Laurence POV Natigilan ako sa sinabi niya, inaasahan ko na na siya nga si Stacy pero hindi ko aakalain na aamin siya sa akin ng ganito. "Stacy." mahinang usal ko habang nakatingin sa kanya. "I-ikaw ba talaga yan? Hindi mo naman siguro ako binibiro d-diba?" nauutal kung anas sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napakurap ako sa biglaan niyang ginawa pero kalaunan ay tumungon din ako ng yakap sa kanya. "Sa tingin mo hahayaan kitang halikan ako kung hindi talaga ako to?" may konting ngiting kumawala sa mga labi ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. "Hmm, hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko ngayon." napahikbi ako dahil sa pagpipigil ko na iyak. Naramdaman ko ang kamay niyang humagod sa likod ko. "Shh nandito na ako, andito lang ako."

