HELENA
"Wag kang mahiya sumuntok ha." nakangisi kong udyok kay Red.
"Kelangan kitang mapabagsak para makadate kita. Walang bawian."
"Sure!" tugon ko at pinagsalubong ko na ang ang mga kamay ko at sinuntok suntok ang mga gloves na nakasuot sa pareho kong kamay.
Naglapit na kami at nagsuntok ng parehong kamay na may gloves na ibig sabihin game na kami. Una akong umatake nakatama agad ako sa may tagiliran nya. Medyo napaatras sya at ngumisi sa akin na parang naghahamon na yun lang ba ang kaya ko. Nagmuwestra sya at sumenyas na lumapit ako. Napangisi na din ako at umabante para makasuntok ulit. Nagsunod sunod ang sugod ko sa kanya pero di pa din sya gumaganti. "Red ano ito joke?" medyo napipikon na ako kasi pinagmumukha nya akong mahina kaya di sya gumaganti. Ngumiti sya ng nakakaasar. "Bumebwelo lang Hel. Gusto kitang mapatumba." sabay abante nya at tinapat ang mukha sa mukha ko at tinitigan ako ng malapitan. Nakita ko ang pagngisi nya. Medyo natigilan ako sa lapit ng pagmumukha nya sa akin at di napansin nacorner nya na pala ako. Akmang ilalapit nya pa ang mukha sa akin kaya yun ang nakita kong oportunidad na pabagsakin siya. Di nya napansin ang kamay ko na mabilis kong isinuntok sa mukha nya. Tumama sa panga nya at nailuwa nya ang mouthpiece nya. Medyo napaatras ko sya. Di ko na sya pinagbigyan inundayan ko sya ulit ng suntok hanggang ma out of balance sya at matumba. Mabilis akong pumatong sa ibabaw nya umupo sa dibdib nya. "pano ba yan napatumba na kita!" nakangisi kong sinabi sa kanya na may lambing. Di sya agad nakakibo nakatitig lang sya sakin at nakangiti. Naalarma ako sa tingin nyang iyon pero di ako nagpatinag inilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinungo ang tenga nya at kinagat ito ng kaunti na parang nang aakit sabay tumayo na ako. Mas natulala pa sya at di agad nakapagsalita o gumalaw man lang.
"Ano yan lang kaya mo?" sabi ko sa kanya habang nakatayo sa harap nya. Tumalikod na ako ng bigla nyang hablutin ang kamay ko kaya na out of balance ako at napahiga. Di ko napansin na natanggal na pala ang gloves nya. Pumaibabaw sya sa akin. Di ako agad nakagalaw dahil sa gulat.
"You want it rough my Helena?" nakangisi niyang sabi sakin habang malapit ang mukha sa mukha ko. In fairness wala pang toothbrush yun mabango pa din ang bibig. Lumamang ang amoy ng kape na ininom nya kanina.
"Loverboy don't you think that your oozing with over confidence at this point?" medyo nagulat siya sa pagkakasabi ko kala nya napindown nya na ako.
Mabilis ko syang naitulak at sya naman ang nasa ilalim at nilagay ko ang braso ko sa leeg nya. natanggal ko na din ang gloves ko sa kamay ng di nya namalayan. Nilapit ko ang mukha sa kanya at di niya expected ng dilaan ko ang labi nya.
Sabay tumayo na ako at bago pa tumalikod. "That would be a parting gift my Redentor Milano. You almost had me then but never again." sabi ko ng may finality. Di na sya nakagalaw at lumabas na ako sa boxing ring at dirediretsong kuha ng bag at umalis na sa gym.