THIRD PERSON POINT OF VIEW
Sumapit ang alas singko ng hapon. Nag-aabang na si Rolin sa lugar kung saan sila unang nagkita ni Pia. Inaabangan niya ito sapagkat nais niyang tanungin na ito. Hindi na niya kayang ipagpabukas pa.
Patanaw-tanaw siya sa daanan at nang makita ito ay napangiti siya. Nakakaramdam din siya ng kaunting kaba. Paulit-ulit niyang hinihiling na sana’y pumayag ito.
“Pia!”
Napatingin naman si Pia sa kaniya nang tawagin niya ito.
“Ikaw pala 'yan, Rolin. Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa ba uuwi?” nakangiting saad ni Pia sa kaniya.
“Ahm, Pia, mayroon sana akong sasabihin sa’yo. Sana nga lang, pumayag ka.” Napakunot naman ang noo ni Pia. Napapatanong kung ano ang sasabihin ni Rolin. Aakyat ba ito ng ligaw?
“Ano naman iyon?” tanong ni Pia at hinihiling sa kaniyang isipan na sana’y tama siya.
“G-gusto k-ko sanang u-umakyat ng l-ligaw. Puwede ba? Gusto ko rin sana magpaalam sa iyong magulang. M-may pahintulot na ako ng k-kamahalan,” nauutal na sabi ni Rolin. Halos manlaki naman ang mga mata ni Pia.
Hindi niya akalaing matutupad ang kaniyang hiling. Hindi niya alam kung bakit pero dapat pinakulong niya na ito kahapon pa. Pero mas nanaig ang kakaibang nararamdaman niya sa binata nang makita ito. Tila’y nabighani siya sa aking kagwapohan nito, lalo na sa mabuting pag-uugali.
“Sa totoo lang, Rolin, hindi ko ito inaasahan. Pero, sige, pumapayag ako.” Napangiti nang malawak si Rolin sa tugon ni Pia. Gustong-gusto niya itong yakapin sa tuwa ngunit mahigpit na ipanagbabawal iyon.
“Salamat! Salamat!” tuwang-tuwang saad ni Rolin.
Masayang hinatid ni Rolin si Pia sa bahay nito. Hindi maaaring pumasok si Rolin sa bahay ni Pia lalo na't mag-isa lang siya. Huminto muna sila sa tapat ng pintuan ng bahay ni Pia.
“Paano ba 'yan? Dito na ang bahay ko. Maraming salamat pala sa paghatid. Pasensya na kung hindi ka maaaring pumasok. Alam mo naman mahigpit ang batas natin. Siya nga pala, patay na ang mga magulang ko. Hindi ka na makakapagpaalam sa kanila sa personal. Kaya kailangan mong magpatong ng labing dalawang bato sa tapat ng bahay ko't manalangin. Doon mo na rin sasabihin na nais mo akong ligawan at pumayag na ako maging ang kamahalan,” saad ni Pia. Ang nasabi ni Pia ay isa sa mga tradisyon din. Kung ang magulang ng babae ay patay na, kailangan nga nitong magpatong-patong ng bato. At gawin ang iba pa para may basbas ng magulang ang panliligaw ng lalaki.
Ginawa ni Rolin iyon at nakatingin lang si Pia sa kaniya. Isang oras bago natapos iyon. Madilim na ang paligid.
“Magkita tayong muli, Pia. Magandang gabi sa’yo. Nawa’y makatulog kang mahimbing at mayroong magandang panaginip,” nakangiting ani ni Rolin na nagparamdam ng kilig kay Pia.
“Maraming salamat, Rolin. Hinihiling ko ring ganiyan din ikaw. Paalam at mag-iingat ka sa daan,” nakangiting tugon ni Pia. Tuluyan nang umalis si Rolin. Si Pia naman ay pagpasok pa lang sa bahay, ginawa na ang tradisyon.
Pagkatapos ay masaya siyang kumain at natulog. Maging si Rolin ay ganoon din. Gagawin niya ang lahat para kay Pia.
Dumating ang araw na nagsimula na si Rolin ligawan si Pia. Hinaharana niya ito sa tuwing umaga at gabi. Binibigyan ng mga bulaklak. Pinupuri rin at gumagawa si Rolin ng liham na patungkol sa pag-ibig. Nag-iigib din si Rolin para sa kaniya. Nagsisibak ng kahoy na panggatong. At napakarami pang iba.
Dahil doon ay mas lalong tumindi ang nararamdaman nila Pia at Rolin sa isa't isa. Pero kahit na habang lumilipas ang maraming buwan, hindi pa rin sinasagot ni Pia si Rolin.
Nagtataka man sila Samuelson at Andra pero patuloy pa rin nilang tinutulungan si Rolin. Si Rolin nama’y handang-handang maghintay.
Hindi niya mamadaliin ang babaeng iniibig niya na talaga ngayon. Hindi siya susuko at patuloy pa rin siyang manliligaw rito.
Napansin naman ni Pia ang ganoong ugali ni Rolin. Hindi niya akalaing aabot ng isang taon ang panliligaw nito sa kaniya. Wala siyang narinig na reklamo sa loob ng isang taon. Isang taon na pero hindi niya pa rin ito sinasagot.
Ngunit kahit na ganoon ay nakikita niyang pursigido si Rolin. Hindi ito marunong sumuko. Doon niya nakikita kong gaano magiging katatag ang kanilang relasyon kung sakaling sagutin niya na 'to. Hindi ito katulad ng ibang lalaking inaakala niya. Ang iba kasi ay mabilis sumuko. Wala pa ngang tatlong buwan ngunit naghahanap na ng iba.
Hanggang dumating ang isang araw na naisipan ni Pia na sagutin na si Rolin. Nakikita niya naman na mahal na mahal talaga siya nito. Sapat na ang isang taon para masabi iyon.
Habang naglalaba siya kasama si Ycel ay hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Paglabas na paglabas niya, sasabihin niya na kaagad kay Rolin ang totoo.
“Mukhang masaya ka yata, Pia?” tanong ni Ycel dahil kanina pa siya nito napapansing ngumingiti. Napatingin naman si Pia kay Ycel.
“Ah, hmm-hmm, masaya ako.” Pagkatapos niyon ay sinimulan na ni Pia banlawan at sampayin ang nalabhang mga tela. Ganoon din si Ycel. Alam naman nito na nililigawan siya ni Rolin. Nang matapos si Pia ay inayos niya ang sarili.
“Ycel, mauna na akong umuwi, ha? Baka naghihintay na si Rolin sa labas. Mag-iingat ka pauwi,” nakangiting saad ni Pia. Nagpaalam din sa kaniya si Ycel.
Nang makasalubong niya ang mga katulong sa palasyo ay bumati siya bilang panggalang. Pagkatapos ay dali-dali siyang lumabas at nakangiti nang makita si Rolin.
“Rolin!”
Napangiti naman si Rolin nang lingunin siya.
“Rolin, may sasabihin ako sa’yo pagdating sa bahay. Tara na!” masayang ani ni Pia. Nagtataka man si Rolin sa inasta ni Pia pero ngumiti siya rito.
Sabay silang naglakad ulit. Hinatid ulit ni Rolin si Pia sa bahay nito.
“May tula pala akong ginawa para sa’yo. Sana maibigan mo.” Napangiti naman si Pia. Masaya niyang kinuha ang papel na may lamang tula.
“Maraming salamat dito. Maaari bang maghintay ka saglit dito. May isusulat din ako at nais kong basahin mo ito pag-uwi mo,” tugon ni Pia.
“Sige, handa akong maghintay.” Mas lumawak pa ang ngiti ni Pia. Dali-dali siyang pumasok sa bahay at ginawa sandali ang tradisyon. Saka siya kumuha ng papel at panulat. Isinulat niya roon ang katagang, mahal kita.
Hindi niya pala ito kaya aminin sa harapan nito. Nakakaramdam siya ng hiya kaya naman isinulat niya na lang iyon. Pagkatapos ay dali-dali siyang lumabas at inabot ang nakatuping papel kay Rolin.
“A-ano 'to?” tanong ni Rolin. Akmang bubuksan nito nang pigilan niya.
“Huwag muna! Pakiusap, mangako ka sa akin na babasahin mo iyan sa bahay mo mismo. Nakikiusap ako!” Nagtataka man si Rolin ngunit pumayag siya basta para sa babaeng pinakamamahal niya.
Nagpaalam muli sila sa isa't isa. Pagkatapos ni Pia kumain ay binuklat niya ang tula ni Rolin. Napangiti siya habang binabasa ito.
Lalo na nang sinabi sa sulat sa likod ng papel na gusto nitong Pauline ang pangalan ng anak nila. Isa lang ibig sabihin n'on, gusto nitong magkaroon sila ng babaeng anak.
Samantalang si Rolin ay hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Nakalagay roon ay mahal kita na isinulat ni Pia. Ibig sabihin lang ay sinasagot na siya nito.
Nang magkita sila ay opisyal na silang magkasintahan. Hindi maitatangging marami rin silang pinagtatalunan. Nagseselos minsan at iba pa. Maraming problemang dumaan ngunit nalampasan nila iyon. Dahil iyon sa sobrang pagmamahal nila sa isa't isa at matinding tiwala.
Lumipas pa ang isang taon at dumating na ang araw ng kasal nila. Sa kasal nilang iyon ay mas minahal pa nila ang isa't isa. Sa wakas ay naglapat na ang kanilang mga labi. Nag-isa ang katawan at lumipas ang ilang buwan, nanganak nga si Pia.
Babae iyon at pinangalanan nilang Pauline.