Stacy POV
"Buntis ka Stacy?!"
"Daddy."gulat kong anas habang nakatingin sa kanya na galit na galit sa akin.
"Sinong ama ng dinadala mo?!"pagalit niyang sigaw sa akin.
Nawala ang takot ko dahil sa pag-sigaw niya sa akin. Lagi naman siyang ganito sa tuwing may nagagawa akong mali eh. Ang sigawan ako na para bang hindi niya ako anak. Gusto ko din naman maramdaman na may ama ako dahil wala na akong ina na kumakalinga sa akin pero wala eh.
"It's none of your business."ayoko man maging bastos sa ama ko pero ayun yung sinabi ko sa kanya.
Nagagalit ako sa kanya dahil puro na lang mali ko ang nakikita niya. Yes mayaman nga kami pero hindi ako masaya. Kaya nga pinagsisiksikan ko ang sarili ko kay Laurence dahil gusto ko makaramdam ng pagmamahal sa kanya. Pero wala eh hindi niya masuklian yung pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya.
"I'm your father and I have the rights to know who's the father of your child!"imbis na sagutin siya ay nilagpasan ko siya.
"Wag mo akonh binabastos pag-kinakausap kita!"hinila niya ang braso ko paharap sa kanya.
"Dad wag kang mag kunware na may pake ka sa akin! Alam nating pareho na ayaw mo sa akin!"natahimik siya sa sinabi ko. Tumawa ako ng mapakla... I knew it.
"Oh bakit natahimik ka dad? Totoo yung sinabi ko diba? Dad wag niyo akong sisihin dahil nabuntis ako! Kasi yung pagmamahal na dapat sayo ko naramdaman hinanap ko sa iba! Alam niyo po ba kung gaano kasakit na ipagpilitan ko ang sarili ko sa isang tao na ayaw naman sa akin?! Sobrang sakit Dad... sobrang sakit—"hindi ko napigilan na pumiyok.
"Stacy anak...hindi ko alam na ganyan na pala nararamadaman mo. Ginagawa ko lang naman to para sayo. Lahat ng pinaghihirapan ko ngayon lahat yun para sa kinabukasan mo."naging malumanay ang pagkakasabi niya nun.
"Dad hindi ko kailangan ng mga materyal na bagay. Ang kailangan ko ikaw... yung pagmamahal mo kasi dad wala na akong kinalakihan na ina na magmamahal sa akin. Ikaw na lang yun natitira sa akin pero binabalewala niyo ako. Napapansin niyo na lang ako pag may nagawa akong mali. Dad pati ba naman sayo magmakakaawa ako ng pagmamahal?"tuloy-tuloy na umagos ang luha sa mga mata ko.
Siguro nga iisipin ng ibang tao na isa akong malanding babae dahil nagpabuntis ako sa isang lalaking may nobya na pero ito ako eh. Nanlilimos na lang ako ng pagmamahal sa iba.
"Ni minsan hindi niyo ako tinanong kung kamusta na ba ako... kung may problema ba ako. Ni minsan dad hindi niyo ako binigyan ng pansin. I been needing you since I don't have a mother to loved me. It's just to much to asked if I want to talk to you? If I told you that I want to hug you even if in just a couple of second?"I can see a guilt in he's eyes. He's saying sorry while looking at me. But I keep myself strong to talk what I'm feeling right now. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"I know it's to much to ask but I'm your daughter dad... Anak mo ako at responsibilidad mo na gawin ang mga bagay na ginagawa ng isang ama."
"Stacy anak."nagbuntong hininga ito at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry for shouting at you darling. I'm sorry for very thing I've done to you. Lumayo ako sayo dahil nakikita ko ang mommy mo sayo. Kaya napagdesisyunan ko na ibaling sa iba ang atensyon ko. Kasi habang nakikita kita diko maiwasan na sisihin ka sa pagkamatay ng mommy mo alam kong mali pero hindi ko maiwasan. Habang tumitingin ako sa mga mata mo naaalala ko kung paano tumingin ang mama mo sa akin."humiwalay siya sa akin at hinaplos ang mukha ko.
"Nakuha mo ang mga mata mo sa mama mo. I promise I will take care of you from now on. Sana hindi pa huli ang lahat para makabawi ako sayo anak."ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"I love you dad."iyak kong sabi tumungon siya sa yakap ko.
"I love you to darling... now sino ang ama ng apo ko? Hindi pwedeng lumaki ang apo ko na walang kinikilalang ama."humiwalay ako ulit sa kanya.
