RED
Siya nga kaya yun? Di naman malabo since journalist siya. May saya sa puso ko at the same time may kaba.
"Hey! Are you okay?" tapik sa akin ni Rad kasi di na ako umimik galing sa restaurant. Nauna na ding umuwi si Margaret at tatagpuin nya pa daw ang mommy nya para magpunta sa designer ng gown nya.
"Oo naman. Naalala mo yung kinuwento ko sa iyo nung college na dinidiskartehan ko?"
"What about her?"
"Di ko ba namention ang pangalan sa iyo?"
"Di ko na matandaan eh."
Nakarating na kami sa harap ng pinto ng opisina nya. Pagbukas na pagbukas pa lang ay nasilayan ko na ang babaeng nakapwesto sa couch na naka indian seat at hawak ang laptop. Nag angat ito ng mukha para makita kami. Pagkakita sa amin ngumiti na ito at tumayo.
"RED!" lumapit sa amin at ako agad ang inabutan ng kamay.
"Long time no see ah!" casual nyang sabi sa akin. Na ikinagulat ko kasi di ko expected ang ganung reaksyon sa kanya.
"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Rad sa amin.
"Yeah. What a small world isn't it. Pero sa totoo lang alam ko naman na magpinsan kayo. I did my assignment." pagmamalaki nya sa amin.
Hinampas nya ako bigla kasi di na ako nakapagsalita sa pagkakakita ko sa kanya.
"Kung ano man yang bumabagabag sa iyo Red. No worries. Past is past." medyo nasasaktan ako kasi parang talagang lipas na ang mga pinagdaanan namin sa mga sinabi nya.
***
Flashback
Natanaw ko na siya. Tumibok ang puso ko at di ako mapakali nakita ko na naman si Aira. Nakakatakot ang BFF nya parang di pwede man lang lapitan. Napakaganda talaga ni Aira. Complete opposite sila ni Helena. Pero di naman maitatanggi na may angkin ganda din sya.
"Hi Aira!" bati ko agad nung nakalapit na sa kanila.
Ngumiti lang si Aira at mukha pang nahihiya sa akin. Marami kasing nagsabi na "crush daw ako ng bayan" di sa pagmamayabang.
"Tsss. Hoy loverboy wag mo nga istorbohin GF ko." medyo maangas na sabi ni Helena.
Nagulat ako nung marinig un. Malakas syang hinampas ni Aira.
"Oist Hel baka naman maniwala sa iyo si Red. Joke nya lang yun." nahihiya nyang sagot.
"Pare di ko naman lolokohin yang GF mo pag sinagot ako." pang aasar kong sagot kay Helena.
Lumapit sya sa akin at umakbay. Hinawakan nya ang kanang balikat ko at inilapit ang bibig sa tenga para bumulong.
"Are you sure na si Aira ang gusto mo? Babae din naman ako." may lambing sa boses na parang nang aakit.
Bago pa ako makalingon ay hinigpitan nya na ang hawak sa balikat ko medyo napaigtad ako sa sakit ng pag ipit nya.
Sabay layo nya ng bitawan ako at nakakalokong tingin ang ibinato sa akin na medyo nakataas ang isang parte ng labi. Sabay akbay kay Aira.
"Ano ba Helena. Masakit un ha. Walang magkakagusto sa iyo kung ganyan ang inaasta mo. Pasalamat ka di ako pumapatol sa babae." asar kong dinuro sya kasi talagang masakit ung ginawa nyang pagpisil sa balikat ko.
"Pasensya na Red!" lumapit si Aira sakin para aluhin ako kasi kita nya na ang pagtatagis ng mga ngipin ko sa galit sa kaibigan nya. Walang reaksyon na nakatingin sa amin si Helena pero nung matingnan ko ang kanyang mata may pagtatampo ang mga ito.
"Geh aluhin mo yan. Mahina naman pala yang loverboy mo eh." sabay talikod sa amin at tumakbo paalis.
Naiwan kami ni Aira at inaalo nya pa din ako. "Yaan mo na si Hel. Crush ka kasi nun kaso ako ang lagi mong binabati." nakangiti nyang sabi. Medyo nagulat ako sa sinabi nya. Ibig sabihin di nagbibiro si Helena sa binulong nya sakin.
"Okay lang ako. Ano ba talaga yang kaibigan mo?"
"Boyish lang yan. Malambot puso nyan kala mo lang na astig sya."
Medyo may kumurot sa puso ko nung maalala ko ang mga mata ni Helena na nakatingin kanina sa akin.
"Papayag kaya sya na lumabas kasama ako?" wala sa sarili kong tinanong kay Aira. Napangiti sya nung narinig yun.
"Red sa totoo lang di ko sure ha. Pero mas maganda ikaw ang magtanong." nakangiti pa din sya nung sinasabi un. Ngayon ko lang napagtanto na si Helena pala ang gusto ko at malinaw din sa kin na di ako gusto ni Aira.
****
Back at the office.
HELENA
Di ko expected na dadalaw ngayon si Red sa pinsan nya. Ayaw kong makita nya na affected ako sa presensya nya.
"Rad nagtanong tanong na din pala ako kay Joseph ng scheds mo. I will be interviewing your employees too about your performance once a week." di ko na pinansin si Red na nakatulala pa din. Ganun pa din ang itsura nya medyo nagmature na din. Mas gwapo sya kay Rad pero mukhang mas matinik sa chicks ang pinsan.
"Okay Helena." maikli nyang sagot sa akin. Medyo nagugulumihanan pa din siguro sya sa nadiskubre. Maya maya pa ay nagpaalam na si Red na babalik na sya sa opisina nila after mahimasmasan.
Natapos naman ang maghapon ng maayos.