PAULINE POINT OF VIEW Agad niyang tinakpan ang bibig ko nang akmang sisigaw na ako. Impit akong sumisigaw habang nakapulupot ang kaniyang mga braso sa aking baywang. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kaya makawala. Nababasa na kami ng ulan. Nabitiwan ko na ang dala-dalang payong. “Inuulit ko, bakit nandito ka pa sa labas? Anong ginagawa mo rito sa labas? Alam mo bang pwede kang maparusahan sa paglabag sa kautusan?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Paulit-ulit akong napapalunok ng sariling laway. Hindi ako makapagsalita at tila may nakabara sa lalamunan ko. Sobrang tindi na rin ng kabang nararamdaman ko. “Tinatanong kita binibini. Sumagot ka,” anito at napakaseryoso ng kaniyang boses. “A-ah...” Pakiramdam ko may dumadaloy na libo-libong kuryente sa buo kong katawan. Grabe ang pagkaka

