[25:For My Wife] -Alisha's Pov- "My dear,it's good that you still remember me." Lalapit sana sakin si Elijah pero agad akong lumayo. May katanungan na nabubuo sa isipan ko.Bakit alam ni Elijah na dito ako babagsak?Imposibleng nagkataon lang dahil private property ang gubat na ito at hindi basta basta nakakapasok ang ibang tao. "Paano mo nalamang mapapahamak ako?!Ikaw ba ang nagplano nitong lahat?!"pasigaw na tanong ko sakanya at nakangiti naman sya habang umiiling. "Alam mong hinding-hindi ako gagawa ng ikakapahamak mo."wika nya at napakalma ako ng kunti Sabihin na nating obsessive si Elijah.Pero nung mga bata pa kami hindi nya ako hinahayaang malagay sa panganib.Lagi nya rin ako prinoprotektahan.At ayaw nya sa lahat ay yung nasasaktan ako.Kaya sa tingin ko ay imposible nga na sya a

