IKA-ANIM NA KABANATA

1025 Words
PAULINE POINT OF VIEW Kapapasok pa lang namin sa paaralan nang makakita kami ni Achiana ng napakaraming buto ng iba't ibang halaman at puno. “Ano kayang mayroon? Magtatanim ba tayo?” tanong ni Achiana. “Hindi ko rin alam Achiana. Wala namang sinabi ang ating mga guro. Pero sa tingin ko, mukhang magtatanim nga tayo. Napakaraming buto,” sagot ko sa kaniya at nagpalinga-linga kami. Maging ang ibang estudyante ay makikita sa kanilang mukha ang pagtataka. Medyo umiingay ang paligid. May ibang halos pabulong silang nagrereklamo kasi pagpapawisan na naman daw sila nang todo Hindi nila pwedeng lakasan ang reklamo dahil baka mapalo sila sa puwet. “Pumunta na tayo sa silid-aralan Achiana. Tatlong minuto na lang magsisimula na naman ang klase,” saad ko at sumang-ayon naman siya. Mabilis naming nilakad ang daan patungong silid-aralan namin. “Mukhang magtatanim na naman tayo ngayon,” saad ng isa kong kaklaseng babae na nagngangalang Eliah. “Oo nga 'e! Malamang ang amoy na naman natin pag-uwi ay pawis!” sagot naman ng kaibigan nitong si Resie. Napailing-iling ako dahil puro reklamo lang naririnig ko. “Umayos na tayo, malapit na ang ating guro! Mapagagalitan na naman kayo niyan!” saad ng isa pa. Agad naman sila umayos ng pagkakaupo sa kanilang upuan. Maya-maya pa ay dumating na ang guro namin, si Ginang Cecile. “Magandang umaga!” Agad kaming tumayo nang bumati siya. “Magandang umaga rin po, Gibang Cecile!” Pagbati namin pabalik. “Maupo muna kayo at mayroon akong sasabihin,” aniya at utos na agad naman naming sinunod. “Hindi ngayong araw nakatakda ang pagtatanim. Kasalukuyang ngayon ang araw ng paghahatid ng mga buto. Bukas ang nakatakdang araw para sa ating pagtatanim muli. Katulad nang dati, kailangan niyong magdala ng mga gamit pananim. Magdala rin kayo ng damit na susuotin niyo sa pagtatanim upang hindi madumihan ang inyong uniporme. Sa ngayon, ang gagawin natin ay puro pagsusulit at wala ng iba,” sabi ni Ginang Cecile. Ipinaskil niya sa pisara ang isang medyo malaking papel. Nakasulat doon ang mga katanungan at pagpipilian. “Kopyahin at sagutan sa isang papel. Tapos o hindi tapos, kapag sinabi kong ipasa na, ipasa na. Naiintindihan niyo ba?” saad niyang muli. “Opo, Ginang Cecile!” tugon namin. “Sige, simulan niyo na ngayon ang pagsusulit.” Naupo na siya sa kaniyang pwesto. Agad naman akong kumuha ng papel at panulat, maging ang mga kamag-aral ko. Dahil halos paulit-ulit lang ang pagsusulit ay tanda ko na ang mga sagot. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang iba nahihirapan pa rin. Halos taon-taon na tungkol sa kasaysayan lang ang paksa ng aming pinag-aaralan. Ang pangalawa lang laging ginagawa namin ay ang pagtatanim. “Pakopya naman ako!” bulong ng nasa likuran ko. Hindi ko na lamang siya pinansin. Ayokong mapagalitan at mapagkamalang nagpapakopya. O kaya naman ay ayokong mapagkamang gusto kong mangopya o madaldal ako. “Pauline, pakopya...” Hindi ko na lamang siya pinansin ulit. Ayokong mapagalitan din ng aming guro. Naaalala ko na naman ang huling araw na pinansin ko ang isa sa mga kaklase kong gusto mangopya. Nabaliktad pa ang lahat, ako pa nagmukhang masama. At ang may pakana naman ng lahat ay nanahimik lang. Pinagtawanan pa ako at sinabi pa iyon sa ibang mag-aaral sa paaralang pinapasukan namin. Tumunog na ang isang bagay na palatandaan na tapos na ang klase namin kay Ginang Cecile. “Tapos o hindi tapos, ipasa na ang papel. Isa! Dalawa! Tatlo! Apat! Lima! Anim! Pito! Walo! Siyam! Sampo!” Pagkatapos niya magbilang, halos lahat naman kami nakapasa na maliban lang kay Resie at Eliah. Halos lahat ng mga kaklase ko ay naghihintay sa sabihin ng aming guro. Nakalapag lang sa kaniyang lamesa ang papel ng dalawa. Nakatingin siya roon at tila nag-iisip nang mabuti. Nakita ko namang parang pinagpapawisan sila Eliah at Resie. “Hindi ba ang sabi ko kailangan maipasa agad? Binilangan ko pa kayo. Pero bakit nahuli ang papel niyong dalawa? Ang imposible namang nahuli kayo 'e ang mga kaklase niyo ay nakapagpasa naman. Ano bang ginagawa niyong dalawa? May pinagkakaabalahan ba kayo riyan?” sunod-sunod na tanong ni Ginang Cecile. “Ah k-kasi po Ginang Cecile, ahm k-kasi—” “Tumayo kayong dalawa!” Mabilis namang napatayo ito. Mararamdaman mo ang kabang nararamdaman nila. Kitang-kita iyon sa kanilang mga mata. Nakatayo sila ngunit nakayuko ang ulo. “Iangat niyo ang ulo niyo. Tumingin kayo nang diretso sa akin!” Agad naman silang napatingin nang diretso kay Ginang Cecile. “Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyong dalawa ngayon. Hindi naman kayo ganiyan dati. Hmm, bukas na bukas kailangan ko ang liham na nagsasaad din ng dahilan niyo. Maliwanag ba?” Tumango-tango naman ang dalawa. “Hala! Ang liham!” bulong ng nasa harap ko. Oo nga pala, pinagagawa ng liham ang mga hindi nakagawa kaagad ng takdang aralin. “Ayoko ng sagot na tango. Gusto ko lumabas mismo sa bibig niyo,” saad ng aming guro. “Opo, Ginang Cecile!” “Maupo na kayong dalawa.” Naupo naman ang dalawa. Sa aming panahon, masyado ring mahigpit ang mga guro. Iyon daw ay para hindi kami umabuso kung sakaling mabait daw ang guro. Hindi na rin nagsabi ng paalam si Ginang Cecile. Makikita ang malalawak na ngiti sa labi ng iba. Mukhang nakalimutan ng aming guro ang liham na kailangan niya kunin sa mga hindi nagawa agad ang takdang aralin. Nang nasa may pintuan na si Ginang Cecile ay bigla itong huminto. Nawala ang ngiti sa mga labi ng iba. Mararamdaman na ring kinakabahan na rin sila. Na tila hinihiling na sana tuluyang nakalimutan na ng aming guro ang kailangan gawin. “Wala ba akong nakalimutan?” tanong niya. “W-wala po...” “Siguradong-sigurado?” tanong ulit niya. Parang nanunuri ang mata nito. “O-opo—” “Ginang Ce—” “Mga sinungaling! Nasaan ang liham? Nasaan na? Ibigay niyo sa akin kung hindi, mas madadagdagan ang parusa niyo,” saad bigla ng guro. Sasabihin ko na sana ang totoo pero naputol. Parang binagsakan ng langit at lupa ang mga akala na ay nakalimutan ni Ginang Cecile ang pinagagawa. Kinuha nila ang liham at iniabot kay Ginang Cecile. “Akala niyo ba talaga nakalimutan ko na ito? Ha! Hindi ako makakalimutin, tandaan niyo iyan! Paalam na!” Umalis agad ang guro namin matapos sabihin iyon. “Ayan kasi!” Nagsisisihan pa ang iba. Ibang klase ang mga ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD