Stacy POV
Nakahilata lang ako sa kama ko. Hindi ko tinawagan si Nathalie dahil alam kong pagod siya dahil sa nangyari sa party ni Nicole dahil talagang hinarangan niya ang magtangka na lumapit sa amin at awatin kami kagabi.
Hindi mawala sa isip ko si Laurence at ang ginawa ko sa kanya pero ok na din yun. Deserve niya yung ginawa ko sa kanya sana nga mabaog na siya dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin.
Ang galing niyang mambola at talagang hulog na hulog ako sa mga bitag niya. Kaya hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko sa kanya kagabi.
"Stacy hija hinahanap ka ni Laurence sa baba... Ayaw naman niyang pumasok kaya sinabi ko na lang na tatawagin kita para puntahan siya."katok ni Nana Selya sa kwarto ko.
"Ahh sige po Nana baba na po ako."inaasahan ko na ang pag-punta niya dito dahil sa nangyari kagabi. Well kagabi ko pa siya inaasahan pero walang pumunta siguro sinuyo niyabyung higad niyang girlfriend.
Nang matapos akong ayusin ang sarili ko ay taas noo akong bumaba sa mansion namin at tinungo ko ang gate namin. Namataan ko si Laurence na nakasandal sa koste nito at taimtim itong nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?"mas tinaasan ko pa ang kilay ko at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Simpleng maong shorts lang at white T-shirt ang suot niya at isang pares ng tsinelas. Pero bakit kahit ganito ang suot niya napakagwapo niya pa rin?
"Hindi kapa ba nadadala sa ginawa ko sayo?"mataray kong pagkakasabi sa kanya.
"Bawiin mo yung sinabi mo kay Nicole!"mariin niyang sinabi sa akin.
"Pftt nagpapatawa ka ba? bakit ko naman yun gagawin? Sino kaba?"tanong ko sa kanya. Ang lakas ng loob niya para pumunta dito at sabihin sa akin na bawiin ko yung mga sinabi ko sa girlfriend niya."At bakit ko naman yun gagawin? Alam mo mas mabuting umalis kana lang wala kang mapapala dito."pagtataboy ko sa kanya.
"Sinira mo yung relasyon namin Stacy!"nanginginig siya dahil sa galit niya sa akin.
Mapakla akong napatawa."Wow... just wow Laurence, bakit? hindi pa ba nasira yung relasyon niyo nung nagsex tayo? Para sabihin ko nung gabing may nangyari sa atin sira na yun. Sirang-sira na yun Laurence at kung may dapat mang sisihin sa ating dalawa yun ikaw yun!"dinuro ko ang dibdib niya. "Sino ba sa atin ang pumunta sa bar at hinila ako papaalis? Diba ikaw?"nagtagis ang mga baga niya habang nakatingin sa akin.
"Isa pa sino ba sa ating dalawa ang nag sabi na pinapagulo ko ang utak niya? Diba ikaw? Alam mo patawa ka Laurence ikaw ang naglakad papunta sa VIP room hindi ako. Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ang dapat sisihin?"hamon ko sa kanya.
Hindi siya nakapag-salita sa mga sinabi ko sa kanya. "Oh nabahag ata ang buntot mo? Ang lakas-lakas mong pumunta dito tapos tatahimik ka lang dya—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinila niya ako sa batok at mariin akong hinalikan.
Nagpupumiglas ako sa pagkakahalik niya sa akin pero hindi niya ako pinakawalan. Nakakulong na din ang bewan ko sa mga braso niya. Pinigilan ko ang sarili ko na pumikit at damhin ang malambot niyang labi dahil alam ko na kapag ginawa ko yun ay lalambot na naman ang puso ko at ayoko yung mangyari.
"Hmpp!"sinuntok-suntok ko ang dibdib niya at nag pumiglas ako pero wala pa rin epekto. Mas naging mariin ang paghalik niya sa akin at kinagat nito ang pag-ibabang labi ko napaawang ang labi ko dahil sa namalabis ang sakit doon. Kinuha naman niya yung opportunity para maipasok ang dila niya sa bibig ko. Nalasahan ko ang dugo ko na nanggagaling sa mga labi ko dahil siguro sa matinding pagkagat ni Laurence doon.
Napaiyak na lang ako ng wala sa oras. Ganito na lang ba niya ako ituring? Babae ako at oo kahit na gusto ko pa siya hindi ko hahayaan na baboyin pa niya ang katawan ko. Alam ko kung anong halaga ko at natauhan na ako dahil kahit kailan. Hindi ko mararanasan yun pagmamahal na gusto ko sa kanya. Sobrang baba na nga ang tingin ko sa sarili mas dumagdag pa sa mga pinapakita at ginaginagawa niya sa akin.
Mukhang natauhan si Laurence sa paghikbi ko kaya bigla itong napahiwalay sa akin.
"I'm so sorry I didn't mean to do it."kita ko sa mga mata niya na nagsisisi siya sa ginawa niya sa akin pero mapait akong ngumiti sa kanya.
"Ganyan ka naman diba? Hihingi ka ng sorry dahil may nagawa kang mali. Pero hindi mo alam lagi mo na tong ginagawa sa akin! Nagpakadesperada ako para sayo! Binigay ko lahat-lahat sayo! Pagmamahal ko, pag-aalala maski nga kaluluwa ko binigay ko na sayo eh. Pati na rin yung pagkabirhen ko binigay ko na sayo pero ano?! Wala pa rin Laurence!"umiiyak kong sabi nilapitan niya ako at pinunasan niya ang mga luha ko sa pisnge.
"I'm sorry Stacy... I'm sorry baby. Nadala lang ako nang galit ko pasensya kana."hinalikan niya ang noo ko.
"Itulak mo siya Stacy!"sigaw ng isip ko.
Hindi ko siya magawang itulak lalo na nangyakapit niya ako at paulit-ulit itong humihingi ng tawad sa ginawa niya. Iniiyak ko lang lahat-lahat sa dibdib niya.
"Kahit na ginagawa niya to sayo babalik at babalik pa rin siya sa girlfriend niya!"
Doon ako natauhan tama nga ang isip ko kahit na ano pang ipakita niya sa akin walang saysay yun dahil babalik at babalik pa din siya kay Nicole kaya tinulak ko siya para kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.
"Umalis kana Laurence!"utos ko sa kanya. Pero nananatili lang ito sa kinatatayuan niya at aabutin niya sana ang kamay ko pero mabilis kong inangat ang kamay ko. "Wag mo akong hahawakan!"
"Mag-usap tayo Stacy."nagmamakaawa ang mga mata nito pero pinag sa walang bahala ko lang yun.
"Para ano? Para pilitin ako na bawiin yung sinabi ko sa girlfriend mo?"napaiwas siya ng tingin sa akin tama nga ako yun nga ang gusto niyang pag-usapan namin.
"I knew it... ano pa nga ba ang maasahan ko sayo? Eh patay na patay ka sa Nicole na yun."
"Mahal ko siya Stacy at gagawin ko ang lahat para maibalik ang tiwala niya sa akin kaya please bawiin mo yung sinabi mo. Sabihin mo naging desperada ka lang kaya may nangyari sa ati—"hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil sinampal ko siya.
"How dare you! Kung gusto mong maibalik yung tiwala sayo ng mahal mo girlfriend gawin mo nag-isa mo! At wag na wag ka nang babalik dito dahil sa oras na bumalik ka ulit dito sisiguraduhin ko tuluyan ko nang sisirain yang relasyon niyong dalawa ni Nicole... and believe me hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."tinalikuran ko na siya at nagtungo sa kwarto ko.
"Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo sa akin!"
Ilang buwna na din simula ng huli naming pagkikita ni Laurence at talagang hindi siya nagpakita sa akin mas ok na din yun dahil mas makakamove on ako na maayos. Lumipat na din ako sa subject kung saan makaklase kami ni Laurence pasalamat na lang ako at may share si Dad sa University na pinapasukan ko kung hindi. Hindi nila ako papayagan na makalipat ng ibang sub dahil halos nakalahati na namin ang lesson doon pero madali lang naman akong maka-adjust kaya ok lang.
Lately nagiging moody ako at hindi ko din maintindihan ang sarili ko dahil hindi naman ako mabilis magalit sa isang bagay. Araw ng sabado ngayon kaya nandito lang ako sa kwarto ko at sobrang tinatamad ako. Maski ang bumango sa kama ay hindi ko na magawa.
"Stacy ija halika na nakahanda na ang meryenda mo lumabas kana dyan sa kwarto mo alas tres na nang hapon pero dika pa lumalabas sa kwarto mo."katok ni Nana sa pintuan ko. Dahil nakakaramdam din naman na ako ng gutom ay napagpasyahan ko nang bumangon.
"Opo nana palabas na po ako."ani ko bago ko buksan ang pintuan ng kwarto ko. Ngumiti naman si Nana sa akin at pareho na kaming bumaba sa kusina.
Nang nasa bungad na kami ng kusina ay may naamoy akong mabaho dahilan para bumaliktad ang sikmura ko. Dali-dali akong tumakbo sa lababo para magsuka pero tubig lang ang lumabas.
"Ano bang nangyayari saying bata ka? Nung nakaraang araw ayaw mo sa paborito mong pagkain naniluluto ko. Ambilis mo pang magalit at ngayon nagduduwal ka. Umamin ka nga sa akin Stacy... Buntis kaba?"nanlalaki ang mata ko na napalingon kay nana.
"Buntis?"bulong kong sabi sa sarili ko. Halos isang buwan na din akong hindi dinadatnan.
"Ano ija? Buntis kaba?"sasagot na sana ako nang may magsalita na ikinapako ko sa kinatatayuan ko.
"Buntis ka Stacy?!"napalingon ako may dad na nanlilisik ang mata sa galit.
"Daddy."