CHAPTER 8 MADALING lumipas ang araw at hindi ko akalaing isang buwan na ding nanatili dito si Gabriel. Mali nga talaga siguro ang pagkakilala ko sa kanya dahil hindi naman siya ganito dati noong una naming pagkikita. Malayong malayo sa naging unang impresiyon ko sa kanya. I thought he was cold, rigid and strict but now, he’s stubborn. He’s a little bit playful or so I presumed. May pagkakataon naman ding seryoso siya at doon lamang ako kinakabahan. He’s also moody. Salungat sa itsura niyang napakadilim at matikas. Walang araw ang lumipas na hindi niya ako sinusuyo o kung iyon ang tinatawag niyang panliligaw. “Tam, hija..” Tawag sa akin ni Nanay Breding. Napatayo ako ng wala sa oras sa tawag niya sa akin. Kasalukuyan kasi akong nasa veranda ngayon ng mansiyon at nagbabasa ng libro hab

