2

620 Words
[2:Plano ni Alas] -Alisha's Pov- "Hoy,ikaw ba ang daddy ko?!" Jusko,lagot na! Agad akong lumapit kay Alas at kinarga sya.Narinig ko kase sa balita,strict at suplado daw 'tong si President Han. "Sorry!At thank you na rin!"wika ko at nag-bow na rin Baka magalit 'to tapos ipabitay kami ni Alas whaaaa. Napatitig lang sya sakin kaya napangiti ako ng awkward.Shet,sabi ko na nga ba ipapabitay nya kami e! "You look familiar,have we met somewhere?"tanong nya sakin Yun rin yung naiisip ko e.Pakiramdam ko nakita ko na sya dati. "No,Sir.This is our first meeting."sagot ko naman at napatango sya "Sir,malalate na po kayo sa meeting nyo sa Russia."wika ng isang lalaki na feeling ko ay secretary nya. He smiled at Alas and patted his head. Shete,ang pogi nya pag ngumingiti!Kalma lang,Alisha. Pero akala ko talaga magagalit sya kay Alas. "You got a smart kid."wika nya bago ako nilagpasan Tumingin ako kay Alas at inilapag sya.Masasanay 'tong bata na 'to pag di ko pinagsabihan. "Alas,wag mong pagkamalan na daddy mo lahat ng lalaking kamukha mo ha?Baka kase mapahamak tayo tapos parusahan nila yung maganda mong Mommy!Gusto mo ba yun?"tanong ko sakanya at umiling naman sya Good,marunong naman makuha sa isang sabi 'tong baby ko eh. "Ali!" Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng sombrero at mask. "Dustin,letse ka.Kanina pa kita hinahanap!"pabulong na sigaw ko Bakit ba kase umuwi-uwi pa 'to.Pabigat lang rin naman sakin. "Sorry nahirapan kase ako makatakas sa ibang fans.Maski naka-disguise ako ay nakikilala nila ako."katwiran nya Lumakad na kami palabas ng Airport at tagumpay na nakapasok sa taxi ng walang nakakakilala sa kanya. Tinanggal nya na ang sombrero at mask nya ng makasakay na kami sa taxi. "Whaaaa Alas,namiss ka ni Tito Dustin!"masayang wika ni Dustin at yayakapin sana si Alas pero umilag agad ito. "Di kita namiss."malamig na sagot sakanya ni Alas at kinutingting na naman ang computer nito Hay naku,laging ganito ang dalawang 'to.Bukod kay Kristy at Dustin...walang nakakaalam na mayroon akong anak. Di naman sa gusto ko syang itago pero baka mapahamak si Alas pagnalaman ni Anya na anak ko sya.Siguradong di nya parin kami titigilan. Pagdating namin sa bahay ay inayos ko muna ang tutulugan ni Dustin.Ganito sya tuwing bumabalik sa bansa.Lagi sya dito nag-stay sa apartment ng isang araw at bukas ay pupunta na sya sa Entertainment Building nila. Pinatulog ko muna si Alas bago pumunta sa kwarto ko. ---- -Alas' Pov- Pagkasarado ni Mommy ng pinto ay agad kong iminulat ang mga mata ko.Kinuha ko ang laptop ko at buksan ito. Yung lalaki kanina sa airport.Sigurado ako na sya ang daddy ko. Malakas ang pakiramdam ko na sya nga ang daddy ko. Pero ang ipinagtataka ko lang...bakit hindi sya kilala ni Mommy?Kung sya nga ang daddy ko bakit di kilala nila ang isa't isa? Sabi ni Mommy,may nagpainom daw sakanya ng aphrodisiac at pagkagising nya ay nasa ibang kwarto na sya. May kinuwento kase sakin si Tita Kristy.Sabi nya may kapatid daw si Mommy na galit na galit kay Mommy.There is a high possibility that she will drugged my beloved Mommy so she can get rid of her. Trinack ko ang location ng Han Company at at hinack ang computer system nila. Kada laptop na bubuksan nila ay ito ang nakalagay. "Aushi Han,magkita tayo sa Genoa Restaurant.Bukas ng umaga,8:00 am sharp!" Siguro naman makikita 'to ni Aushi diba?Paniguradong maaalarma sya at mapipilitan na makipagkita sakin. Bukas ko malalaman kung sya nga ba ang daddy ko o sadyang magkamukha nga lang talaga kami. At kung sya nga ba talaga ang daddy ko...bakit nya hinayaan mag-isa lang si Mommy?Sinaktan nya rin kaya si Mommy katulad ng stepsister ni Mommy? Dahil kung 'oo',hindi ko palalagpasin lahat ng taong nanakit sa Mommy ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD