RIZA
Nung una hindi ko maintindihan kung bakit madaming nagkakagusto at halos magpakamatay kay Kael.
Aaminin ko gwapo talaga sya sa lahat ng anggulo,at ngayon ito kami magkasama dahil dinamayan nya ko,masaya ako dahil di naman pala sya talaga masamang tao.
Naglalakad kami hawak ko pa ang ice cream papasok ng school nang humahangos na lumapit sakin si Nikko.
"kanina pa kita hinahanap!"pagod na sabi nya.
"bakit may problema ba?"tanong ko.
"si Wheng umalis na papuntang Australia!"nalaglag ang hawak kong ice cream sa narinig ko.
"si k--Kurdtvin?"sya ang una kong naisip dahil alam ko na mahal nya si Wheng.
umiwas ng tingin sakin si Nikz,pero nanunuot naman sakin ang titig ni Kael.
"kaya nga kita hinahanap.."kumakamot sa ulong umpisa nya.
"Nagmakaawa si Kurd kay Wheng pero wala talaga.."
Napayuko ako sa sinabi ni Nikz,kitang kita ko nga kung paano nagmakaawa si Kurd kay Wheng,di man lang nagpaalam sakin ang bruha.
"mukhang kailangan talaga ng outing!"napatingin kami ni Nikz kay Kael,tama sya kailangan nga namin yun.
OUTING...
CRISTY
Nagtataka ko dahil may iba pang kasama sa outing na to maliban sa mga kaibigan ni Riz.
Nasa iisang van lang kami at himalang nagkasya kami,tinitignan ko lang silang lahat,ang nagdrive ay yung Kael na gwapo pero suplado sa tabi nya si Riz,tapos ako katabi si Marv na bangenge yuck!nakanganga pa habang tulog.
Si Vj naman halos gumawa na ng mapa sa tabi ni marv,grabeng laway ah!naagaw ang atensyon ko sa ingay sa likuran namin.
"inaantok ka?"tanong ni Adrian kay Medg.
"oo,papatulugin mo ko sa balikat mo?"nakangising tanong ni Medg.
"di nuh!lalagyan ko sana ng palito mata mo"napailing ako kay Adrian.
"bakit ba kanina kapa nakatingin sakin?"reklamo ko naman kay Kurd.
"ganda ng pink sayo.."namula ako sa sinabi ni Kurd.
"talaga bagay sakin?ganda ko noh?"birong totoo ko.
"sabi ko yung pink ang maganda"napasimangot ako sakanya kaya umirap nalang ako.
Tahimik na kami buong byahe at nakaidlip nadin ako.
MEDG
Nandito na kami sa resort medyo inis ako kay Adrian dahil mga chicks nanaman inaatupag nya.
"bat ka nakasimangot?miss mo na magdota?"tinignan ko ang nang aasar na si Nikko.
"dont mind me.."mataray na sagot ko.
Napatingin ako kay Adrian na enjoy na enjoy sa pagsipsip sa leeg ng babaeng kasama nila Kael.
"tol..selos ka?"naumid ang dila ko sa sinabi ni Nikko.
"di nuh!"
sa sobrang taranta ko ay napatid ako at dumiretso sa pool.
"Medgypot anyare?"natatawang sigaw ni Adrian pag ahon ko,di ko sya pinansin at pumunta nalang ako ng c.r para magpalit.
RIZA
Nakakamiss din pala ang pagka alien ni Wheng,napabuntong hininga ako at tinignan ang emong si Kurd.
"dont look at him.."napaangat ako ng ulo sa nagsalita.
"why?"kunot ang noo ko ng tignan sya.
"err ehem wala.."nagtatakang tinignan ko ang papalayong si Kael,anyare dun?suplado mode again?
"he's jealous.."sabi ni Lester sakin bago umalis.
uso ba walk out?argh!
"Riz.."lumingon ako sa likod ko.
"Kurd.."
Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap masarap na sana sa pakiramdam kaso nagsalita sya.
"I miss her I need her oh god I love her!"aray ko po!napapikit ako sa mga narinig ko.
Pilit na ngumiti ako sakanya at tinignan ang mga mata nya..
Ako ba pagnawala mamahalin mo din kaya?