CHAPTER 8

1775 Words
Leydell MAY DALAWANG linggo na rin ang nakaraan nang makabalik kami ni Zenon sa resort nang matanggap ko ang passport ko. My visa to go to Canada for a visit has been granted. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol dito. Sa loob ng mga araw na nagdaan, iniwasan ko siya para naman hindi ako bumigay at bawiin ang usapan namin. I am missing him at alam ko na babalik lang kaming dalawa sa dati. Madali lang sabihin na kapag mahal ninyo ang isa’t isa ay wala dapat problema. But Zenon and our relationship are different. Sa mga nagaganap sa ngayon, ang magkaroon ng relasyon ang pinakahuli sa listahan namin. Nagkaroon na ako ng pulidong plano at gusto kong hayaan na muna namin ang isa’t isa. Hindi naman ibig sabihin na hindi na namin kakailanganin ang bawat isa sa mga susunod na panahon. I was really annoyed at him in two weeks. Nagpatuloy ang hudyo sa buhay-pagbibinata niya na nakadagdag sa pagkainis ko. Binigyan ko siya ng mga gagawin para hindi ako mabuwisit sa kanya at para hindi niya ako masabihan na selosang negra. Siya ang nakatoka sa mga aktibidad ng resort. Siya ang namahala sa water sports activities at kung ano pa. I was supposed to be glad, but the asshole constantly flirted with women. He must probably be enjoying watching women in bikinis. Kaya naman kapalit niyon ay pinatutulog ko siya sa sala habang ako pa rin ang sumasakop sa silid ng cabin. Isang gabi, alas-otso nang magising ako sa ingay sa labas ng kuwarto. May naghahagikgikan at mahaharot na tinig. Binuksan ko ang pintuan kahit pa nga nasa gitna pa ako ng tulog. Kalahati ng mata ko ay nakapikit pa, ngunit mabilis na nanlaki iyon nang mabungaran ko ang apat na seksing babae sa sala. “Anong kalokohan ‘to?” Mabilis na umakyat ang init ng ulo ko mula sa aking dibdib. “Hi!” wika ng isa sa mga babae. Nakasuot siya ng pulang bikini. Naliligaw ba ang mga ito rito? “What are you doing here? Pwede akong tumawag ng guwardiya sa pagpasok n’yo rito sa cabin ko!” “This is not just your home,” ani Zenon na bagong pasok. “And they are my guests. Wala kaming makitang magandang lugar para manood ng sikat na series sa Netfleex kaya naman inaya ko sila rito para dito kami manood.” Nakita ko na pinipindot na ng isa sa mga babae ang remote ng telebisyon ng ilang linggo nang napalitan. Nakayukyok ang aso namin sa gilid at pinanonood lang ang nagaganap. “If you are kidding right now, Z, I tell you that this is not funny at all!” “Pagpasensiyahan n’yo na siya, girls. She’s my ex-girlfriend.” Nabitiwan ng isa sa mga babae ang baso nito habang nanlalaki ang mata. Mabuti na lang at paper cup iyon kaya walang anumang bubog na makikita sa sahig. Ganun pa man ay uminit ang ulo ko dahil kumalat ang likido roon. “I thought she’s your sister or something. Hindi dapat kami narito,” nag-aalala niyang sabi. Finally! May matinong tao pa rin sa grupo nila. “She’s an ex. At saka si Zenon na mismo ang nagsabi, hiwalay na sila at hindi lang siya ang may-ari nitong bahay. Puwede tayong mag-stay basta pumayag si Zenon,” anang isa na nanunudyo ang tingin sa akin. Bumilog ang kamao ko para maiwasan na umikas iyon papunta sa kanyang pisngi. Hindi ko pa nagawa ang makipagtalo sa babae sa buong buhay ko. The only woman who would have to fight with me is my mom. “Z, I am warning you right now.” Tumaas na ang tono ng boses ko at mariin. I am ready to fight him and punch his face. Itinaas niya ang dalawang kamay. “I’m sorry, girls. I guess, hindi siya masaya na narito tayo. Sa labas na lang tayo at maghanap ng gagawin.” Isa-isa silang tumayo at nagsipaglabasan. Naiwan si Zenon na nanunudyo sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin. Nakasuot lang ako ng manipis na sando at maikling shorts. “Seriously, Z! Kung may plano ka na makipaglandian sa apat na babaeng iyon. Sinasabi ko sa ‘yo na iisipin kong may herpes ka kinabukasan!” He laughed instead. Gusto ko siyang batukan sa oras na iyon. Lumapit siya sa akin. “I am not going to fvck around if that’s what you mean. Naghahanap lang ako ng kasama na manood ng series.” “At saka para inisin ako!” mariin kong wika sa kanya kahit pa nga nakahinga ako nang maluwag na wala naman pala siyang plano para sa gangb*ng session. “Zenon!” sigaw mula sa labas ng cabin namin na halatang hinihintay ng mga ito ang hudyo. Naningkit ang mata ko. Itinaas niyang muli ang dalawang kamay at saka nagpunta sa pinto. “I’m sorry, girls. Kailangan kong maglinis ng cabin at saka may trabaho pa pala akong dapat asikasuhin,” narinig kong wika niya. Tumuloy naman ako sa kusina para magtimpla ng kape. Tutal naman ay ginising na niya ako. “You want coffee? May kailangan tayong pag-usapan,” wika ko sa kanya. Umupo ako sa harap ng dining table. “Is it about your trip to Canada?” aniya na mahihimigan ang pagtatampo. “Yes. Dumating na ang visa ko at anytime ay padadalhan na rin ako ng ticket. Kulang-kulang isang buwan din akong mananatili doon at pagkatapos ay posible pa na tumuloy kami sa Amerika. Gusto ko sanang hilingin na mag-stay ka rito para i-manage itong resort.” “Leydell, alam mo naman siguro na hindi ako marunong mag-manage ng resort. I even fvcked up my job in the company kaya pinagpahinga na muna ako ni Rocket. I’m not as good as you.” “Pwede mo pa rin naman akong tawagan kapag may problema o kaya naman ay tatawagan ko si Jackie madalas para kumustahin kayo rito,” tukoy ko sa aking kaibigan at manager sa resort na iyon. “About that… my mom was insisting na kunin ang tulong ni Jenna.” “No, Z! This business is ours. Hindi ko kailangan ng tulong ng mommy mo.” Isang sumusukong pagbuntonghininga ang inilapas ng kanyang bibig. “Sige. Gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Pero, Leydell, ano ba talaga ang plano mo? Kailangan mo ba talagang umalis? Paano kung kunin ka nila sa Canada at doon magtrabaho?” Hindi malabong mangyari ang sinasabi ni Zenon. Nakatakda na kasi ang pagpunta ko sa ibang bansa tatlong buwan na ang nakaraan at noong mga panahon na iyon ay wala akong naiisip kung hindi ang i-grab ang lahat ng tiyansa na makukuha ko na may kinalaman sa trabaho, para kumita ng pera. Nang maghiwalay kami ni Zenon, naisip kong bawasan ang lahat ng dapat kong gawin. Gusto kong isipin na muna ang sarili ko. Ngunit ha’yon na nga at pinag-apply ako ng visa na sinunod ko. It's because a part of me still says I want to grab every opportunity that comes my way. Hindi naman kasi mababago ng isang gabi na parang ayoko na lang sa lahat. Dumadaloy na sa dugo ko ang walang kapaguran na maghanap-buhay—para kay Zenon, para sa kinabukasan namin, at para sa sarili ko. Ngayon ay gusto kong magpa-parlor, mag-shopping, mag-liwaliw, pero paano sa mga susunod na taon? Si Zenon na nga rin ang ngsabi, hindi namin ikakansela ang kasal. Ibig sabihin ay haharapin ko pa rin ang mga bagay na hinarap ko sa mga nakalipas na taon. “Training lang ‘yon, Z. Hindi ako magtatrabaho sa Canada.” Hangga’t mahal natin ang isa’t isa. Nakita ko na nalungkot siya. “Leydell, if you are doing this for me, just don’t.” Siguro dahil kilala niya na ako kaya niya iyon nasabi. Napalunok ako at saka pinilit kong magsinungaling. “I am doing this for myself, Z.” Hindi ko alam kung bakit parang mas sumama ang kanyang loob. “Marami akong gustong sabihin sa ‘yo, ngunit sa palagay ko, this is not the right time,” aniya. Naguluhan ako sa mensahe niyang iyon. Malaking palaisipan sa akin ang ibig sabihin ni Zenon. Nalulungkot ba siya sa kasalukuyan? Pero hindi ba’t masaya naman siya dito sa resort?” *** TULAD ng inaasahan, isang linggo lang mula nang mag-usap kami ni Zenon tungkol sa pagpunta ko sa ibang bansa, dumating ang ticket ko papuntang Alberta. Siya ang personal na naghatid sa akin sa airport. Ramdam ko na malungkot siya. “Dalawang buwan lang akong mawawala para ka namang namatayan d’yan.” “Alam mo naman siguro na takot na akong sumakay sa eroplano simula ng namatay ang ate ko,” aniya na halos pabulong. Bigla kong naalala si Ate Noelle. May isang taon na rin pala noong naganap ang plane crash niya. At ang nakakalungkot pa rito ay naganap iyon noong inaya ako ng kasal ni Zenon. Para bang isang masamang panaginip iyon sa plano niya para sa amin. Ako naman na nobya niya ay lihim na nakokonsensiya. Bakit kailangan mamatay ni Ate Noelle sa araw ng marriage proposal niya? Tumikhim ako at hinawakan ang kanyang kamay na mariing nakakapit sa manibela. “Hindi ako mapapahamak. Hindi mangyayari sa akin ang naganap sa ate mo.” “I hope so.” Lumabas na ako ng sasakyan. Tinulungan niya akong ilabas ang ilang maleta ko. “Isa o mahigit dalawang buwan lang akong mawawala. See you soon, Z.” Hinapit niya ako sa baywang. Ramdam ko ang init sa kanyang mga bisig. “Kailan mo ako bibigyan ng sapat na oras?” bulong niya. May halong kalungkutan ang kanyang tinig. Naguluhan ako sa kanyang sinabi. Hindi ba’t nabibigyan ko naman siya ng sapat na oras? Hindi ba’t ginagawa ko naman ito para sa amin? May… hindi ba ako napapansin? “Pagbalik ko, ipinapangako ko na mag-e-enjoy tayong dalawa,” naisip ko na lang sabihin. Siguro kulang din kaming dalawa sa date. Hinaplos niya ang pisngi ko. Ramdam ko pa rin ang kanyang tensiyon habang nakatingin sa entrance ng airport. “Z, walang mangyayari sa aking masama. Tatawagan kita agad. That’s a promise!” He captured my mouth for a kiss. I yanked on his neck to deepen it. It’s not about showing a public display of affection. It’s about showing how we love each other. “Pag-usapan natin ang relasyon natin pagbalik ko.” Tumango siya. Nakangiti na akong pumasok sa loob ng airport. Dalawang buwan… Hindi ko akalain na maraming posibleng maganap sa loob ng mga panahon na ito. Nang bumalik ako mula sa Alberta, Canada at New York, pag-aari na ng iba si Zenon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD