PAULINE POINT OF VIEW Lumipas ang mga araw ay patuloy pa rin na pumupunta si Achiara rito sa bahay. At katulad lamang noon ay iniiwan niya ang kaniyang iilang kuwaderno sa 'kin sa tuwing walang binibigay na takdang-aralin. Araw ng Linggo ngayon at naghihintay lamang kami ng masasakyang kalesa para makapuntang simbahan. Biglang pumasok sa aking gunita ang sinabi ni Achiara nang Lunes. 'Ang saya-saya ko nitong Sabado at Linggo dahil nasa bahay sila mama at papa! Tapos ang dami ulit na pagkain dahil iyon na lang ang araw na nagkakasama-sama kami. Alam mo naman, tuwing Lunes hanggang Biyernes ay lagi silang wala sa bahay. O kung naroon naman ay tulog parati dahil sa pagod sa trabaho. Tapos syempre hindi lang kami kumain ng marami. Syempre namasyal kami, alam mo na roon sa bagong itinayong

