Leydell BAKIT narito si Jenna? Akala ko ba ay kasama niya si Zenon sa Bacolod? O kaya naman ay baka bumalik na sila sa Maynila. Iyon ba ang dahilan kaya tumatawag sa akin si Zenon kahapon? Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko. “Alam n’yo ba? Someone from the slums was your regular customer,” anang mommy ni Zenon. Tiningnan ko si mommy at nagbabanta ako sa kanya na huwag niyang pansinin ang nanay ni Zenon, ngunit hindi ito tumigil. Mabuti na lang at dumating si Olga. May iniabot na brochure para sa kulay ng buhok. “Hair spa lang sa akin or anything na sa palagay n’yong bagay sa akin,” sabi ko sa hair stylist na si Olga. “Olga, do you have a green color for hair dye?” tanong ni mommy na halatang regular siya rito sa salon. Nag-alala naman ang hair stylist. “Para po ba sa

