PAULINE POINT OF VIEW “Papasok ka na bukas?” tanong ni Achiara habang tahimik kaming dalawa na kumakain ng pansit. “Kung kakayanin na ng katawan ko papasok na ako bukas. Kung hindi baka sa Martes pa ako makapasok ulit. Ilang araw din akong hindi nakapasok. Mabuti na lang talaga iniiwan mo sa 'kin minsan ang kuwaderno mo,” sagot ko sa kaniya saka kumagat sa tinapay na may palamang tsokolate. “Oo nga pala. Akala mo kanina hindi ko alam ha?” Muling kumunot ang aking noo nang lingunin siya. “Ano na naman?” Kumain muna siya ng ilang subo ng pansit at tinapay bago nagsalita. “Alam ko na may tinitingnan kang lalaki kanina. Kitang-kita ko kaya. Sinundan ko 'yong paningin mo kanina. Nagkunwari lang akong hindi ko alam kung ano o sino hinahanap mo,” saad niya na nagpabigla sa akin. “Bakit

