The Escape

2633 Words
MARIA DENNISE Nakatulala na naman ako habang nakaupo sa kamang nasa kuwarto kung saan ako dinala ng lalaking kumidnap sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa buong magdamag hanggang sa mag-umaga na. Tumingin ako sa salamin na nasa tapat ng kama at nakita ko ang repleksyon ko. Gulong-gulo ang buhok, mugtong-mugto ang mga mata at wala sa sariling nakatulala. “I saw him that day…hindi ako maaaring magkamali.” Ihinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha sabay sabunot sa aking buhok at muling natulala. He almost killed my mom, at ngayon ay hawak niya ako. If nagawa niyang barilin ang aking mommy, lalong-lalong kayang-kaya niya akong patayin. I looked around the secluded room at inusisa kung mayroon ba akong maaaring madaraanan kung ako ay tatakas. I should at least make a way to escape. Buhay ko na ang nakataya rito. Sa kagustuhan kong tumakas ay agad ring pumasok sa isipan ko si mommy na ngayon ay comatose nang dahil sa pangyayaring iyon na kasama ako. It’s still fresh, alalang-alala ko pa. “Damn, I saw him escaped that day, but I didn’t speak, now, I am here…kidnapped. Ang tanga-tanga ko. Sana pala ay nagsumbong na ako kaagad sa mga kinauukulan.” Naiiyak kong wika saka ako tumayo at tila ba nawawala sa sarili na naglakad-lakad sa malawak na kuwarto. Nasa aking sarili ang labis na pagsisisi nang dahil sa aking pagiging tahimik nang araw na iyon. It’s because I was shocked and can’t really move on to what had happened. Lahat ng kaisipan na iyon ay gustong magpa-absorb sa aking utak, bagay na hindi ko kayang tanggapin. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip at hindi ko alam kung papaano ako gagawa ng hakbang sa mga oras na ito. Nahinto ako sa paglakad-lakad nang tila ba nahagip ng tingin ko ang bukas na pintuan sa terrace ng kuwarto. This is the way. Tama. Nakaharap ito sa malawak na kakahuyan kaya naman kaagad akong naglakad upang tingnan kung maaari na nga ba akong tumalon at suungin ang loob ng malawak na kakahuyan para lang makaalis na ng tuluyan. “Bahala na kung saan ako makarating, basta’t makatakas lang ako,” wika ko sa mahinang boses. Kaya’t nang makita kong malinis ang mga maaaring daraanan doon ay kaagad akong nakaisip ng paraan. Bumalik ako sa higaan at mabilisang binuhol ang mga mahahabang kumot. Pinagtali ko ang mga ito at dinala sa terrace. Malakas ang kutob kong makakaalis ako ngayon din kaya’t nang matagumpay kong naitali ang kabilang dulo ng pinagbuhol-buhol na kumot sa baluster ay unti-unti na akong lumambitin pababa. Wala nang room para sa pagiging maarte at pagiging mabagal kaya’t binilisan ko na. So, when I reached the ground, laking tuwa ko dahil tila walang magiging aberya. Hindi na ako lumingon pa sa aking likuran. Imbes ay madali kong tinahak ang kakahuyan. Pagkakataon ko na ito at wala na akong sasayangin pang oras. Laking tuwa ng aking puso nang makalayo na ako. I am running as fast as I could, sa takot na baka maabutan niya ako kung sakali mang nakita niya akong tumakas. And when I knew na nakalayo na ako ay huminto ako saglit upang magpahinga. Ngunit bigla akong nagulantang nang may malalakas na putok ng baril ang umalingawngaw malapit sa akin. “Aaayyyy!” Natakpan ko agad ang aking mga tenga at napayuko dahil sa pagkagulat sa magkasunod na putok ng baril. Halos mabingi ako sa lakas niyon at saka ako napaupo na lang mula sa aking kinatatayuan. Sa dinig ko ay sobrang lapit lang niyon. Tinamaan ba ako. I checked myself, ngunit wala akong galos o ano mang bakas ng dugo sa aking katawan. Paglingon ko ay nakita ko ang lalaking nakasuot ng maong na kupas, puting t-shirt na hapit sa kaniyang katawan at galit na galit ang ekspresyon ng mukha na hinihingal habang nakatingin sa akin. Naabutan niya ako! Napatigagal ako sa takot na naramdaman ko sa presensya niya. Mayroon siyang hawak na baril. Doon ako mas lalong kinabahan. Nanlalamig ang aking buong pagkatao dahil baka sa sandaling iputok niya ito ay siguradong tatamaan na ako niyon at tiyak na patay ako. Nanginginig akong lumingon sa mahabang daan at sinubukang humakbang paalis. Wala akong ibang naiisip kundi ang ipagpatuloy na lang ang aking pagtakas kahit pa nakatingin siya, baka sakaling maawa siya sa akin at hayaan na niya akong makaalis. Hahakbang pa sana ako ngunit bigla na namang pumutok ang baril. “Aaahhhhh!” Napasigaw ako at nanginginig na naman sa takot. Tinamaan ang lupa sa likuran ko. Nanginginig akong napaupo sa damuhan at napaiyak na lang sa sobrang nerbyos. “Maawa ka! Maawa ka sa akin!” Umiiyak na ako nang sobra. Labis na ang kaba ko at takot sa kaniya ngayon. Nanlilisik ang kaniyang mga mata at umiigting ang kaniyang panga sa pagpipigil ng galit. Bigla niyang itinutok sa akin ang baril na hawak niya. “No! Don’t kill me stranger. No!” Sobrang tumahip ang dibdib ko sa kaniyang ginawa. Pagkatapos niyang itutok sa akin ang baril ay hindi niya na ito ibinaba pa. Tutok na tutok na iyon sa akin. Parang wala na talaga siyang balak na ibaba iyon. Bigla siyang humakbang at itinutok sa aking ulo ang baril niya. “Noooo!” Napapikit ako sa aking pagkakaupo sa damuhan. Mauuna pa yata akong mamatay sa nerbyos bago pa man ako mabaril. “Stand,” utos niya sa akin sa pinakamalalim na boses niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Siguro ay dahil sa panginginig ng aking kalamnan. Agad niyang hinaltak ang kanang braso ko na dahilan para maitayo niya ako. Ngunit sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya ay namilipit ako at napaaray. “Aray ko, nasasaktan ako.” Umiiyak kong wika habang hawak ko ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa braso ko. “Lakad.” Aniya saka ako hinatak hanggang sa mauna akong maglakad. Patulak niya iyong ginawa sa akin. Wala akong tigil sa pag-iyak habang naglalakad ako sa damuhan papunta sa hindi ko malamang lugar. Malamig ang paligid, basa ang mga damo at dahil walang saplot ang paa ko ay dama ko ang tumatagos na lamig mula doon. “Stranger, stop. Hindi ko na kaya, just let me go,” pakiusap ko saka ako lumingon sa kaniya. “Lakad! Isa…” Itinapat niya sa akin ang baril habang seryosong-seryoso ang kaniyang mukha. Para siyang leon na manlalapa na lang bigla. Taas-baba ang aking mga balikat sa pag-iyak, ngunit tila ba kailangan kong sumunod sa kaniyang utos. Nakayuko akong nagpatuloy sa aking paglalakad habang nakasunod siya sa akin. Panay pa rin ang iyak ko. Hindi na tumitigil ang pag-agos ng luha sa aking mga mata simula kaninang nakarinig ako ng putok ng baril. “Bilisan mong maglakad.” Malumanay lang ang boses niya ngunit hindi iyon kalmado, sapagkat mas nakakatakot ang boses niyang malalim kaysa sa normal niyang pakikipag-usap sa akin. Kaagad niya akong hinaltak muli sa kamay at saka hinila upang mas lalong mabilis ang paglalakad naming dalawa. Hinila niya ako habang mabilis niya akong pinasunod. “Stranger, stop this please, let me go…. Nasasaktan ako!” Kahit gaano pa kalakas ang sigaw ko at ang pag-iyak ko ay wala na nga yatang nakaririnig sa akin mula sa kinaroroonan naming dalawa. Wala na nga yata akong pag-asa. “Stop, please. Let me go!” Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Hanggang sa hatakin niya ako at itulak pauna sa daanan. “Aaahhhhh!” Napasigaw ako sa pagkabigla. Halos masubsob ako sa lakas ng puwersa niyang pagtulak sa akin kaya naman nahinto ako. Hanggang sa subukan kong tumaliwas ng daan. Desperada akong makaalis. Bumalik ako sa pinanggalingan ko ngunit mabilis ang galaw niya. Naabutan niya ako at hinawakan sa braso dahilan para mapasigaw akong muli. “Tuloooonnnggg!” Wala akong tigil sa pag-iyak. Wala pa rin akong tigil sa paggawa ng paraan para makatakas. Para akong isang daga na binabantayan ng isang leon. “I said walk. Ang tigas talaga ng ulo mo!” Tinutok na naman niya sa akin ang baril dahilan para mahinto ako sa lahat ng bagay. Tumutulo pa rin ang luha ko ngunit hindi na ako humahagulgol. Naging kalmado na ang dibdib ko ngunit hindi nawawala ang aking matinding takot. Napalunok ako nang makita ko ang baril na nakatapat sa aking mukha. “Walk,” utos niya saka itinuro ang daan. At dahil wala na talaga akong magagawa ay naglakad na lang ako. Pagod na rin naman ako. Kung hanggang dito na lang talaga ay ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang bumigay na lang. Tama na ang panlalaban. “Dalian mo!” sigaw niya sabay putok ng baril. Hindi niya itinama sa akin ang bala kundi sa lupa. Ipinakita ko sa kaniya na handa na akong mamatay. Hindi na ako nagulat pa. Hindi na rin ako nag-react sa pagbaril niya sa lupa. Normal na lang iyon sa akin. Tatanggapin ko na ang kapalaran ko kung ito na nga talaga ang katapusan ko. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating naming dalawa ang dulo ng daan. “Diyos ko!” Napaatras ako nang makita ang malalim na bangin sa aking harapan. Alam kong hinding-hindi na talaga ako mabubuhay kung mahuhulog ako rito. Mas nanaisin ko na lang na mamatay sa bala kaysa naman sa bangin na ito. Maaari pa akong mabuhay kung hindi ako sa ulo o sa puso tatamaan ngunit kung sa bangin na ito ako mahuhulog ay wala na akong ligtas. “Just kill me with a gunshot.” Tumitig ako sa kaniyang mga mata, determinado. Napalingon siya sa kanan at sa kaliwa saka nagbalik ng tingin sa akin. “Inuutusan mo ba ako?” he asked na nakataas ang isang kilay. Nahinto ako saka napalunok. Nagpakita ako sa kaniya ng tapang na harapin kung anong gagawin niya sa akin. Napabuntonghininga siya saka unti-unting nag-angat ng kamay. Doon ko biglang naramdaman ang matinding takot dahil tila ba mas gusto niyang sundin ang sinabi ko. Napakurap ako kasabay ng matinding pagtulo ng aking mga luha. “Mommy,” naiiyak kong wika. Sa totoo lang ay takot talaga ako. Ang hirap magpanggap na ako’y matapang. Hindi ko na kayang tagalan ang pagharap sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi pa ako handang mawala. Marami pa akong mga pangarap, marami pa akong nais na gawin sa buhay, nais tulungan at magawa para sa aking pamilya. Hindi ito ang inaasahan kong ending ng buhay ko. Humakbang siya ng isa dahilan para mapaatras ako. Limang hakbang patalikod ay mahuhulog na ako sa matarik na bangin. Takot ako sa heights kaya’t labis ang panginginig ng aking mga tuhod. Walang emosyon ang mukha niya saka itinutok sa aking mukha ang baril. Diyos ko! “Please, I beg you, don’t kill me,” nanghihina ko nang wika. Sa tono ng boses ko ay wala na talagang pag-asa. Wala na akong ibang masabi pa. Gusto ko siyang yakapin para maramdaman niya ang pagmamakaawa ko pero natatakot akong lapitan at hawakan siya. “Stranger, please, don’t kill me. Maawa ka sa akin, pakiusap.” Ngunit wala pa rin siyang imik. Hindi siya nagsasalita. Hindi niya ako kinakausap, pinagmamasdan niya lang ang pag-iyak at pagmamakaawa ko. Ngumiti siya ngunit hindi iyon ngiti na natutuwa siya sa akin. Ngiti iyon ng isang mamamatay tao. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng sobrang takot dahil nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagiging sanay sa kaniyang ginagawa. Sanay na siyang pumatay. I wonder kung ilang tao na ang napatay niya kayat sisiw na lang sa kaniya ngayon ang maaari niyang gawin sa akin. “Please, I still have dreams. Marami pa akong pangarap sa buhay. Huwag mo akong papatayin.” Itinaas ko ang pareho kong kamay na senyales na sumusuko na ako. Napakunot noo siya at mas naningkit ang mga mata niya habang titig na titig lang siya sa akin. Maliwanag ang sinag ng buwan tumatama sa aming kinaroroonan kaya kitang-kita ko ang kaniyang wangis at ang ekspresyong ginagawa niya sa kaniyang mukha. Guwapo siya, matangkad at kung titingnan ay maaaring maging modelo ng jeans at ng kahit na anong brand ng damit, sa ganda ng kaniyang pangangatawan at ng kaniyang tayo. Ngunit sa mga oras na ito ay masasabi kong mas nakakatakot siya. Hindi ito ang oras para purihin ko ang taong papatay sa akin. “Kuya, I am begging you. Huwag mo po akong patayin.” Ngunit humakbang pa siyang muli palapit dahilan para mapaatras pa ako ng isang hakbang. Lumingon naman ako sa likuran at isang maling galaw ko na lang ay mahuhulog na ako sa matarik na bangin na ito. Diyos ko po, kaawaan sana ako. Napapikit na lamang ako at nag-isip ng maaaring gawin. Hindi ko na kayang manlaban o mag-isip ng kung ano ang sasabihin ko sa kaniya upang pakinggan niya ako, kaya’t mas mabuti sigurong isuko ko na lang lahat, ayaw ko na, pagod na pagod na ako. Mas lalo niyang itinutok sa aking mukha ang baril dahilan para takasan ng dugo ang mukha ko. Namawis ang buong katawan ko sa takot at magkakasabay na nabuo ang kaba at matinding takot kaya naman sa tingin ko ay mahihimatay na ako sa sobrang bilis ng t***k ng aking puso. “Pakiusap, spare me. Huwag mo akong patayin.” Napaluhod na lang ako at sinubukang abutin ang paa niya. And when I tried to reach him at hinayaan niya akong yumakap sa kaniyang matipunong mga paa, I cried a lot and ibinuhos ko na ang lahat ng takot na nadama ko mula kanina. Wala na akong lakas pang lumaban sa damdamin ko, wala na akong lakas pang magpakatatag. “Tumayo ka diyan at papatayin na kita. Inuubos mo lang ang oras ko.” Umatras siya para kumalas ang pagkakahawak ko sa kaniya. “No. Please, gagawin ko ang lahat, lahat ng gusto mo ay gagawin ko. Huwag mo lang akong papatayin!” Pagmamakaawa ko. Hindi siya umimik. Naramdaman kong bumaba ang kamay niya upang hawakan ako at patayuin. “Please, pangako, hindi ako magiging sakit ng ulo mo. Gagawin ko ang lahat ng ipag-uutos mo, huwag mo akong akong papatayin,” dagdag ko pa. Naramdaman ko na lang na inangat niya ako sa pamamagitan ng mahigpit na pagkakahawak niya sa kanan kong braso. Unti-unti niya akong itinayo at saka ako kinausap. Ga-pulgada na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kitang-kita ko ang gwapo niyang mukha. Ibinaba niya ang hawak niyang baril saka siya nagsalita habang hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin diretso sa aking mga mata. “That’s one thing na gusto kong marinig sa’yo,” wika niya sa mababang boses. Langhap ko ang preskong hininga niya kahit umagang umaga pa lang. Napalunok ako habang nakatingala sa kaniya. Mata sa mata ay nag-uusap kaming dalawa. Sinusukat ko ang kaniyang ekspresyon kung tama ba ang kutob ko na bumaba na at humupa na ang galit niya mula pa kanina. “Kuya stranger, buhayin mo lang ako, gagawin ko lahat. Pakiusap, pakiusap.” Nanginginig pa rin ang boses ko habang kinakausap ko siya. “Really? Gagawin mo ang lahat?” Nangilid ang isang ngiti sa kaniyang labi, ngiti na hindi ko mawari kung isang positibong bagay. “Yes. I will, I swear.” Sinabayan ko pa ito ng pagtango bilang pagsang-ayon sa kaniya. “That’s good to hear then.” Tumuwid siya ng tayo saka siya ngumiti. Naghihintay ako ng kaniyang sasabihin sa akin. “You only have two options, lady,” patuloy niya. Naghihintay pa rin ako kung ano ang options na iyon. “It’s either mamamatay ka sa bangin na iyan na tadtad ng bala o papakasalan mo ako ngayong araw na ito.” Sa pagkakasabi niya nito ay para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD