Stacy POV
Halos isang buwan na din ang nakakaraan nang may mangyari sa amin ni Laurence.
"What? Nababaliw kana talaga Stacy! Bakit ka nakipag s*x sa lalaking yun! Ano ngayon ha iiyak-iyak ka sa harap ko?!"patuloy lang ako sa pag-iyak alam ko naman na mali ako eh na ang tanga-tanga ko.
Ngayon ko lang na kwento kay Stacy ang nangyari sa amin dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya na may nangyari sa aming dalawa.
"Mahal ko eh, akala ko pag binigay ko yung sarili ko sa kanya magiging ok na ang lahat na mamahalin na niya ako pero nagkamali ako Nathalie"umiiyak kong sabi. Pero simpre tanga ako at lahat ng akala ko napupunta sa wala.
"Please Stacy... stop hurting yourself more. I don't want to see you hurting like this! Your my bestfriend and I want you to be happy."pinunasan niya ang luha ko at hinaplos ang mga pisnge ko.
"I know and I hate myself for being like this Nathalie."niyakap niya ako ng mahigpit at ganon din ako.
"Diba may offer ang dad mo na mag aral ka sa Spain? You can take it Stacy para naman malayo ka dito sa mga nagpapaalala sa kanya."kumalas ako sa pagkakayakap. Pag pumunta ako sa Spain sigurado ako na taon bago ulit ako makabalik dito sa pilipinas.
"Paano ka? I mean maiiwan ka Nathalie."She's my bestfriend at kung sakaling pupunta ako sa Spain maiiwan siya at ngayon lang kami magkakahiwalay ng ganon katagal.
"I'm fine Stacy... I can visit you twice a year. Alam mo naman na hindi ko kayang nakikita sa personal ang bestfriend ko. Basta wag mo akong ipagpapalit doon ah masasabunutan talaga kita" natawa ako dahil sa sinabi niya kahit paano ay gumaan ang loob ko. I'm lucky to have her in my life.
"Akala mo naman may makakatiis ng pag-uugali ko eh. Ikaw lang nakakatiis sa akin"
"Yeah... yeah whatever, Stacy." sumeryoso ang mukha nito."Ok lang ako Stacy sa ngayon isipin mo muna ang sarili mo."tumango ako sinabi niya.
"Pero gusto munang mag stay dito Nathalie kahit isang buwan lang."wala naman sigurong masama kung magstay pa ako dito ng isang buwan lang diba?
At sa loob ng isang buwan na yun sisiguraduhin ko na masisira ko ang relasyon nilang dalawa. Hindi ako papayag na buhay ko lang ang masira nang dahil sa lalaking yun.
"Mamaya kapag nag stay ka dito magbago na naman yang isip mo. Kilala kita Stacy habang nakikita mo si Laurence magbabago at magbabago ang desisyon mo."tama yung sinabi niya pero buo na ang desisyon ko na dito muna ako mananaliti sa loob ng isang buwan bago ako umalis sa bansang kinalakihan ko.
"Nathalie isang buwan lang gusto ko munang makasiguro na masisira ko ang relasyon nila bago ako umalis dito."ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Kita ko sa mga mata niya na naaawa na ito sa kalagayan ko. Alam ko na bakas pa ang luha sa mukha ko at ang pamamaga ng mata ko pero wala akong pakialam.
"Siguraduhin mo lang na masisira mo ok? Para naman makabawi ka sa lahat ng sakit na pinadanas ng lalaking yun."napangisi ako at tumingin ako sa kanya.
"Samahan mo ako may pupuntahan tayo."inayos ko ang sarili ko.
"Ha? Saan tayo pupunta?"tanong niya akin. Ngumisi ako sa kanya at tinaasan ko ang kilay ko.
"Saan pa edi para umpisahan nang sirain ang relasyon nila."napapalakpak naman siya.
"Ayan ganyan nga ang kaibigan ko. Mag-ayos ka ng bonggang bongga."tinulungan niya akong mag-ayos ng sarili ko. Simpleng make-up lang ang nilagay ko sa mukha ko pero kinapalan ko ang red lipstick na nilagay ko sa labi ko.
"Dala mo ba yung invitation na binigay ni Nicole?"tanong ko sa kanya.
"Yup dala-dala ko, well what's your plan? Are you going to destroy her birthday party?"tinignan ko siya, tumaas ang sulok ng labi ko.
"Your my bestfriend after all... alam mo na kung anong gagawin ko. Anyway I'm a baddass b***h as always." Dito na din nagpalit si Nathalie nang damit na isusuot niya.
I'm wearing white bandage dress and I paired red stilettos. Naglagay din ako ng earings sa tenga ko. Kinuha ko ang skull clutch bag ko at nilagay ko doon ang cellphone at ang pang retouch ko.
Lumabas naman na si Nathalie she's wearing red lace up dress and a stilettos.
"Are you ready to mess up with them?"
"I'm born to be ready Nathalie."nagtungo na kami sa koste niya at siya mismo ang nagmaneho patungo sa bahay nila Nicole.
Nagpadala ng invitation si Nicole para sa birthday party nito at halos lahat ng ka batch namin ay binigyan niya. Well binigyan niya din ako at may kasama pang letter na sinasabi doon na dapat akong pumunta. Alam ko naman na may binabalak siya eh at alam ko din naipapamukha niya sa akin na siya talaga ang mahal ni Laurence at hindi ako. Pero wala akong pakialam.
May plano din ako at iyon ang sirain ang araw niya. Tapos na ako sa pagiging mabait pagdating sa ganitong laro. Kung gusto niya ng maduming laro gagawin ko yun.
"Andito na tayo."ani ni Nathalie pagkapark ng kotse niya malapit sa mansion nila Nicole. Sabay kaming lumabas ni Nathalie sa kotse at ang unang nag welcome sa amin ay ang nalakas na tugtog na nanggagaling sa loob.
Nagtungo na kami sa gate at pinakita naman ang invitation sa nagbabantay. "Kayo po ba si Stacy Montenegro?"tumaas ang kilay ko dahil sa tanong niya.
"Ako nga... paano mo nalaman ang pangalan ko?"imbis na sagutin ang tanong ko ay sinabihan niya kami na sumunod sa kanya.
"Looks like we're VIP"nakuha ko kong ano ang sinabi niya. I knew it may pinaplano nga ang babaeng yun. Well kung ano man yun handa ako doon at hindinh-hindi niya ako masisira ngayon gabing to dahil siya mismo ang sisirain ko.
Sumunod kami sa lalaking nagbabantay kanina sa gate. Nagtungo kami sa garden ng bahay nila at may swimming pool habang papalit na papalapit kami sa pool area ay palakas ng palakas ang tugtog. May iilan din na naliligo na sa swimming pool at may iilan pang nag sasayawan habang nadadaanan namin sila.
Namataan ko si Laurence kasama si Nicole at magkahawak pa ang kamay. "Ibang klase kang lalaki ka matapos mong magpakasaya sa akin nung nakaraang linggo ito ka ngayon ang nagpapakasaya na naman sa higad mong girlfriend."
Bumulong yung lalaki kay Nicole at saka lang nila kami napansin na nandito hindi kalayuan sa kanila.
"I'm glad you came."tumayo pa ito sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Nakipagbeso-beso siya sa akin."Hindi ko alam na makapal talaga ang mukha mo na pumunta dito." humiwalay siya sa akin nang nakangiti.
Binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti."You know... I'm here to destroy your night darling."hinaplos ko ang buhok nito at pinakatitigan siya."Hindi ko alam na masarap pala ang boyfriend mo. Kung alam ko lang sana matagal ko na pala siyang inagaw sayo."ngumisi ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?!"kita ko sa mga mata niya ang panlilisik.
"Opss wala pa akong sinasabi pero bakit nag aalburoto kana sa galit? Bakit hindi mo tanungin si Laurence."ngumisi akong napatingin kay Laurence kita ko din sa mga mata niya ang galit bago tumayo at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?!"mas lalong rumiin ang hinawakan niya sa braso ko.
Painosente akong nakatingin sa kanya. "Aww baby boy... nakalimutan mo na ba kung paano mo inungol ang pangalan ko? Kung paano mo sinabi na ang ganda-ganda ko at ang sarap sarap ko sa kama?"nakangising tinanggal ko ang kamay niyang na nakahawak sa braso ko.
"Nicole bantayan mo naman nang maigi itong boyfriend mo. Hindi mo alam napapagulo ko na pala yunh isip niya... oppss hindi ko dapat pala yun sinabi, right Laurence?"sasampalin sana ako ni Nicole pero nasalag ko yun at siya mismo ang sinampal ko ng malakas.
"Opss diko sinasadya nangati kasi yung kamay ko eh. Ayan tuloy mukha mo ang napagbalingan ko."bumaling naman ako kay Laurence na hinawakan sa balikat si Niloce pero tinabig lang iyon ni Nicole.
"Umalis ka na dito Stacy hindi ka dapat andito!"galit na sabi ni Laurence sa akin.
"Sa pagkakaalala ko may invitation akong natanggap kaya nandito ako ngayon. So I'm welcome here Laurence. At ano kaba naman nag eenjoy na ako sa party."may mga ibang mga taong nakatingin sa amin pero wala akong pakialam sa kanilang lahat.
"Your not welcome here!"madiin niyang sabi at hinawakan ulit ako sa braso ay hinila niya ako paalis. Pero hindi ko hinayaan na makaalis ako agad. Nagpumiglas ako at tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa akin bago ko siya sinampal ng malakas sa magkabilang pisnge.
"Iyang sampal na yan para yan sa pagiging gago mo!"sinampal ko ulit siya sa pisnge niya. "At para yan sa pakikipagsex sa akin."sinampal ko siya sa kabilang pisnge nito at sinipa ko ang inaalagaan niya.
"F*ck... you?! How d—dare you sh*t!"namimilipit nitong ani sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay at sinipa ko ng malakas ang balikat niya.
"Nababagay lang sayo yan dahil isa kang malaking gago!"bumaling ako sa gilid at nakita ko si Nathalie na nakangisi sa akin.
"Let's go tapos na ang pag-eenjoy ko."
"Me too. Hindi ko alam na mag eenjoy ako ng ganito."
Sa pagkakataon na to hinding hindi ako magsisisi sa ginawa ko sa kanya.
Isa siyang malaking gago dahil ginago niya ang buong pakatao ko!