Stacy POV "Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko kay Laurence sa kabilang linya. Tinawagan niya kasi ako at may pupuntahan daw kami. "Basta sabi ko naman sayo na mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin." napabuntong hininga na lang ako. "Sige na, ibababa ko na ang tawag. Mag-aayos pa ako." ani ko bago pinatay ang tawag. Inayos ko na lang ang sarili ko, hindi ko na lang inisip kung saan kami pupunta dahil ngayon wala na kaming problema. Nakakulong na si Nicole pati na rin si Frenan at Larenzo. Siguro panahon na din para maging masaya ako ngayon. Parehong hindi naging madali sa amin ang trahedyang dumating sa amin. Nawalan kami ng anak, nawala ang ama ko. Nang makita kung maayos na ang itsura ko sa salamin ay bumaba na ako sa sala. Nakita ko si Kevin na nanonood sa sala. "Aalis lang

