RAD
Medyo matagal ng wala si Helena. Babalik pa kaya yun? Malapit ng maglunch kumain na kaya sya? Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan. Napatayo ako nang pumasok...
"Hi babe!" bati sa akin ng fiancee ko. Wew para akong nakahinga ng malaya. "Why you looked startled babe? Are you feeling well?" sabay lapit sakin ni Margaret at hinawakan ang noo ko at mukhang nag aalala. Kung alam mo lang.
"No babe. I feel fine. I am just tired of all the paperworks." paliwanag ko sa kanya.
"Ow okay! May we take our lunch now?" tanong nya sa akin.
"Yes babe! Let me just clean my desk." inayos ko ang ilang papeles sa desk ko at inabot na ang bewang ni Margaret bago lumabas ng pinto.
Napabuntong hininga ako nung makita ko ang lamesa ni Helena. kung di man sya bumalik ok lang naman. mas magiging kumportable ako magtrabaho.
Pumasok na kami ni Margaret sa restaurant na malapit lang sa opisina. Nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha. Nakatutok sa laptop habang kumakain.
Di nya ata kami napansin. Umupo na kami ni Margaret sa di kalayuan sa pwesto ni Helena. Napansin kong napatingin sya sa amin. Nagtaas sya ng kamay at sumaludo na parang walang kaming naging conflict kanina sa office. May pagkabipolar ata ang babaeng iyon. Napansin ni Margaret na may binati ako sa bandang likod nya.
"Who's that babe?" pagtatakang tanong nya.
"Babe she's the publicist that Dad wants to document my one month as the CEO." nakangiti kong sabi sa kanya.
Sabay tayo ni Margaret at hinatak ako patayo. Nagulat ako kasi ang gusto nyang puntahan ay ang pwesto ni Helena. Medyo nag alangan ako kasi nga pakiramdam ko may tension pa din sa pagitan namin.
"Hi!" bati ni Margaret sa nakayuko pang si Helena.
Nagtaas ng tingin si Helena at "Hi!" pagbati nya sabay ngiti kay Margaret at sabay tingin sa akin. "Is it okay with you that we join you for lunch?" tanong na malumanay ni Margaret.
Tumayo si Helena bilang pagpapaunlak. "Opo naman. Why not."
Umupo na kaming 3. Nilikom ni Helena ang laptop nya bilang paggalang sa makakasalo sa pagkain.
Lumapit na ang waiter at umorder na din kami ng pananghalian.
"Babe di mo ba ako papakilala sa publicist mo?" tanong ni Magaret sa akin.
"Sorry babe. This is Ms. Helena Salvador. She just started this morning. We will be having her in the office for one month."
Medyo napalingon sakin si Margaret at nakangiti pa din na nakatingin sa amin si Helena.
"Mam if it's okay I will be interviewing you too. I will need some details from the fiancee of this newly elect CEO." nakangiting sabi ni Helena na ikinagulat ni Margaret.
"You have done your research Ms. Helena." manghang sagot ni Margaret.
"I need to know everything about Mr. Rad Milano. If not I may not be back in the game."
"Game of what?"
"My passion as an Investigatory journalist."
"Oh I see!"
"My husband-to-be is such a flirt. Did he make a move?" natatawang sabi ni Margaret kay Helena.
Tinignan muna ako ni Helena bago sumagot.
"Di ko siya type!" simpleng sagot ni Helena na wala man lang paliwanag. Medyo naoffend ako. Mukha din nagulat si Margaret kasi ngayon lang may diretsong sumagot sa kanya ng ganun.
Dumating na ang order namin.
"Mauna na po ako. Tapos na din naman po ako maglunch. May mga tatapusin pa po ako. Rad punta na ako sa opisina mo." sabay paalam na may pasaludo ng dalawang daliri sa may kilay nya. Tumayo na at naglakad na palayo sa amin.
"I like her!" sabing maikli ni Margaret.
Kumain kami ni Margaret at masaya kaming nagkekwentuhan ng may lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko. Napaharap ako sa likod at ng makita ko ang tumapik sa akin ay agad akong napatayo. "Red! Sino kasama mo?" sabay linga sa paligid. "Cuz wala akong kasama. Hi pretty Margaret." sabat nya sabay tingin sa kasama ko sabay inilahad nya ang kamay para kamayan si Margaret.
"Mambobola ka talaga Red. Himala wala kang chicks ngayon." pabirong sabi ni Margaret.
"Balita ko kasi may magandang chicks sa opisina ng mapapangasawa mo, malay mo I'd get lucky!" tinaas taas nya ang dalawa nyang kilay. Pinaupo ko na sya para makasalo na sya sa lunch namin.
"Naku Red mukhang malabo ka makadiskarte." natatawang sabi ni Margaret.
"Woah! Nakikilala mo ba ang hinahamon mo Marge? Wala pang di nahumaling sa charm ko" pagmamayabang nito.
"Red totoo muntik na ako mabalian kanina nung natawag ko syang babe." hiya kong nasabi.
"BABE!" singhal ni Margaret.
Tatawa tawa si Red sa kwento ko. Alam naman ni Margaret na may pagkaflirt at playful ako around girls.
"Babe I didn't mean to use our endearment. Basta nalang lumabas. Dapat nga maawa ka pa sa akin kasi muntik nya na akong balyahin." nagmamakaawa ang boses ko na sinabi iyon.
Tawa ng tawa si Red. "Spill it!" ani nya.
"Babe?" hinihingi ko ang permiso ng nobya. Ngumiti at tumango lang sya sa akin.
"She was staring at me kaya naisipan ko magbiro sa kanya then she stood up and make her way at my back. Hinagod nya ang balikat ko at bumulong sa akin nung paharap na ako sabay pisil nya sa balikat ko grabe di ko akalain na ganun sya kalakas." sabay napaisip ako gung gano kasakit ang ginawa nya.
"Yun biglang nag walk out at sinabing wag ko syang tatawaging babe."
Biglang natigilan si Red.
***
Naalala nya ang kaisa isang babae na gumawa din sa kanya ng ganun. Bigla syang kinabahan sa kwento ng pinsan nya.
***
"Cuz pwede ba akong sumama sa opisina mo?" tanong nya sa akin. Nagulat ako kasi lagi naman siyang nagpupunta sa opisina kahit walang paalam.
"Oo naman!" maikli kong sagot na may pagtatanong sa mga tingin ko sa kanya.