HELENA
'Lunes na naman! Argh! Ayaw ko na bumalik sa opisina ni Rad.' yan ang unang bumulaga sa isip ko pagkagising. Di muna ako bumangon at nakatitig sa kisame ng unit ko. Maya maya ay tumunog ang alarm ko kaya ibig sabihin kelangan ko na talaga bumangon.
Dumaan ako sa isang convenience store para bumili ng kape at tinapay. Habang naglalakad papasok nasa bibig ko ang tinapay habang kinukuha ang ID ko sa kumpanya ni Rad. Nang makuha ko ay pumasok na ako. "Good morning po Ms. Helena!" nakangiting bati sa akin ni manong guard. "Magandang umaga din po!" masaya ko din tugon sa kanya.
Dumeretso na ako sa elevator at hinabol ito bago magsara. Di ko agad napansin kung sino ang kasama sa loob. "Helena the sss. Good morning!" may panunuksong bati sa sakin. Nilingon ko at "good morning Rad!" nakangiti kong bati pabalik. "How was your weekend?"
"Okay naman!" maikli kong sagot.
"Not in the mood?" nagtataka nyang tanong.
"gutom lang ako." sabay taas ng kamay na may tinapay at kape.
"Ahh. I see. Yan lang ba ang agahan mo?" sunod nyang tanong.
Nginuya ko muna ang tinapay na nasa bibig ko. "Yep!"
"Good morning Sir Rad and miss Helena!" magalang na pagbati sa amin ni Joseph. Nauna si Rad sa pintuan at pinauna akong pumasok.
Pagpasok na pagpasok ko dumeretso na ako sa couch sabay humiga at nilagay ko ang braso sa ibabaw ng noo ko muna since maaga pa naman nang mapansin kong di pa pumasok si Rad. 'san na yun?' nasabi ko nalang sa sarili. Maya maya pa ay pumasok na sya at nilingon ako.
"Helena are you not feeling well?" may pag aalala sa boses nya.
Nilingon ko sya sya bago pa siya makalapit sa akin. "Okay lang ako!" nakangiti kong sabi sa kanya. Lumapit pa din sya at nagsquat sa harapan ko tinitignan ako ng may concern sa mga mata. "Are you sure? If you're not feeling well it's okay to rest." mahinahon niyang sabi sa akin. Kung di ko lang alam ang ugali nito maniniwala akong concern lang ito. He is known for being pafall and he has a fiancee. I don't think we are friends at the moment. "Nakapagpacheck up ka na ba?" bigla niyang naitanong.
"bakit naman ako papacheck up?" taka kong tanong sa kanya. Nakasquat pa din sya malapit sa akin. "Baka may nabali sa iyo sa pakikipag away mo nung friday night!"
Napatawa ako ng malakas at biglang napabangon at bigla naman syang napaupo sa sahig. Hinawakan ko ang mukha sya ng dalawa kong kamay. "Don't worry I am a woman of steel." sabi ko na may confidence sabay binitawan siya at punta sa desk ko. Tumayo na siya at lumakad na din sa table nya at umupo sa swivel chair at binuksan ang laptop nya. Di na sya nakaimik at tumutok nalang sa laptop.
Maya maya pa ay may kumatok at pagbukas ng pinto "Sir andito na po ang order nyo." may bitbit na paperbag si Joseph. "pakilagay nalang dyan sa table." malamig na tugon ni Rad.
Medyo napaisip ako di pa din pala ito nag agahan.
"Helena kain tayo!" aya nya sa akin sabay tayo sa upuan at tinungo ang couch at center table. Sumunod na din ako kasi bitin talaga ang kinain ko.
Nilabas nya ang lahat ng laman ng paperbag sa mesa. "pili ka nalang." sabi nya pagkatapos mailabas lahat ng pagkain. Kinuha ko ang paperbag at tiniklop. Kinuha ako ang tapsilog at umupo na sa couch ng nakaindian seat. Tahimik kaming kumakain ng siya na ang bumasag sa katahimikan.
"naihatid ka ba ng ayos ni Red?"
"Oo. Dun na din sya nakitulog sa unit ko." sabi ko na parang wala lang na may makasamang lalaki sa loob ng bahay. Napatigil sya sa pagkain at tinignan ako.
"Wag kang malisyoso! Di ako hayok sa laman." pang aasar kong sabi sa kanya.
"Si Red hayok yun sa laman ah! Buti nakapagpigil!" tatawa tawa nyang sagot sa akin.
"bigwasan ko sya pag nagtangka sya." sabay taas ng kamao ko at ngumisi sa kanya. Napailing sya at tumawa.
Nagkwentuhan kami hanggang sa natapos ang pagkain namin.
"Salamat sa agahan." nakangiting satisfied ako sa pagkain sabay hagod sa tyan ko.
"Very much welcome." nakangiti niyang tugon.
"Wag ka ng mag aagahan sa sunod sabay na lang tayo lagi." dagdag nya pa habang nakatingin sa akin.
"Ano yan libre mo o alternate tayo magdala ng agahan?" nakangisi kong tanong sa kanya.
"treat ko." maikli nyang sagot habang nililigpit ang kinainan. Natutuwa ako sa kanya na kahit bossing siya sa company nagliligpit siya ng pinagkainan namin. Ako na dapat maglilipgpit ng pigilan nya ako. Hinayaan ko nalang siya at bumalik na ako sa mesa ko.
Magtatanghalian na at dumating na naman si Marge. "Hello everybody!" bati nya sa amin pagkapasok pa lang sa pintuan. Lumapit siya sa nobyo at hinalikan ito sa labi. "Helena behave ba itong fiancee ko?" malambing niyang sabi sakin habang nakayakap sa leeg ni Rad. "Oo naman nanlibre pa nga ng agahan yan." masigasig kong sagot sabay thumbs up sa kanya. "Ang daya naman di kayo nagyaya na mag aagahan kayo." may kunwaring pagtatampo sa boses sabay bitaw sa leeg ni Rad. Napailing na lang ako at bumalik sa trabaho. "Babe sorry nagutom ako kasi nung nakita kong ngumangasab ng tinapay si Helena."
'wow ha! Ngasab talaga!' sabi ko sa sarili ko.
Maya maya pa ay naglalambingan na ang dalawa.
"Helena would you like to join us for lunch?" tanong ni Marge sa akin.
Umiling na ako since may tira pa kaninang pagkain yun nalang balak kong kainin.
"Kayo nalang may tira pang pagkain kanina yun nalang kakainin ko!" dagdag kong sagot.
Tumayo na si Rad na hatak hatak ni Marge ang kamay.
"See you later!" sabay kaway sa akin ni Marge. Kumaway nalang din si Rad dahil halos kaladkarin na sya ng Nobya.
Kumuha na ako ulit ng pagkain at dinala sa desk ko para matapos na din ang tinatype ko.
Maya maya ay may kumatok at pumasok.
"Let's talk!" maawtoridad na boses ni Red.