7

706 Words
RIZA Gabi na nang mapagpasyahan ng mga kaibigan ko na mag inuman,though umiinom ako,wala ako sa mood ngayon dahil tuwing titignan ko si Kurd ay nasasaktan ako. Nang magkumpulan sila at nag labas ng alak ay tumayo na ko para makaiwas sa pag inom,knowing them?alam ko pipilitin nila ko sa pamamagitan ng pagkonsensya sakin. "going somewhere?"nakasalubong ko si Kael na papunta na din sa nag iinuman. "matutulog na ko.."sagot ko. "I see.."aniya. Naglakad na ko papasok ng room na para sakin at natulog na. KINABUKASAN.. Nagising ako dahil sa ingay sa labas,rinig ko pa ang mga tawanan nila. Naligo muna ako bago lumabas nang kwarto,nadatnan kong buhat nila si Marv at walang awang binato sa pool,tawa ng tawa si Vj na syang pasimuno sa paghagis kay Marv. Nang lumabas sa kwarto nya si Nikz ay lalong lumakas ang halakhak nila,anong meron? Napatingin ako kay Cristy at Medg na nasa tabi ko na pala,si Medg umiiling pero may ngiti sa labi habang si Cristy naman wa poise sa pagtawa. "anyare?bat kayo tumatawa?"takang tanong ko. "couz si Nikz kase..pfftt!"patuloy sa pagtawa si Cristy. "ano ba kasi yun?"grabe ha mukhang ako lang ang walang alam. "kagabi kasi..hahaha!"nairita ko kay Cristy kaya kay Medg ako tumingin. "ahm..nalasing kasi si Nikz kagabi.."sagot ni Medg sakin. Ah!nalasing lang pala grabe naman sila makareact tawa agad sila eh nalasing lang naman si.. "what?!nalasing sya?"puno nang panghihinayang ang boses ko nang sabihin ko yun,argh!di ko nakita! Kung nagtataka kayo kung bakit ganito nalang ang reaksyon ko,sige ipapaliwanag ko. Nung graduation namin ay nagkayayaan mag inuman at nung malasing si Nikz ay may ginawa syang di ko makakalimutan. Bigla syang tumayo at kinuha yung cellphone nya at sumigaw ng GO MEGATRON TRANSFORM!sabay hagis ng cp nya,ang ending?wasak ang cellphone nya. Di lang yun ang nangyari,nung nag inuman ulit kami sa bahay nila Adrian at nalasing sya nagulat kami ng bigla syang nagtago sa lamesa,at ang sabi nya ANDYAN NA SI MEOWTH sabay turo sa pusa nila Adrian di na sana namin sya papansinin ang kaso mo bigla syang sumigaw ng ANDYAN NA ANG TEAM ROCKET!  At ngayon,ano naman kayang ginawa nya? "what did I miss?"nakangising tanong ko kay Medg. "kagabi nakakita sya ng palaka at hinagis nya samin sabay sigaw ng GO BULBASOR USE VINE WHIP!"  Nanlaki ang mata ko at humagalpak ng tawa,oh my god di ko nakita sayang! Napansin ko na nawala ang ngiti ni Medg samantalang si Cristy tawa nanaman ng tawa,sinundan ko ang tingin ni Medg. Si Adrian hinahalikan yung babaeng friend nila Lester at Kael,PDA lang? Napanganga ako ng hawakan ni Adrian ang butt ng babae,napatakip ako ng mata!oh my innocent eyes!  Tumakbo palayo si Medg,hmm may something ah..hinabol ko sya at nakita ko syang tulala sa tree house. "Medg.."napansin ko ang pagpunas nya ng luha,tss. "ang boring na dito,gusto ko na magdota.."walang ganang sagot nya sakin. "uuwi na tayo mamaya dahil bukas may pasok na,enjoy nalang muna natin to ha?"tumango sya at pilit na ngumiti sakin. Bumaba na ko sa tree house at iniwan dun si Medg nang mapansin ko si Adrian. "Riz!si Medgypot?"napataas ang kilay ko sakanya. "asan yung babaeng pinanggigilan mo kanina ang butt Adrian?"sarkastikong sabi ko,mukha namang nagulat sya sa sinabi ko. "nakita mo yun?may sa agila ka ba?"manghang tanong nya. Kung alam nya lang na si Medg ang may pagka agila ang mata tsk! "PDA kayo malamang makita ko!"iritadong bulyaw ko. "nakita ba yun ni Medgypot?"kumunot ang noo ko nang makita ko syang namutla. "I dont know.."yun lang sinabi ko at iniwan ko na sya dun,bahala syang maghanap kay Medg. Nang maghapon na ay napagpasyahan na naming umuwi,as usual katabi ko nanaman si Kael. "how's your friend?"nagkibit balikat lang ako sakanya. "how are you?"marahas na napatingin ako sakanya. "what?"takang tanong nya sa uri ng tingin ko sakanya,umiling lang ako bilang sagot. Nagtataka ako,dahil mayabang sya pero thoughtful at caring?may ganun pala syang katangian? Tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan at pinagmasdan ang mga bukid na nadadaanan namin,lihim na napangiti ako,mukhang di naman pala masamang magkagusto sayo Kael Moses. SAMANTALA.. "tama ang hinala mo idol!"napangisi ang isang lalaki sa sinagot ng inutusan nya. "nakahanap din ako ng kahinaan mo.."nakakuyom ang kamao nya habang iniisip kung paano nya mapapabagsak ang FEVER g**g na pinamumunuan ni K.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD