Matapos makatanggap ni Kasandra ng tawag mula kay Juvy ay agad silang umalis ni Calvin sa restoran na kanilang kinakainan at ngayon nga ay malapit na silang makarating sa kanilang bahay.
"Hey! Chill," Hinawakan ni Calvin ang kamay niya. Labis pa rin kasi ang kabang nararamdaman niya. Hindi pa man sila nakakalapit sa bahay ay kita na nila ang dami ng sasakyan sa harap ng kanilang tahanan.
'My God! Ano bang nangyayari?' Pagtigil ng sasakyan ay agad siyang bumaba at tumakbo papasok ng bahay. "Mama! Papa! Juvy!"
Mangiyak-ngiyak na siya nang may mapansin siya dahilan upang mapahinto siya sa gulat at pagtataka sa mga nangyayari. Hindi nagtagal ay nasa naka sunod na rin sa kanya si Calvin. "Bakit may party?" kalmadong tanong ni Calvin. Naka pamulsa pa ito sa kanyang tabi.
"Ewan ko din. Hindi ko alam,” naguguluhang sagot niya. “Iyan din ang gusto kong malaman."
Maliit lang ang bakuran ng kanilang bahay ngunit dahil sa mga lamesa at upuang nakasalansan doon, pati na rin ang bisitang naroon ay lalong sumikip ang paligid. Dumiretso sila sa loob ng bahay at hinanap ang kanyang pamilya.
"'Ma? 'Pa?" ani Calvin nang makita ang mga magulang nito. "A-anong ginagawa n'yo dito?"
"Oh! Finally! You two are here," masayang bati ni Elsa.
"Anak!" Lumapit naman sa kanya ang kanyang Ina. "Akala mo siguro hindi ko mapapansin."
"Ha?" Nagtatakang tugon niya.
"Akalain mo nga naman. All this years we're waiting for our son na magseryoso at may ipakilalang babae na makakasama nito habang buhay. But now, you two are officially engaged!" singit naman ni Victor.
"What!?" panabay na sabi nilang magkaibigan.
"Mama? Papa?" naguguluhang tanong ni Calvin.
"P-paano ninyo po...?" Hindi niya magawang matapos ang sariling tanong.
"Hay naku, anak! Elsa and I were bestfriend!" Hinawakan ni Miko ang kamay niya kung saan naroon ang sing-sing. "Natural lang na alam ko kung anong meron sa sing-sing na ito. Noong una nga akala ko ay ordinaryong sing-sing lang iyan. Buti na lang nabanggit ni Elsa na ibinigay na nila ang sing-sing kay Calvin. At doon ko napagtanto na ang suot mo ay ang sing-sing ng pamilya nila." Mahigpit siyang niyakap nito. "I'm so happy for you. Alam kong magiging safe ka sa piling ni Calvin. He is the right guy for you."
Lihim na nagkatinginan sila ng binata. Masayang-masaya ang lahat sa paligid nila. Samantalang siya ay gulong-gulo na. Hindi siya handa sa mga kasalukuyang pangyayari kaya hindi rin niya alam ang sasabihin o kahit ang gagawin.
"Anak, kailan kayo magpapakasal? May mga kakilala ako at may mga nakausap na rin ako. Kahit next month pwedeng-pwede na!" masayang sabi ni Elsa.
"Ano po!? Next month!? Agad-agad?"
"May problema ba, Kasandra?" napatingin siya sa Ina ngunit wala siyang masabi.
"Ah! Mama, Papa, Tito Rudolplfo, Tita Miko, gusto po kasi namin ni Kasandra na maging perfect ang wedding namin. Huwag po sana nating madaliin ang lahat. Darating din naman po tayo d'yan," sabat ni Calvin na mukhang pinaniwalaan naman ng lahat.
"Oo nga po. Minsan lang po ang kasal kaya gusto po sana namin na maging maayos ang lahat," pakikisakay na din niya.
"Naiintindihan ko, hija. Noong ako din ang ikakasal gusto ko talaga yung higit pa sa the best."
"Ay oo nga! Naalala ko tulungan tayo noon sa paghahanda ng kasal mo Elsa!" pag-alala ni Miko at Elsa sa kanilang nakaraan. Muli nang nagkanya-kanya nang usap ang lahat.
Hinawakan ni Calvin ang balikat niya at pinisil-pisil. Alam nitong nag-aalala pa rin siya sa biglaang mga kaganapan. Nilingon niya ito at nginitian. Pero batid niyang alam nito na pilit lang ang ngiting iyon.
Lumapit sa kanila si Juvy. "Ate, ayos ka lang ba?" Tumango siya bilang tugon. "Sorry, wala akong nagawa."
Ginulo niya ang buhok nito. "No need to say sorry."
"Pero, Ate! Hindi ba crush mo naman si Kuya Calvin? Okay na iyan!" biglang nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at napatingin sa naka ngiti nang si Calvin.
Agad siyang umiling, "Hindi 'yon totoo!" Ngunit lalo lamang lumapad ang ngiti nito. 'Aaarrrgggg! Kainis naman 'tong kapatid ko, eh! Naku!' Sa sobrang inis at kahihiyan ay napa-walk-out na siya.
"Uy! San ka pupunta?" Habol sa kanya ni Calvin ngunit hindi niya ito pinansin. 'Bahala silang mag-isip ng kung ano-ano basta! Hindi ako aamin! ... Este, hindi ko siya crush!'
"Kailangan ko ng sariwang hangin! Kulob na kasi dito!" Dire-diretso na siyang naglakad palabas ng bahay at nagtungo sa park ng kanilang village.
Okay nga lang ba talaga ang mga nangyayari? Paano kung hindi maganda ang kalabasan? Paano kung… kung hayaan na lang niya ang puso na mahalin ang kaibigan? Okay nga lang kaya? Pero paano naman ang binata? Baka masaktan lang nila ang isa't-isa...
"Hoy!
"Ay! Oo na! Crush kita!" Nagulat siya sa nagsalita. Nang lumingon siya ay nakita niya si Calvin na may kakaiba na namang ngiti.
"So... Umaamin ka na na crush mo ako?"
"Ano---? Anong pinagsasasabi mo? Nagulat lang ako kanina kaya---"
"Nasabi mo 'yung iniisip mo?"
"Oo! ... Este, hindi, 'noh! Nagulat lang ako kanina kaya nasabi ko iyon pero wala! Wala akong crush sa 'yo! Baka ikaw ang may crush sa akin."
"Mangarap ka... Mangarap ka..." pagkanta nito.
Tila may lumabas na mga ugat sa noo niya sa pagkapikon niya sa kanta nito. Nais pa sana niyang makipagtalo ngunit nagsimula itong maglakad at umupo sa bench sa park kaya tinabihan na laman niya ito at nanahimik. Iyon naman talaga ang dahilan nang paglabas niya ng bahay kanina. Upang magkaroon siya nang katahimikan at makapag-isip.
"Bakit mo ako sinundan?" bigla niyang naitanong dito.
Seryoso ang mukha nitong dahan-dahang tumingin sa kanya. "Gusto kitang asarin, eh," wika nito kasabay ang isang nakakapanglokong ngiti habang siya naman ay naningkit ang mga mata. Malakas na tumawa ito saka siya inakbayan. "Joke lang! Hindi ka na mabiro. Gusto ko lang syempre siguraduhin na safe ang fiancee ko." Napahinto siya at tila ba nag-iba ang t***k ng puso niya nang sabihin nito ang salitang 'fiancee'. Kakaiba iyon sa pakiramdam. "Hey! Bakit hindi mo man lang sinakyan?" Patuloy pa rin ito sa pagche-cheer up sa kanya habang siya naman ay lalong nalulungkot sa ginagawa ng kaibigan. Magulo na ang damdamin niya sa ngayon at dahil sa ginagawa nang kaibigan ay lalong hindi niya malaman ang gagawin; kung papabayaan ba niya ang pusong umibig dito at masayang tanggapin ang mga nangyayari, o pigilan ang damdamin at humanap nang paraan upang maibalik ang lahat sa dati.
~o0o~
Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan ni Calvin at nang kanyang matalik na kaibigan. Kahit na anong gawin niyang pagpapagaan ng loob nito ay tila hindi iyon umuubra. Mahal niya ang kaibigan. Higit pa sa pagkakaalam nito. At sa halos isang linggong lumipas mula nang masapakamay nito ang sing-sing ay ang pagnanaiis niyang maging totoo ang lahat at ang paghahanda niya upang umamin dito. Kaya sa pagdedeklara ng kanilang mga magulang sa official nilang kasunduan ay hindi niya maiwasang maging masaya. Ngunit mahirap din para sa kanya ang makita itong malungkot at nahihirapan. Ayaw din naman niyang makulong ito sa isang sitwasyong hindi nito gusto.
Hinawakan niya ang ulo nito at isinandig sa balikat niya. "I’m sorry. Sorry sa mga nangyayari, ah." Sa huli ay sabi na lamang niya habang nakatingin siya sa mga bituin.
"Wala kang kasalanan. Okay na din siguro ito sa ngayon. Nang nakita ko ang saya sa mukha nila mama kanina ay lalo akong nakonsensya. Minsan ko lang sila mapasaya nang ganoon. At ang kasiyahang iyon ay dahil alam nilang nasa mabuti akong kamay. Tanging kapakanan ko lang ang nasa isip nila. At least, nagawan mo ng paraan na mapatagal ang kasal. Salamat doon, ah."
"Wala iyon. Basta para sa 'yo. ‘Wag kang mag-alala sa maikling panahong iyon susubukan kong kausapin sila mama at ipaliwanag ang lahat, okay?" Hinarap niya ito at hinawakan sa mga balikat. “Pero sa mga panahong ding iyong tandaan mo sana na lahat ng gagawin ko para sa ’yo ay tapat at totoo.” Dahil sa mga panahong iyon ay gagawin din niya ang lahat upang mapasaya ito. Maiparamdam na mahal niya ito. At magawa niyang paibigin ito. Bilang patunay sa kanyang pangako ay mabining hinalikan niya ang noo si Kasandra.
~o0o~
Kobe, Japan, year 2017
“Yuki-hime!"
"Bosu!"
"Hime-sama!"
"S-sayuri-chan?” tanong ni Yuki nang maalimpungatan. Kasabay niyon ay ang malabong mukha nila Sayuki, Shiba at Shino na tinutulungan siyang makatayo. At sa bawat pagkilos niya ay ramdam na ramdam niya ang tama ng bugbog at latay ng latigo sa kanyang katawan.
"We will lead you to your room. But Master Kumicho said you're still grounded. So please, don't try to escape again. Look at you now…" Hindi na niya maintindihan ang iba pang sinasabi ng mga ito ngunit sigurado siyang mga litanya lang iyon dahil sa pagtangka niyang pagtakas.
Hindi na niya namalayan na nakarating na sila sa kanyang kwarto at sa mismong paglapat ng kanyang katawan sa sariling kama ay ang pagpapaubaya niya sa sariling makapagpahinga. Kasabay niyon ay ang tila paggaan ng kanyang pakiramdam.
~o0o~
Manila, Philippines, year 2013
"Yuki! Yuki!" mula sa pagkakayukyok ay namulatan ni Yuki si Tamora. "Tawag ka ni Ma'am!" pabulong ngunit may diing sabi nito.
"Ha?"
"Miss Yamaguchi, please stand up," wika ng isang professor na tinalima naman niya. "I don't think it's right for an exchange student to sleep here especially in my class. May I remind you, you're in the Philippines. If you can do that in Japan, well, not here."
"Gomenasai. My apologies, Ma’am."
Nagpatuloy ang klase habang siya ay nagninilay-nilay. Masaya siya kahit pa napagalitan at napahiya na siya. Mas gusto niya ang normal na buhay niya sa Pilipinas kumpara sa Japan na ang lahat ay takot sa kanya.
"If I ask Eroll to buy two cavans of rice in exchange for Php4,000 then he failed to deliver the cavans of rice, may I claim damages against Eroll? Explain."
Sa buong klase ay tanging isang kamay lang ang naglakas ng loob na magtaas ng kamay upang sagutin ang katanunga ng kanilang guro. Mula iyon sa kabilang panig nang kanilang classroom.
"Mr. Santos," pagtawag ng professor nila sa nagtaas ng kamay.
"No, Damages alone cannot substitute the performance if owners can do it…" napangiti siya sa himig ng boses nang nagsasalita.
Ang isa pang nagpapasaya sa pananatili niya doon ay dahil sa pagsubaybay niya sa isang tao, kay Michael Santos. Hindi ito tulad ng ibang lalaki. Hindi siya pangkaraniwan lamang na estudyante. At higit sa lahat ay may mabuti itong kalooban. Sa higit isang taon niyang lihim na panonood at pagmamasid dito mula sa malayo ay lalo siyang nagiging interesado sa binata. Bukod sa magandang academic performance nito ay isa ito sa mga scholars ng unibersidad, isa sa mga chess player na lumalaban sa nationals, at miyembro din ito ng student council at journal club. Ngunit hindi ang mga iyon ang nagpahuli ng kalooban niya dito kung hindi ang pagiging mabait nito at likas na matulungin sa kapwa. Naalala pa niya ang pagkakataong iyon.
Unang pagkakataon na may mga kalalakihang humarang sa kanya sa harap ng isang convenience store. Bagong dating pa lamang siya sa Pilipinas. Alam niyang kayang-kaya niya ang mga ito ngunit isang lalaki ang namagitan sa kanila bago pa man siya pumorma sa pakikipaglaban. Binigyan nito ang mga kalalakihan ng tig-i-isang canned juice at nakiusap na umalis na lamang. Iyon ang unang beses na may nagtanggol sa kanya at sa kakaibang paraan pa.
“Ayos ka lang ba?” tanong nito na tinanguan lang niya. “Pasensya na, wala na akong juice na maiaalok sa 'yo, naubos na lahat ng binili ko.” May kung anong kinuha ito sa plastic bag na dala nito. "Here! Sa iyo na 'to." Naka ngiti ito habang inaabot ang tatlong piraso ng chocolate candy. Hindi niya ito pinansin at muli nang nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay may nadaanan siyang bus kung saan isang grupo ang sumasakay dito suot ang kaparehong jacket ng lalaking tumulong sa kanya. Isang lalaking may edad trenta hanggang kwarenta ang bumaba at lumapit sa isang babaeng estudyante. "Nandito na ba ang lahat?"
"Hindi pa po, Sir. Wala pa po si Michael. Bumili pa po siya ng additional drinks at snacks."
"Ganoon ba." Tumango ang babae bilang tugon. Aalis na sana ang lalaki ngunit bigla itong bumalik. "Nga pala, nabigyan mo ba ng budget si Santos? Para sa bibilhin nya?"
"Ha? Ah… Hindi, Sir."
"Hmmm," lumapit ito ng kaunti sa babae. "Alam mo kasi tanging Ina lang niya ang bumubuhay sa kanya at hindi ganoon kadali ang pera sa kanya. Kaya nag-alala ako kung mag-abono pa siya. I will appreciate it if next time you will give him a cash advance."
Napahawak sa batok si Yuki at muling bumalik ng convenience store. Nasa counter na ang lalaking sa tingin niya ay si Michael. Lumapit siya dito at hinarap ang casher saka ibinigay ang isang card. "Pay it using this."
"Sandali," awat ni Michael sa kanya.
"It's my expression of gratitude. Please take it." Hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay. "Okay, I'll take the chocolates you were giving me earlier," wika niya upang makumbinsi ito. Nagulat siya dahil bigla itong ngumiti at nagmamadaling kinuha ang mga tsokolate.
"Here!" Bago siya tuluyang umalis ay muli itong nagsalita, "Arigatō gosaimashite!"
"Arigatōgozaimashita," pagtatama niya sa pasasalamat nito bago tuluyang umalis.
Pagdating sa dormitoryo kung saan siya nananatili ay naalala niyang kainin ang mga tsokolateng nakuha niya. Hindi siya mahilig sa matamis ngunit napangiti siya nang makita ang loob ng wrapper na may nakasulat. "You are exactly where you are supposed to be." Napatingin siya sa maliit na kwartong tinutuluyan niya at sa ilang mga kagamitang naroon. Malayong-malayo sa kwarto niya sa mansyon na tinitirhan niya sa Japan. Taliwas kasi sa kagustuhan ng kanyang Ama ang mag-aral sa Pilipinas. Kaya ganoon na lang kung pahirapan niya nito.
Binuksan niya ang dalawa pang natitirang tsokolate. "Enjoy the small things in life", "Because you can." Hindi na niya mapigilan ang matawa. Tila para sa kanya talaga ang mga mensahe. Kaya sa unang pagkakataon ay naging masaya siya… sa hindi niya alam na dahilan.
Mula din nang araw na iyon ay naging visible na si Michael sa kanyang paningin na nasa business management din tulad niya. Nasubaybayan at lalo niya itong nakilala. At ang simpleng kyuryosidad niya dito ay lumago at naging pagmamahal.
Nang matapos ang klase nila sa law ay masayang nagkwentuhan ang ilan niyang mga kaibigan sa labas ng classroom, habang siya ay sumandal sa haligi ng kwarto malapit sa pinto at nagsimulang makinig ng musika mula sa kanyang headphones. Hindi nagtagal ay ang grupo naman ni Michael ang lumabas. Palihim siyang tumingi dito kaya nakita niya ang pagngiti nito kasabay nang paglabas ng mga biloy nito. Muli na siyang yumuko at tumitig sa screen ng kanyang phone nang nakangiti. Iba talaga ang sayang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ito.
~o0o~
Dumating ang huling araw ng sportsfest ng kanilang unibersidad. Halos ilang araw ding hindi nakita ni Yuki si Michael. Alam niyang abala ito bilang isa ito sa student council at journal club pero umaasa pa rin siyang makita niya ito.
Nasa quadrangle siya kasama ang ilang mga kaibigan ng lumapit ang dalawang student representative sa grupo ni nila. "Hey, guys! Nakita n'yo ba si Michael?" nagtinginan ang kanilang grupo ngunit wala sa kanila ang nakakita sa binata. "Ganoon ba? Salamat."
Pag-alis ng mga ito ay nagsimulang mag-usap si Grace at Gigi. "Hindi kaya totoo ang narinig ko?"
"Nakakabahala naman kung totoo."
"Anong pinag-uusapan nyo?" sabad na niya.
"Ito kasing si Grace may narinig nung isa araw mula sa fraternity ni Jaybee," usap ni Gigi.
"Narinig ko kasi si Jaybee na pagbabayarin n'ya daw si Michael sa hindi pagsasama nito sa pangalan ni Jaybee sa isang project nila sa Management," kwento ni Grace.
"Hindi naman kasi s'ya nagparticipate sa project na iyon. At kung hindi ako nagkakamali ay pangatlong beses na niyang tina-take 'yung subject na iyon," wika pa ni Gigi.
"Pero nakakabahala pa rin dahil sabi nila ay aabangan daw nila ito sa gabi ng battle of the bands…" patuloy na kwento ni Grace.
Hindi na siya nagdalawang-isip at tumakbo na palayo. "Dude! Saan ka pupunta? Magsisimula na ang program!" narinig pa niyang sigaw ni Tam ngunit hindi niya ito sinagot o nilingon man lang. Nais na niyang mahanap at makita si Michael upang mabalaan ito at masiguro ang kaligtasan nito. Naikot na niya ang buong campus ngunit bigo siyang matagpuan ito.
~o0o~