PAULINE POINT OF VIEW
Kasalukuyang naglalakad na kami ni Achiara pauwi. May mga kaunti rin kaming nakakasabayang estudyante.
“Nakakapagod ang araw na 'to! Grabe ang pawis ko kanina sa pagtatanim!” saad ni Achiara at medyo natawa naman ako sa kaniya.
“Pare-pareho lang naman tayong napagod sa pagtatanim. Salamat din naman at pahapyaw lang ang klase kanina ng bawat guro natin. Isa pa, wala ring ibinigay na takdang-aralin,” tugon ko naman sa kaniyang sinabi.
“Tama ka, pahapyaw lang ang klase natin ngayon at saka walang takdang-aralin. Pero malamang, bukas na bukas napakaraming ipagagawa sa atin!” aniya naman pagkatapos ko magsalita. Napailing-iling na lamang ako dahil sa sagot niya.
“Ikaw talaga Achiara! Hayaan mo na, ilang buwan na lang din ay magtatapos na tayo. Makakapagtrabaho na rin tayo at saka makakatulong sa ating mga magulang,” sabi ko muli sa kaniya. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
“Alam mo—”
“Hindi pa,” saad ko at natawa sa kaniyang reaksyon dahil pinutol ko ang kaniyang sasabihin.
“Pauline naman 'e!” Nakanguso siya habang sinasabi 'yon at nagpadyak-padyak pa. Tinawanan ko lamang siya dahil doon.
“Hahahahaha! Ano ba kasi 'yon?” tanong ko sabay tawang muli.
“Ang swerte mo,” sabi niya na nagpataka sa akin. Bakit niya naman sinasabi iyan? May problema ba siya? Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
“Ha? Ako? Swerte? Paano mo naman iyan nasabi, Achiara?” tanong ko sa kaniya.
“Kasi mapapangasawa mo ang young master pagdating ng araw na dalwampu't isang taon ka na,” sagot niya sa 'kin habang nakanguso pa rin.
“Paano naman akong naging swerte roon, Achiara? Unang-una sa lahat, hindi ko kilalang lubusan ang young master? Pangalawa naman ay ni-wala nga akong nararamdaman para sa kaniya at malamang ganoon din siya sa 'kin. At saka, ang pangatlo ay imposible namang ako lang ang nag-iisang babae na may puting buhok at magkaibang kulay ng mata! Malamang mayroon pa riyang iba,” tugon ko sa kaniyang sinabi. Napahinto kaming dalawa sa paglalakad.
“Ano ka ba, Pauline? Sye—”
“Tao ako, Achiara. Tao ako—”
“Alam ko! Aywan ko sa 'yo Pauline! Alam mo kasi, may posibilidad din kayong mahulog sa isa't isa ng young master. Parang ang hari at reyna lang natin ngayon. 'Di ba ganoon din sila dati pero tingnan mo, sobrang mahal na mahal na nila ang isa't isa! Saka ano bang pinagsasabi mong posibleng may iba pang babae na katulad mo?! Na may kulay puting buhok at magkaibang kulay ng mata! Ipapaalala ko lang sa 'yo ah? Base sa datos, ikaw lang ang babaeng may kulay puting buhok at magkaibang kulay ng mata ang maaaring ikasal sa young master! Mayroon diyan ngang katulad mo ngunit masyado pa silang bata,” mahabang saad ni Achiara. Napahinga na lang ako ng malalim.
“Achiara, kung hindi ko mabibigyan ng kahit isang anak ang young master pagkatapos ng isang taon na kasal namin, mapapawalang bisa rin ang lahat. Mas gusto kong ikasal sa lalaking mahal ko at mahal din ako at higit sa lahat 'yong kilala talaga namin ang isa't isa,” ani ko naman.
“Pero paano kung wala ka na talagang magagawa kasi ikaw lang talaga ang nag-iisang babaeng nakatakda ikasal sa young master?” Napabuntong hininga na ako.
Wala na akong magagawa kung sakaling ako talaga. Kung tatanggi ako, maaaring maparusahan ng pagkakakulong si inay at itay. Sa loob pa naman dila ng palasyo nagtatrabaho.
“Wala na akong magagawa kung ganiyan nga mangyayari. Sandali, bakit nga ba humaba nang humaba usapan natin tungkol dito? Ang daldal mo kasi, Achiara,” sagot ko sa kaniya at natawa kami pareho.
“Hala siya! Madaldal ka rin kaya Pauline!” anito at natatawa rin. Maya-maya pa ay narinig namin ang malakas na kulog. Dumidilim din ang paligid.
“Mukhang uulan, ang dilim-dilim. Bilisan na natin ang paglalakad para makarating na tayo sa bahay natin. Baka maabutan pa tayo at magkasakit bukas,” saad ko at nagmamadali nga kaming naglakad. Pero kahit na nagmadali na kami ay naabutan pa rin kami ng malakas na ulan. Agad kaming sumilong sa silungan.
“Grabe! Ang lakas ng ulan! Ang init-init kanina tas ngayon grabe ang ulan! Wala pa naman akong dalang payong ngayon!” malakas na ani ni Achiara. Kailangan naming lakasan ang boses namin para magkaintindihan.
“Wala rin akong dalang payong ngayon. Hindi natin alam kung gaano katagal ang ulan at kailan ito titila. Paano na ba 'to? Wala pa naman na dahon ng saging dito na pwedeng gawing pamandong!” saad ko rin at maya-maya pa ay nakaramdam ako ng pinakaayaw ko sa lahat. Naiihi ako ngayon!
“Achiara! May alam ka bang pwedeng ihian dito?! Ang lakas ng ulan! Naiihi ako Achiara! Baka maihi ako rito, nakakahiya!” sabi ko at medyo naiinis dahil ngayon pa ako naiihi.
“Wala rin akong alam na malapit na palikuran dito! Hala! Paano na iyan? Pigilan mo na lang Pauline!” sagot niya sa akin. Pareho na kaming nanginginig sa lamig lalo na nang umihip ang malakas na hangin.
“Nakakainis naman! Ihing-ihi na talaga ako Achiara! Ihing-ihi na talaga ako! Sana naman tumila na ang ulan!” Naiinis ako dahil parang hindi ko na kayang tiisin ang ihi ko pero ginagawa ko pa rin ang makakaya ko.
“Ihing-ihi na talaga ako!”
“Huwag ka masyado maglikot, Pauline saka magsalita nang magsalita! Mas lalo kang maiihi niyan!” ani niya sa 'kin.
“Eh? Kahit na 'di ako gumalaw o magsalita, talagang naiihi ako lalo! Hala! M-medyo may lumabas! Nakakahiya! Anong gagawin ko Achiara?! Ihing-ihi na talaga ako!” ani ko pabalik sa kaniya. Nagpalinga-linga ako at may nakita akong damuhan.
“Achiara... ”
“Sa tingin mo, pwede kaya roon? Bibilisan ko lang ang pag-ihi. Hindi ko na talaga kayang tiisin!” sabu ko sa kaniya at itinuro ang medyo madamong parte.
“Naku! Huwag riyan Pauline! Baka may ahas diyan! Meron ng mga natatagpuan minsan diyan na namatay dahil nga sa kagat ng ahad riyan sa madamong parte. Dito na lang tayo, tiisin mo lang iyan! Medyo humihina na rin ang ulan. Pahinain pa natin,” aniya at wala na akong nagawa. Para na akong maiiyak. Pakiramdam ko sa tuwing umiihip ang malamig na malamig na hangin ay tutulo na ang ihi ko.
“Ayan, hindi na gaanong maulan. Takbuhin na natin pauwi ng bahay. Maligo na lang tayo para 'di lagnatin—” Napahinto sa pagsasalita si Achiara nang bigla na namang umulan nang malakas. Pagkatapos n'on ay sinabayan pa ng biglaang kulog at kidlat. Napatili kami ni Achiara dahil sa gulat at tuluyan na akong naihi sa suot kong damit sa ibaba.
“Achiara! Nakakainis! Naihi na talaga ako! Nakakahiya!” Naiinis kong tiningnan si Achiara nang tinawanan lang ako.
“Nakakainis!” Napapadyak-padyak na lamang ako.
“Paano na ba 'to? Nakakaiyak naman! Ang daldal mo kasi kanina Achiara 'e! Ayan tuloy, inabutan tayo ng ulan! Tapos, tapos, tapos n-naihi pa ako sa d-damit pang-ibaba. Nakakahiya talaga!” Nakangusi ako habang sinasabi 'yon at napapadyak-padyak ulit ng paa.
“Hala siya! Ako lang talaga sinisi! Sana hindi mo na lang ako sinagot kanina! Hindi sana tayo mapapahinto sa daanan at mag-uusap nang ganoon!” tugon niya at inirapan ako. Maya-maya ay natawa na lang ulit kami sa pinaggagawa namin. Para kaming baliw sa ginagawa namin.
“Baka sa susunod maibalita na lamang sa mga dyaryo na may dalawang magkaibigan po ang nababaliw na. Ang pangalan po nila ay Pauline at Achiara!” Nagtawanan ulit kami ni Achiara dahil sa sinabi niya.
“Ibang klase ka talaga!” saad ko sa kaniya. Tumagal din ang usapan naming dalawa dahil malapit na ang gabi nang tumigil ang malakas na pag-ulan. Nakauwi rin kami sa wakas. Agad akong naligo at nilabhan ang hinubad na damit.
“Nakakapagod, mabuti na lang at kami lang ni Achiara ang nasa silungan kanina. Kung may iba pang tao roon, tiyak na mas nakakahiya!” bulong ko sa sarili ko. Pagkatapos kong maglaba ay katulad lamang dati, hinanda ko na ang lulutuin kong hapunan namin. Mamaya darating na ulit sila inay at itay.
Sardinas lamang ang nakita kong maaari naming ulamin ngayong gabi. May nakita rin akong gulay na petsay. Hinugasan ko ang gulay at saka hiniwa-hiwa ito. Nagsaing din muna ako bago ko ginisa ang sardinas kasama ang gulay na petsay.
“Sigurado akong pagod na pagod sila inay pagdating mamaya lalo na't umulan ngayong araw,” bulong ko muli sa aking sarili. Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa.