muna si Alas?Baka mamaya naiinip na yun.
Pumunta na ako sa ice cream stall at naabutan ang isang eksena dun.
"Nasaan ba nanay mo ha?Mababayaran mo ba yung bag ko?High end brand yan,tapos matatapunan mo lang ng ice cream!"sigaw nung babae sa anak ko
Agad akong lumapit kay Alas.
"Alas,anong nangyayari?"tanong ko sakanya
"Mommy,natapunan ko po ng ice cream yung bag ng babaeng yun tapos tinulak nya po ako tsaka sinabihan po ako ng masasama."sagot ni Alas
Napatingin ako sa babae at nakakapit sya sa isang matamdang lalake na halatang may pera at kapangyarihan.
"Miss,sorry sa ginawa ng anak ko.Babayaran ko nalang.Pero hindi naman ata tama na nanunulak at sinasabihan mo ng masama yung bata"wika ko at napataas naman ang kilay nya
Naku,kung hindi nyo lang ako kayang ipakulong baka sinabunutan ko na yung babaeng yun.Aapihin nyo yung anak ko tapos pagbabayarin nyo pa ako.Kairita!
"Ganun lang yun?Alam mo ba kung gaano kamahal 'to?Limited edition bag 'to ng Han!"sigaw ng babae
Han?As in yung company na may pinakamahal na bag?Yari tayo dito,Alas.
Pinalilibutan na kami ng maraming tao dahil sa lakas ng boses nya.
"Sinungaling!Hindi naman totoo yan e.Hindi maliwanag ang print ng bag at may mali sa font nito.Peke yung bag na yan."wika ni Alas at lalong nagalit ang babae
Jusko,pahamak rin talaga yung bunganga ng anak ko.
"How dare you?This is authentic!Y--"
"Tama yung sinabi nung bata,peke yung bag na yan..."
Napatingin kami sa isang lalaki na nakasuot ng black suit.
"Diba sya si Aushi Han?Yung may-ari ng Han Company?"
"Oo nga 'no!Teka...bakit kamukha nya yung bata?Anak nya ba yan?"
Bulungan ng mga tao sa paligid.Napatingin ako sa 'Aushi' na yun at kamukha nya nga si Alas!
Sya yung President ng Han Company?!Omy...bakit pamilyar sakin yung postura nya?Nagkita na ba kami dati?
Gwapo ito,matangos ang ilong,malamlam ang mata,maputi at maganda ang pagkakabuilt ng katawan.Yung tipo ng tao na isang tingin mo palang alam mong dapat mong katakutan.Mayroong seryosong aura na bumabalot sakanya.
"Ako na mismo ang nagsabi,di ka parin ba naniniwala?"tanong pa ni Aushi
Nagulat ako ng biglang sinampal nung lalaki yung kasama nyang babae.
"Mag-sorry ka kay Mr.Han!"sigaw pa nito sa babae at napaiyak naman ang babae
"S-sorry po Mr.Han!"wika nito at sinamaan pa ako ng tingin bago sila umalis nung kasama nya.
Buti nga sayo,arte mo kase.
Nagulat ako ng biglang tumakbo si Alas papunta kay President Han.
Nakatingala lang si Alas kay Mr.Han at ganun rin si Mr.Han kay Alas.
Luh,ang cute nila tingnan mukha silang mag-ama HAHAHAHA.
"Hoy,ikaw ba ang daddy ko?!"
***