Zenon Babe, narito na ako sa Maynila. Sumakay ako ng ferry kaya medyo natagalan ako na contact-in ka. How are you? Nakatingin ako sa mensaheng iyon. Kagabi ko pa iyon pinadala kay Leydell, ngunit walang response. That's weird. But maybe she’s busy. Masyado akong napagod kagabi sa biyahe ko sa pag-uwi rito. Nakakahilo ang bumiyahe sa barko at hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako sa sofa matapos kong makauwi sa apartment dahil sa sobrang pagod. Ang nakita kong mga misscalls ay galing kay Jenna. I frowned. Hindi maganda ang naging usapan namin ng huli kaming mag-usap. Nauna siya sa akin na bumalik rito mula Bacolod. Pumasok ako sa opisina para personal na mag-report kay Rocket sa mga naganap sa Negros. Nabalitaan ko na may binibili siyang bahay para sa kanila ni Sera. “Bu

