PAULINE POINT OF VIEW Masaya kami ni Achiara na kinakain ang pansit na niluto ni inay. Mayroon pa ngang timpladong inumin ang nakahanda. “Ang sarap talaga magluto ni tiya! Ang sarap ng pansit!” saad ni Achiara na bakas sa kaniyang reaksyon ang pagkatuwa. “Syempre naman! Pero masarap din naman magluto ng tilmok ang iyong mama!” tugon ko rin sa kaniya. “Ay tama! Hahahaha! Alam mo 'yong mga kaklase natin kanina—” “Hindi ko pa alam, Achiara.” Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. “Bumalik ka na ulit sa pagiging ganiyan,” aniya at sabay nguso. Tinawanan ko lamang siya dahil doon. “Pauline naman 'e!” “Ano ba kasi 'yon?” tanong ko at natatawa pa rin. Inirapan niya ako at wala lang sa akin 'yon. “Iyong mga kaklase natin kanina pati ang ibang estudyante halos dumugin ako. Pare-pa

