CHAPTER 7 ISANG malaking pagkakamali ang mapasali sa buhay ni Gabriel. At simula’t sapul alam ko na ang bagay na iyan. He’s personality and appearance was too much for me. Lahat nang meyron sa kanya ay sobra para sa akin at natatakot akong sumugal sa huli kapag dumating kami sa puntong iyon. Pumikit ako ng mariin. Of all the people, you should have known, Tamina! Hangal ka kung magpapadala ka! Umiling ako. Bahala na nga! “Okay ka lang, hija?” Tanong sa akin ni Donya Consuelto ng matigil ako sa pagbabasa ng libro. Mabilis akong tumalima sa librong binasa ko at humingi ng paumanhin sa kanya. “I’m sorry po. Nadadala lang po ako sa binabasa ko.” Oh, Lord! Huwag mo sana akong kunin dahil sa pagsisinungaling ko. Ngumiti siya sa akin at umiling. “Wala kang dapat ihingi ng paumanhin,

