Do or Die?

2104 Words
MARIA DENNISE Seryoso ba siya sa sinasabi niyang iyon? Magpapakasal ako sa kaniya? Sa anong dahilan? Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung ano ang pagkatao mayroon siya, tapos ngayon ay aalukin niya akong magpakasal sa kaniya? How is this real? Napalunok ako nang sandaling hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Nababaliw na ba siya? Normal naman siya sa tingin ko pero bakit siya bigla-biglang mag-aalok ng kasal? Is this even real? O nananaginip lang ako? Napakurap-kurap pa ako ng aking mga mata habang nakatingin lang ako sa kaniya. I am gauging his reaction if he’s serious or niloloko lang niya ako sa kaniyang pag-aalok ng kasal. “It’s either mamamatay ka sa bangin na iyan na tadtad ng bala sa katawan o pakakasalan mo ako.” Nagpaulit-ulit sa aking isipan ang kaniyang sinabi kanina. Napakadali lang niyang sabihin ang salitang “patay.” Sa tingin ko ay dahil ito sa kaniyang kasanayan na pumatay ng tao. Killing is just an icing on his cake. I became speechless, for a while. It’s because I am really surprised by what he asked me for. “Na-mimiss ko nang pumatay muli, sa totoo lang,” saad niya at saka niya hinipan ang baril niya. Ilang sandali lang ay muli siyang tumingin sa akin, iyong tingin ng isang killer. I had goosebumps for a while when he said that. Halos hindi ako kumurap nang sabihin niya ito sa akin. Wala akong ibang maisip kundi ang purpose ng pagsabi niya nito. Talaga bang iyong dalawa lang ang options na mayroon ako? Dahil kung oo, ay wala nga talaga akong choice kundi ang magpakasal sa kaniya. Ayaw kong mamatay, napakasaklap ng pagkamatay ko kung sakaling pipiliin ko iyon. “Do I have more options?” I tried to ask in a low voice. “No more. So, answer me right now,” mababa pa rin ang boses niya at nakakatakot ang paraan ng kaniyang titig sa akin. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, triple or quadruple dead na ako ngayon. Tumikhim ako bago ako suminok. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa posisyon ko ngayon dahil sa napakalimitado ng gagalawan kong espasyo. Isang maling galaw ay mahuhulog na ako sa matarik na bangin na nasa likuran ko. Takot na takot ako sa maaaring maganap ngayon. Maaari niya lamang akong itulak at sa pamamagitan niyon ay babagsak ako na walang kalaban-laban. “What’s your answer, lady. Naiinip na ako, masama akong mainip, nagpapasabog ako ng bungo.” And then he held my arm na parang gusto na lang akong itulak. Mas kinabahan ako sa ginawa niya kaya’t napahawak din ako sa kaniyang balikat so anytime na itulak niya ako ay hihilahin ko rin siya kasama ko. “I…I don’t know but I don’t have any choice.” Garalgal ang boses kong nagsabi nito saka tumingin sa kaniya. Takot na takot ako na walang kalaban-laban sa kaniyang pisikal na lakas. Ano ba naman ang laban ko sa lalaking malakas, matipuno at matangkad na kagaya niya? Wala. Naiiyak na naman ako at walang tigil ang bawat pagtaas baba ng dibdib ko sa sobrang kaba. “Answer me right away. Do you want to die or you will marry me?” Halata ang pagkainip sa tono ng kaniyang boses. His question needs an immediate answer. He seems too impatient for everything so, kailangan ko na talagang magdesisyon. “Okay, mas gusto mo yatang mamatay…” Bigla niya akong hinawakan ng mabuti na para bang itutulak na niya ako sa matarik na bangin na nasa aking likuran. “Yes. I will marry you!” sigaw ko sa pagkabigla habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang balahibuhang braso. Nanginginig ang boses ko sa sobrang takot. Namilog ang mga mata ko sa sobrang kaba. Damang-dama ko ang pagtahip ng aking dibdib sa kaniyang ginagawa. “I can’t hear you, woman.” Napailing pa siya at saka umigting ang kaniyang panga. “Yes! I will marry you! Okay?” Napaka-higpit ng kapit ko sa kaniya dahil doon. Anytime na bitawan niya ako ay patay ako. “Good choice.” Binitawan niya ako sabay atras. At dahil sa takot ko sa pagbitaw niya ay simbilis ng kidlat ang galaw ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at wala na akong ibang ginawa kundi ang humagulgol sa iyak. Hindi ko matagpuan ang rason kung bakit ako napayakap sa kaniya. Damn, I just hugged my kidnapper. Hindi ko alintana kung mabasa siya ng mga luha ko. Pero sa sobrang tapang ko kanina ay tila ba nawala ang lahat ng iyon nang nasa pagitan na ako ng kamatayan at ng buhay. “Thank you.” And now I am thanking this bastard man while crying. Panay pa rin ang iyak ko habang napakahigpit ang yakap ko sa kaniya. Ayaw kong bumitaw, ayaw kong makita niya ako sa aking mga mata. “Why are you crying again? Hindi ba’t tama naman iyong pinili mo?” he asked a rhetorical question with sarcasm in it. I didn’t answer but I remained there. Hanggang sa humupa na ang aking pag-iyak at kumalas na sa kaniya. Bahagya akong napatingin sa kaniya at nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga mata. Although pilit niya itong itinatago ngunit alam ko sa sarili ko na nakangiti siya at masaya siya sa desisyon ko. Bakit siya nakangiti? What’s the reason behind it? I can’t understand. Ano nga ba ang tunay na layunin niya sa bagay na ito? Yumuko akong muli saka ako nahihiya sa sarili ko dahil sa mga tingin niya. Sa simpleng ganoon lang ay napapayag na niya akong magpakasal sa kaniya. Pakiramdam ko ay napaka-easy-to-get ko na talaga ngayon. My parents and my brother raised me with ethics, with strict rules, and with practices na hanggang ngayon ay hindi nawawala sa akin. But why? Paano niya ako napapayag nang ganoon? Is just because of the threat na inilatag niya before me? Or because of another reason? That, I do not know. “Okay, follow me.” Isinuksok niya ang baril sa tagiliran saka naunang naglakad. Tiningnan ko lang siya mula sa kaniyang likuran at doon ay napagtanto ko na kahit anong gawin kong pagtakas ay wala akong kawala sa lalaking ito. Nang makasampung hakbang na siya ay saka siya lumingon at tumingin sa akin as if he’s asking me: ‘What now?’ Sa titig niyang iyon ay napahakbang na ako palapit. Tinitigan lang niya ako hanggang sa magkasalubong na kami at hanggang sa mauna na ako sa kaniya. Napaka-awkward sa pakiramdam na titig na titig lang siya sa akin at walang kibo. Para bang kinikilatis niya ako ng husto sa kaniyang pagtingin. His eyes are like scanner, tracing every emotion that I have in me. Until, nauna na nga ako sa kaniya ng limang hakbang bago ko marinig ang kaniyang mga yabag sa aking likuran. Gusto kong yumuko ngunit mas makikita niya ang aking kahinaan kapag ginawa ko iyon. Napaisip tuloy ako. If magpapakasal ako sa kaniya, so, I also have the right to request. Agad akong lumingon sa kaniya saka naman siya nahinto sa pagsunod sa akin. “If that’s the case, bago ako magpakasal sa’yo, I also need to consult my parents about this,” naglakas loob kong wika. “No need.” Nagpatuloy siya sa paglalakad saka hinablot ang kamay ko at hinila ako kasunod siya. Talaga ngang wala akong magagawa dahil dominante na siya at wala siyang balak na pagbigyan ako sa bagay na nais ko. Sa paanong paraan kami magpapakasal na hindi man lang alam ng mga magulang ko? Lalabas na pinikot lang ako ng lalaking ito, magpapakasal kami na pilit sa loob ko at wala man lang katiting na pakiramdam sa akin. Pero wala nga ba? Wala na nga talaga akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya hanggang sa makarating na kami sa bahay. Dinala niya ako sa kuwarto at doon ay pinaupo niya ako sa gilid ng kama kung saan ako nanggaling kanina. “This is what you should remember.” Namewang siya sa aking harapan at tinitigan ako na puno ng pagiging dominante. “You are already mine. No one can touch you except me. Wala ka ring ibang susundin kundi ako lang at ang lahat ng ipinag-uutos ko na gawin mo. And you will know what will happen kung hindi ka susunod sa akin. Makatakas ka man, susuyurin ko ang lahat ng lugar, mabawi ka lang. Maliwanag?” While he is talking, hindi ko maiwasan na mapatitig sa kaniyang guwapong mukha. Katatapos lang niyang mag-ahit pero mayroon pa ring bakas ng balbas at bigote sa kaniyang guwapong mukha. Makapal at mahaba ang kaniyang pilik-mata na binagayan naman ng kaniyang makapal rin ngunit maayos na kilay. He can be one of the Greek gods kung titingnan. “I didn’t tell you to stare at me, I asked kung maliwanag ba?” pag-uulit niya which sounds so impatient. Hindi ako kaagad nakasagot sapagkat nabibigla pa rin ako. Tumikhim muna ako bago ako tumango sa kaniya. “Hindi ko kailangan ang pagtango. I need a concrete answer, lady,” very strict niyang wika. “Okay. I understand,” I replied immediately na takot pa rin sa kaniya. “At gusto kong malaman mo na wala akong pasensya sa mga taong tumatakas. I can just kill you sa paraang gusto ko once you betrayed me. Remember this, once lang ang pasensya ko sa’yo.” Hindi ko talaga kayang sumagot sa kaniya. “Why aren’t you responding?” he further asked. Hindi na naman ako makapagsalita. “Oo nga pala. I don’t require any approval from you. Ako ang dominante sa ating dalawa kaya’t hindi mo kailangang sumagot ng oo o hindi. Because I have the final say sa lahat ng bagay na nais kong mangyari,” he realized saka siya tumayo nang matuwid. Mahabang katahimikan ang naganap habang nasa kuwarto kami. Nararamdaman ko na ang matinding gutom dahil sa palagay ko ay pasado alas otso na ng umaga. Ni hindi ko masabi sa kaniya na nagugutom na ako dahil natatakot pa rin ako. Kaya naman pinili ko na lang ulit na yumuko. “Lady, tumingin ka sa akin,” wika niya. Agad akong sumunod sa kaniyang sinabi sa akin. He then looked at my feet na ngayon ay marumi na. “Tsk.” Napailing siya saka nagmadaling nagtungo sa loob ng banyo. Pagbalik niya ay mayroon na siyang hawak na basang bimpo. Wala siyang imik na lumuhod sa aking harapan at saka pinunasan ang paa ko. I wonder kung bakit niya ito ginagawa sa akin ngayon. After all na pananakot niya sa akin ay ito ang gagawin niya? Akala ko ba ay siya ang dominante? Bakit niya ako pinagsisilbihan ngayon? Nakatingin lang ako sa kaniya habang masinsinan niyang pinupunasan ang aking paa. Magaan lang ang kaniyang kamay sa kaniyang ginagawa sa akin. And then, when he is finished ay tumayo siya upang ibalik ang bimpo sa banyo at pagbalik niya ay muli siyang tumayo sa aking harapan. “Tumayo ka riyan at maghubad ka sa harapan ko,” ma-awtoridad niyang wika. What? Anong sinabi niya? Maghubad ako sa kaniyang harapan? Nasisiraan ba siya ng bait? “Are you insane? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Maghuhubad ako sa harapan mo?” “Gusto mo bang ako na lang ang maghubad sa’yo? Mas gusto ko kung ganoon.” He smiled ngunit hindi dahil masaya siya kundi dahil iba ang balak niya. Napabuntonghininga ako sa kaniya saka ako tumayo. Ayaw kong magmukhang mahina at ipakita ko dapat na palaban ako. And then, I immediately removed my clothes hanggang naiwan na lang ang underwear and bra ko. Napalunok siya at nakita ko iyon dahil sa pagtaas baba ng kaniyang Adam’s apple. Tumaas ang tingin ko sa kaniya upang ipakita sa kaniya na kayang-kaya ko. “When I say hubad, dapat walang maiiwan.” Tumaas ang isang sulok ng kaniyang bibig na para bang sinusubukan niya ako. I was challenged. Naiinis akong tumingin sa kaniya dahil sa kaniyang pagiging pervert. “What do you think of me? Easy?” “Well, I am dominant here. So, susundin mo ako sa ayaw at sa gusto mo.” Napalunok ako saka ko hinawakan ang strap ng bra ko at akmang ibababa iyon nang bigla siyang magsalita. “I changed my mind. Mas gusto kong makita iyan pagkatapos ng kasal nating dalawa. Now, try to fit this dress, isusuot mo iyan mamaya sa kasal natin. And have a shower bago ka bumaba para kumain.” Inabot niya sa akin ang isang paper bag mula sa table at saka madaling umalis. Nakatunganga akong naiwan habang nakatayo. Ngayon na ang kasal ko? Is it for real?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD