RED
Naalimpungatan ako nang may naririnig akong may kumakanta sa loob ng banyo. Napaupo ako at sinilip ang kama wala na dun si Hel. Naliligo na sya. Napangiti ako sa lakas ng pagkanta nya habang naliligo.
?You and me, we have an opportunity
And we could make it something really cool?
But you, you think I'm not that kind of girl
I'm here to tell you, baby, I know how to rock your world?
Don't think that I'm not strong
I'm the one to take you on
Don't underestimate me, boy
I'll make you sorry you were born
You don't know me
The way you really should
You sure misunderstood
Don't call me baby?
Tumayo na ako at pumunta ako sa lababo para maghilamos at magmumog. Maya maya pa ay lumabas na si Hel sa banyo. Nakabihis na siya habang kinukuskos nya sa buhok ang twalya niya. "Ow gising ka na pala. Tulo pa laway mo kanina kaya di na kita ginising." tatawa tawa niyang sabi sa akin. Nilingon ko sya habang nagmumumog at niluwa ko na ang tubig sa lababo mula sa bibig ko. "Uy Hel nakabuka ang bibig pero walang laway ha!" sagot ko sa kanyang nakangiti.
"Red pupunta ako ng gym ngayon sa labas na tayo mag agahan sagot kita!" aya nya sa akin.
"Baka bulok na din mga pagkain ko sa ref at di pa ako nakakapamili ulit." sinunod nyang sabi. Swabe pa din siyang magsalita na parang di babae ang kausap ko.
"Okay Hel. San ka ba naggigym?" kuryoso kong tanong sa kanya.
"Dyan sa boxing gym sa unang kanto." sagot nya sakin.
Pinasadahan ko sya ng tingin. Nakajogging pants syang puti na pinaresan ng puting sleeveless. Kita naman sa medium built nyang katawan na may mga muscles sya at kita din sa hapit na sleeveless na well toned ang tyan nya. Di kalakihan ang dibdib kasi din siguro sa paggigym nya. Kinuha nya na ang backpack nyang naglalaman siguro ng pamalit pagtapos maggym. Tinungo nya na ang pintuan at nagsuot ng puti ding rubber shoes. Ang panali nya sa buhok ay nilagay nya muna sa may palapusuhab nya. Tumingin na sya sakin. "Huy! tulala lang. Magbihis ka na at nagugutom na ako." nakasalubong ang mga kilay niya dahil di pa ako kumikilos. Nagmadali na akong suotin ang damit ko kagabi at lumapit na ako sa kanya.
Naglakad kami at pumasok muna sa isang fastfood chain para makapag agahan. Pinaupo nya na muna ako at tinanong kung anong kakainin ko. Sabi ko sa kanya na ako na lang ang oorder pero tinignan nya ako ng masama at inaro ang nakakuyom nyang kamay at matigas ang pagkakasabing "maupo ka na!" wala na akong magawa kasi pag sinabi nya sinabi nya. Di naman sa duwag ako ayaw ko nalang ng diskusyon sa mga simpleng bagay lang naman. Habang nasa counter sya ay nilingon nya ako at sumesensyas na ang bagal daw ng cashier. Masarap syang titigan kahit para siyang lalaki kumilos. Dala dala nya na ang pagkain namin papalapit na sa lamesa kaya tumayo ako para sana salubungin sya. Naningkit ang mga mata nya at parang sinasabi na wag na akong mag abala pa.
Pagkalapag palang ng tray akma kong iaalis na ang ang pagkainsa tray.
"Wag mo ng alisin sa tray." pigil nyang sabi sa akin. Tumingin ako sa kanya na nakuha nya agad ang gusto kong itanong.
"Pagtapos natin kumain ibabalik din naman natin dyan sa tray."
"ahh okay." maikli kong sagot. Sunod sunod syang sumubo ng kanin na parang gutom na gutom. Hinipan muna ang hot choco at uminom. "Dahan dahan sa pagkain mahaba pa ang oras." tatawa tawa kong sabi sa kanya.
"Ipapahinga ko pa ang tyan ko bago mag work out kaya minamadali ko." halos mabulunan sya sa pagkakasabi kasi may laman pa ang bibig nya nung sumagot sa akin. Matapos kumain ay tumambay muna kami sa aming kinauupuan.
"Wag mo na ako samahan sa gym. Uwi ka na para makapagpahinga ka na din. Alam kong di ka naman nakatulog ng ayos sa bahay." dirediretso nyang sabi sa akin. Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Samahan kita baka kelangan mo ng sparring partner." masaya kong tugon sa kanya.
"Kung ganun eh di maganda. Tara na." tumayo na sya at humakbang na papalayo sa lamesa namin. Napaigtad ako at nagmadaling tumayo para habulin siya.
Pagdating namin sa gym nagpunta na kami sa gilid at nilapag nya lang ang bag sa gilid ng mahabang upuan at nilabas ang benda at ibinalot na sa mga kamay nya. Pagtapos nyang balutin ang kamay kumuha sya ng boxing gloves na nakasabit.
"kuha ka na!" utos nya at tinuro nya ang mga gloves na nakasabit. Tumayo na akk para kumuha ng gloves. Di ko na naisip na wala nga pala akong pamalit na damit. Nagstretching at warm up muna kami bago pumasok sa boxing ring.
"Sparring lang ito Hel ha! Kilala kita pag nanggigil ka nakakapanakit ka." sabi ko agad sa kanya bago pa umakyat sa ring.
"Sa laki mong yan baka nga di kita magalusan." natatawa nyang sagot sa akin.
"Pustahan tayo Red! Unang bumagsak may consequence."
"hmmm. Sa tingin mo ba talagang sasaktan kita? Hindi ako nananakit ng babae." sagot ko sa kanya.
"Red! ganito nalang pag napabagsak mo ako makikipagdate ako sayo." seryoso siyang nakatingin sa akin. Napataas ang gilid ng labi ko. Gusto ko talaga syang makadate. "Pag ako napabagsak mo anong balak mo?" tanong ko sa kanya. "Pag napabagsak kita titigilan mo na ako." di pa din sya nakangiti nung sinagot nya un. Napaisip at natigilan ako sa sinabi nya.
"Ano game?" sabay lapit at suntok sa balikat ko at sumampa na sya sa ring.
Tsaka lang ako natauhan at di na sumagot at sumunod na sa ring.
Naglagay na kami ng mouthpiece at head gear. Nakataas na din ang buhok niya.
"Kickboxing style Red!"