"He doesn't love me dad, yung nangyari sa amin para sa kanya isa yung malaking aksidente may girlfriend siya ngayon at mahal na mahal niya. You know namamalimos lang ako ng pagmamahal sa iba."dumantay ulit ang guilty sa mukha niya.
"Hindi na ngayon andito na si daddy ok?"ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Pero dad hindi ko pa po sigurado kung buntis nga ako."ani ko sa kanya.
"Sige magpapacheck-up tayo anak. Andito na si Daddy hindi na kita papabayaan."habang akap-akap ako ni Dad. Parang lahat ng problema ko nawala. Lahat ng galit ko at pangungulila sa kanya lahat yun nawala dahil sa wakas.
Nakaramdam ako ng pagmamahal na hindi ko nilimos sa iba. Pagmamahal ng isang ama sa anak nito.
NATAPOS NA ANG check up ko at napag-alaman namin na two weeks pregnant nga ako. Medyo napaaga daw ang morning sickness ko dahil bata pa ako. Sinabi din ng Doctor na magiging maselan ang pagdadalang tao ko dahil hindi pa daw kaya ng katawan ko ang magdala ng bata sa sinapupunan ko.
Pero kung maalagaan naman daw at mamomonitor ang pagbubuntis ko at wala naman dapat na ikapangamba.
"Gusto kong malaman kung sino ang ama ng batang dinadala mo anak. Sabihin mo sa kanya na nagdadalang tao ka."nakatingin lang ako sa labas ng bintana sa loob ng kotse ni dad habang binabagtas namin ang daan pauwi.
Hindi ko alam kung kakayanin ko bang sabihin kay Laurence na magkaka-anak na kami. Madaming pumapasok sa utak ko na paano kung hindi niya matanggap ang anak ko? Paano kung ipagtabuyan niya ako—kami ng anak ko at sabihin nito na ipalaglag ko ang bata? Paano kung mas piliin niya pa rin si Nicole kaysa sa amin ng anak ko?
Kahit alin doon ay hindi ko kayang sagutin at hindi ko kayang marinig kung ano man ang sasabihin niya. Hindi ko kayang masaktan ulit dahil maselan ang pagbubuntis ko. Sinabihan na ako ng doctor ko na wag na wag akong magpapakastress at umiwas muna ako da mga bagay na nakakapag pressure sa akin.
"Anak, Wala ka ba talagang balak sabihin sa akin kung sino ang ama niyan?"naramdaman ko ang paghawak ni dad sa kamay ko na nasa hita ko.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti."Saka na po Dad hindi pa po ako handa... Sa ngayon po iisipin ko muna ang anak ko. Ayoko din po na sabihin sa kanya na nagdadalang tao ako sa anak namin. Siguro saka ko na sasabihin, Dad ayokong ipagtabuyan niya ako lalo na ang anak ko. Ok lang nung una na ako yung masaktan at ipagpilitan ko ang sarili ko sa kanya pero Dad ibang usapan na kapag anak ko na ang pinag-uusapan. Ayokong maranasan niya na manlimos ng pagmamahal sa ibang tao lalo na sa ama niya."
"Shh darling hindi na kita pipilitin sa bagay na yun basta wag ka nag umiyak. Makakasama sa bata kapag umiyak ka."Sumulyap siya sa akin saka pinahid ang luhang rumaragasa sa mukha ko. Good thing dahil traffic ngayon at malaya akong pinapatahan ni Dad.
"Thank you Dad, Alam ko na sobra-sobra ka nang nag-aalala sa kalagayan ko at ng baby ko."ngumiti naman sa akin si Dad at hinaplos nito ang mukha ko.
"Anak kita may karapatan akong mag-alala sayo sa mga nangyayari sa buhay mo. Nangako ako sayo na babawi ako diba?"tumango naman ako sa kanya.
"Good sa ngayon uuwi muna tayo para makapag-pahinga ka at ang apo ko."nagthank you ulit ako kay dad.
Sa tanan ng buhay ko ngayon ko lang nakausap at nakasama ng matagal ang ama ko. At sa tanan ng buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang pag-aalaga at pagmamahal niya.
Nang makarating kami sa bahay ay Niyakap ko agad si Nana."Oh ano kamusta? Anong resulta ng check-up mo?"natawa ako dahil mas kinakabahan pa ata si nana kaysa sa akin.
"Nana positive po—buntis po ako nana."Napangiti na din si Nana dahil sa sinabi kong balita.
"Nako sabi ko na nga ba at buntis ka. Saktong-sakto nag luto ako ng iba't ibang putahe na alam ko makakabuti sa pagbubuntis mo."
"Leo halika na at maghahapunan na. Magandang balita to buti na lang talaga at naghanda ako."
"Nana mas masaya kapa ata kaysa sa akin eh."turan ni Dad na para bang nagtatampo.
"Ay nako ikaw talagang bata ka. Sinong hindi sasaya? Eh magkakaroon na ulit ng bulilit dito sa bahay na ito. Medyo nalulungkot ako dahil malaki na itong si Stacy at hindi ko na din naalagaan. Pag napanganak na ang baby mo sigurado ako na iingay ang buong bahay."napangiti ako sa sinabi ni nana. Kahit papaano ay naging magaan ang loob ko dahil kasama ko ang dalawang tao na malaki ang parte sa puso ko.
Masaya kaming naghapunan kasama ang mga kasambahay sa bahay namin.
"May naisip kana bang pangalan para sa magiging anak mo? Aba dapat ngayon pa lang pinag-iisipan mo na yan."ani ni Manang Joice.
"Wala pa po eh,"lumingon ako kay dad na mataman ding nakatingin sa akin."Kayo po dad? May naisip na po ba kayo?"nagulat naman si dad dahil sa sinabi ko.
"Gusto mong ako ang mag-isip sa ipapangalan sa apo ko?"tinuro niya pa ang sarili niya.
"Bakit may iba pa po ba akong Dad dito?"natatawa kong ani sa kanya.
"Wala ako lang simpre. Pero sige pag-iisipan ko ang ipapangalan sa apo ko. Dapat kasing gwapo ng pangalan ko sigurado ako na lalaki ang magiging anak mo."ngiting ani ni Dad.
"Dad isang buwan pa lang po akong buntis hindi pa nga natin alam kung anong kasarian ng anak ko eh."
"Basta lalaki ang magiging anak mo."hindi na lang ako umangal sa sinabi ni Dad. Naging masaya ang buong gabi ko. Dati hindi ko naisip na magkakasama kami ni Dad sa hapunan ng ganito kasaya.
Para akong mabunutan ng tinik dahil alam ko na wala ng harang sa pagitan naming mag-ama at masaya ako, Sobrang saya ko kung nasaan man si Mom ngayon alam ko na masaya siya para sa amin ni Dad.
DALAWANG LINGGO na ang nakakaraan ng malaman namin na buntis ako at talagang madaming pagbabago sa akin. Naging matakaw ako sa pagkain. Naging maselan din ang pang-amoy at panglasa ko.
Sinabi naman ni Nana na normal lang daw iyon dahil sa pagbubuntis ko. Naging moody na din ako na hindi ko naman ugali dati. Maski ako ay naninibago sa pagbabago sa sarili ko pero hinahayaan ko na lang.
Sa loob ng dalawang linggo na yun ay iniwasan ko talaga si Laurence dahil alam ko na kapag pinag-siksikan ko ang sarili ko ako lang ang masasaktan. At hindi ko hahayaan na masaktan ako dahil may bata na akong dinadala ngayon.
Naalala ko pa ang sinabi ni Dad sa akin na baka namana ko ang pagbubuntis sa side ng mama ko dahil karamihan sa mga babae sa side ng mama ko ay maselan kung magbuntis. Ayun din ang dahilan kung bakit namatay ang mommy ko hindi niya kinaya ang panganganak kaya nawala siya sa mundo na hindi ko man lang siya nasisilayan ng lumaki ako.
"Stacy! Kanina kapa nang-aagaw ng pagkain ah. Tignan mo nga yung sarili mo lumulobo ka na! Tumigil tigil ka sa pagkain mo makasama sa inyo yan!"inagaw ni Nathalie ang pagkaing inagaw ko din sa kanya kanina.
"Konting fries lang naman eh ang damot mo naman."pinagsalikop ko ang palad ko at nagpacute ako sa kanya.
"Sigee na uubusin ko lang yan... promise last ko na yan na kain."ngumiti pa ako sa kanya.
"Alam mo minsan iniisip ko na ok din naman pala na buntis ka dahil hindi mo ako nasusungitan pero ang weird mo talaga. Oh ayan last na yan ah! Alalahanin mo maselan ka sa pagbubuntis mo"masaya kong kinuha ang fries saka sumubo.
"Alam ko naman yun at hindi ko yun kinakalimutan. Ayoko din naman na mapahamak yung anak ko eh."
Natigilan si Nathalie habang gulat na gulat na nakatingin sa likod ko. Lumingon naman ako sa likod ko at nanigas ako sa kinauupuan ko.
"Laurence."bulong ko.