PAULINE POINT OF VIEW Kinaumagahan ay medyo huli na ako nagising. Malapit na magtanghali niyon. Kitang-kita ko na ang liwanag na pumapasok sa loob ng bahay. Dahan-dahan akong naupo mula sa pagkakahiga. Ngunit hindi pa nagtatagal ay napahiga lang din ulit ako dahil nanghina bigla ang katawan ko. “Ang hirap naman nito!” naiinis kong bulong at huminga nang malalim. Hindi talaga kayang pumasok sa imahinasyon ko na wala ako sa paaralan ngayon. Sa Lunes o Martes pa ako makakapasok ulit. Nang maalala muli ang nangyari kagabi ay bigla kong naisip si Achiara. Malamang alam niya na rin ngayon ang tungkol sa akin. Ang masamang naging kalagayan ko. Malamang nag-alala 'yon nang sobra. “Sana pumunta siya rito mamaya,” mahinang ani ko at napatitig na lang sa kisame. Maya-maya pa ay narinig ko na a

