3

623 Words
HELENA Daming tanong. Ako dapat ang maraming tanong eh. Kaso nakakatamad syang kausapin. Puro pacharming. As if may dating. Tumigil muna ako sa pagtatrabaho sa laptop ko. Tinitigan ko muna si Rad. Gwapo nga naman. Matangos ang ilong, malinis ang pagkakaayos ng buhok, mapula ang mga labi na medyo manipis, kulay hazelbrown ang mata at maganda ang katawan na bumabagay sa taas nya sa tantsa ko 5'9". Napansin nya ang pagtitig ko sa kanya. Di ako nagpanic hinayaan ko syang pansinin ang pagtitig ko sa kanya. "ehem!" tikhim nya. Kala nya matitinag ako. Lalo ko lang syang tinitigan. Di pa sya tumingin sa akin. Maya maya ay inangat nya na ang mga mata nya at sinalubong ang mga mata ko mukhang may konting kasiyahan sa mga mata nya. "Baka talagang matunaw ako sa titig mo." nakangiti nyang sabi nung nakatingin na sa akin. "Di ka naman Ice cream o yelo para matunaw." malamig kong sagot sa kanya. "Nga pala pwede ko ba hingin sa secretary mo ang schedule mo?" "Oo naman. Hingin mo lang kay Joseph." sagot nya na nakangiti pa din na parang kinikilig na dalagita. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko ng mapansin sya na di inalis ang titig sa akin. "Rad!" tawag ko sa kanya. "Yes Helena?" masaya nyang sagot. "Tapos na ba trabaho mo? Kung tapos na pwede ko na ba simulan ang pagtatanong ko sa iyo?" "I'm all yours babe." tugon nya. "Babe... hmmm..." tinignan ko sya at tumayo ako papunta sa likudan nya. Sabay hinawakan ko ang balikat nya na parang nang aakit at nilapit ko ang ulo ko sa tenga nya. Medyo dinikit ko ang labi ko sa tenga nya. "yan ba ang gusto mong tawag sa akin babe?" may lambing sa bawat salitang pinakawalan ko. Kita ko na medyo kinilabutan sya. Nung akmang haharap na sya sakin diniinan ko ang hawak ko sa may balikat nya. "Wag mo akong matawag tawag na babe!" madiin ang pagkakasabi ko habang may diin pa din ang mga kamay ko sa balikat nya. Medyo namilipit sya sa sakit. Sabay bitaw at layo ko sa kinauupuan nya. "What the hell Helena!" pasigaw nyang sabi sa akin na masama ang tingin. "Let me make this clear. You may not flirt with me. Kung ayaw mong magkalasog lasog yang katawan mo. Do'nt tell me malaki ka sakin. Kaya kitang sabayan" medyo galit na ang boses ko at nakakuyom na ang mga kamay ko. **** RAD "Easy ka lang Helena." yan lang ang sumunod na salita na namutawi sa bibig ko. Medyo nabigla ako sa inasal ni Helena. Kita ko sa mata nya na nag aapoy ito sa gigil. "Di mo pwede gawin sa akin ang ginagawa mo sa ibang babae! Do I make myself clear?!" galit nyang singhal sa akin. "Okay okay! relax ka lang. Di na mauulit." para akong batang paslit na medyo natakot sa galit ng kaaway ko. "You should relax first." sabay umupo na ako sa swivel chair ko. Kita ko pa din ang galit sa mata nya kahit medyo relaxed na ang katawan nya. Di ko alam bakit ganun nalang ang reaksyon nya sa nangyari. Inisip ko ang nabasa kong profile nya. Naalala ko na maikli talaga ang temper nya. "Would you like to take a break?" mahinahong alok ko sa kanya na baka kahit papano makapagrelax sya. Walang imik syang tumayo. Nilikom nya ang laptop nya sabay nilagay nya sa backpack nya. Tinignang muli ako sabay tumalikod sa akin. Pagkalabas nya ng pinto medyo nakahinga ako ng maluwag. Parang kita ko sa mga mata nya na parang gusto nya manakit talaga. Kinuha ko ang profile nya na binigay sa akin ng investigator ko. Wala akong nabasa na traumatic experience nya. Nakalagay lang dun na hiwalay ang parents nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD