PAULINE POINT OF VIEW “Binibini—” “Ahh! Ahh!” Nahampas ko at ang ginoo at napasigaw ako sa sobrang gulat. “Aray! T-tama na, binibini!” Napatigil ako sa paghampas sa ginoo at hinihingal ako nang sobra. Sandali, parang pamilyar siya. Inaalala ko kung nakita ko na siya at biglang pumasok sa isipan ko ang kanina. Iyong nasa palasyo pa ako at muntikan na mabangga ng kabayo. Tumingin ulit ako sa kaniya at tinitigan siyang maiigi. “Hindi ka pa ba tapos na pagmasdan ako binibini?” tanong niya na nagpabigla sa 'kin. Kaagad akong umiwas ng tingin saka umusog ng pagkakaupo. “Maupo ka,” saad ko sa kaniya na kaagad niya namang ginawa. Patuloy pa ring bumabagsak ang malakas na patak ng ulan. Napakatahimik at naiilang ako. Lumunok ako ng sariling laway at naisipang magsalita. Hindi pala ako nakap

