Zenon
MAY ISANG linggo na si Leydell sa Canada nang magkaroon ako ng problema sa resort. Kailangan umuwi ni Jackie sa probinsiya dahil ayon dito ay nagkaroon ng sakit ang nanay nito. Kung kailan naman kailangan ko ng katulong.
Hindi ko alam na mararanasan ko ang madalas na maging problema ni Leydell. Paano niyang nagagawa na magkaroon pa ng isa pang trabaho sa kabila ng mga problema sa resort? She amuses me in every fvcking way, and I love her for that.
Nagkaroon ng problema sa set-up ng kasal na ginanap habang mag-isa lang akong nangangalaga sa resort. Late ang catering, nagkaroon din ng problema sa bulaklak at sa table runners na mayroong mantsa. Kulang pa ang waiters para mag-serve ng pagkain. Nang matapos ang kasal, siyempre pa ay hindi masaya ang mag-asawa.
Nagkaroon ng pagkakataon si Rachel na wedding planner ng Blushing Bride para kausapin ako matapos niyang humingi ng pasensiya sa bagong kasal.
“Zenon, unang beses ito na nagkaproblema ang resort n’yo sa ganitong klase ng pagtitipon. Kayo ang napili ko at ng couple dahil sa quality at service ng Love Resort mula pa ng itayo n’yo ang business at maging partner kayo ng opisina ko. Nasaan ba kasi si Leydel?”
Nahihimigan ko sa kanyang tono na naiirita siya.
Inaasahan ko nang hindi matutuwa sa akin si Leydell kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na ito.
“I’m sorry, Rachel. Alam mo naman na hindi ko forte ang mag-ayos o magplano ng kasal. I am working in a manufacturing company, for God’s sake! Malayong-malayo ito sa pagkatao ko. About kay Leydell, may dalawang buwan o mahigit pa siya na mananatili sa ibang bansa for training.”
Nagkikiskis ang kanyang ngipin na halatang pinipigilan niya na mabuwisit sa akin. “Naiintindihan ko naman, Zenon. Pero sana ay sinabihan mo ako o humingi ka sana ng tulong kay Leydell sa nakalipas na araw para sa gagawin. Tinawagan mo sana ako kanina kung ano ang posibleng maging problema. Ano ba naman ‘yong isang email o tawag para bukas ang komunikasyon natin ‘di ba?
“I have two more wedding this month na naka-booked dito sa resort n’yo. May isa pang prenup. Ayoko naman na maulit itong nangyari na ito, Zenon, but how can I trust you?”
“I’ll pay for the damage. Pwede akong magbigay ng one week vacation for the couple.” Naisip ko na suhulan o ligawan na lang sila dahil sa kapalpakan na ginawa ko.
“Zenon, it’s not just about the money!” mariin niyang sabi. “May reputasyon itong resort n’yo at saka ang Blushing Bride at iyon ang iniingatan ko na hindi matutumbasan ng pera. Hindi naman kasi nabibili ang quality ng serbisyo natin. We are earning it by heart. Bibihira lang maganap ang kasal sa buhay ng mag-asawa kaya nga sinisiguro natin na maaalala nila iyon hanggang sa pagtanda nila. Sa naganap ngayon araw, sigurado ako na hindi nga ito makakalimutan ng mag-asawa dahil dissaster ang experience!”
Napangiwi ako. As if I did not fvcking know! Nais kong maasar kay Rachel dahil para siyang tigresa na sasakal sa akin anumang oras, ngunit sa oras na ito hindi ko pwedeng painitin ang ulo niya. Humugot ako ng hangin para pakalmahin ko ang sarili ko.
“Sisiguruhin ko na ito na ang huli,” sabi ko sa kanya. “Kung pwede sana ay huwag mo na muna itong ipaalam kay Leydell. Please…”
Halatang hindi pa rin maganda ang timpla niya. “I’m not sure about that, Zenon.”
“Nasa Canada kasi siya at ayokong bigyan siya ng problema sa ngayon.”
Mas lalo siyang sumimangot at saka naningkit ang mata.
“Please, Rachel. Susundin ko ang pabor mo sa susunod. Just let this out from Leydell, please…”
“Pero paano mo masisiguro sa akin na successful ang event na magaganap bago dumating ang fiancee mo mula sa Canada?”
Fiancee… Yeah! Hindi pa nga pala namin nabawi ang reservation mula sa Blushing Bride para sa kasal namin sa susunod na taon.
“Hahanap ako ng assistant na magaling sa wedding planning. Kaya ko naman pamahalaan itong resort, bukod sa wedding planning.”
“It’s better if you open this up to Leydell, Zenon. May kliyente ako at saka kaibigan na wedding planner din mula sa ibang bansa. Sa ngayon, siya ang naiisip ko na makatutulong sa ‘yo. Pipilitin ko rin na pakiusapan siya na huwag maningil nang malaki para nasa budget pa rin kayo ni Leydell.”
“Fine! Sasabihin ko sa kanya mamaya kapag nagkausap kami sa chat.”
“You have to do it, Z!” Naiinis na siyang lumabas na ng opisina ni Leydell dito sa resort.
Nagpakawala ako ng isang naasar na ungol.
Nang gabi na iyon, tulad ng sabi ni Rachel, kailangan kong kausapin si Leydell na kunin ang assistant para sa tatlong event at sa kung saan pa. Kung kailangan na ilabas ko ang pera mula sa sarili kong bulsa ay gagawin ko, pumayag lang siya.
Naroon ang maganda niyang mukha sa screen para sa video call. Suddenly, I feel an urge to kiss her lips. She was prettier with her tanned skin, she’s glowing, and sexy as fvck!
“Any news?” tanong niya sa akin.
“May maliit akong kasalanan sa ‘yo,” sabi ko sa kanya na napangiwi.
“And what is it?” tanong niya sa akin, halatang nagdududa.
“The—” You can do it, Z! “Well, I screwed the wedding event that happened in the resort recently.”
“What? Z, what do you mean you screwed it up?”
Nataranta na ako bago pa siya tuluyang magalit sa akin. “Well, ganito kasi ‘yan. Kinailangan umuwi ni Jackie sa kanila dahil nagkaroon ng sakit ang nanay niya. Then, mayroon din tayong staff dito sa resort na nagkaroon ng food poisoning dahil sa isdang kinain nila sa pulutan. Everything was a mess, and then, hindi ko alam kung paano iha-handle ang wedding na ginanap kanina, and the rest is history.”
“How mess was it? Rate it from one to ten.”
“Possibly... nine.” Pinipilit ko pa na mag-isip ng maganda, ngunit wala talaga. “Nine point five.”
“Shoot! Rachel must’ve been pissed!”
“Para siyang dragon.”
Umungol siya. Kung ano ang hitsura ni Rachel nang kausapin ko ito ay ganoon din si Leydell. “Mag-iisip ako ng paraan.”
“May naisip na rin ako. Ayos naman ang ibang bagay dito sa resort bukod sa kailangan ko ng tulong para doon sa dalawa pang wedding event at sa prenuptial shooting na magaganap. Nasabi ko na iyon kay Rachel na kukuha ako ng assistant para tumulong sa akin.”
Kita ko na naguguluhan pa rin siya at nag-iisip.
“Leydell, this is for me. Kailangan ko ng tutulong sa akin kaya naiisip kong kunin ang assistant na nirekumenda ni Rachel.”
“Pero paano ang bayad sa kanya?”
Naisip ko nang itatanong niya iyon sa akin. “I’ll pay, kaysa naman masira ang pangalan ng resort natin.”
I saw the hesitation in her eyes. Alam ko naman kung bakit. Hangga’t maaari kasi na kaya niya, kakayanin niya. Kung sana ay kasing lakas ng loob niya ang sa akin. I am still living in nightmares until now at hindi ako maka-move on.
“Please, this is for me, Ley.”
“Fine! Kung kailangan mo talaga ng assistant, hindi kita pipigilan, tutal naman ay ikaw ang magbabayad.” Matapos niyang sabihin iyon ay inirapan niya ako.
Sa wakas ay nabawasan kahit papaano ang tinik ko sa lalamunan. “Thank you, Ley!”
“Hey, Ley! Almost time for the training!” May nakita akong lalaki na naaninag ko sa screen, isang Canadian. Naroon ito sa kanyang likuran. Nilingon ito ni Leydell pagkatapos ay nagpalitan sila ng ngiti. Suddenly, I felt the urge of wanting to go inside my screen and punch his cocky face.
“Who is that? Where are you right now?” matigas kong tanong.
Umikot ang kanyang mata. “He’s my trainor. Narinig mo naman siguro ang napag-usapan namin. I have to go! Sige na, kumuha ka na ng assistant hangga’t hindi pa ako nakababalik. I also think that was the best for Love Resort and for you. Bye!”
Bago pa ako makapagsalita ay natapos na kaagad ang video call connection namin sa isa’t isa. Just like that? For that cocky trainor?
I am missing her, but I guess it would also help me... us!
Bigla kong naisip si Ate Noelle. I should be the one on that plane for the business trip, but because of my wedding proposal with Leydell, I asked my ate instead.
Her death still haunts me…
Uminit ang mata ko pagkatapos. Mag-iisang taon na rin akong hindi pa nakaka-move on dahil lihim kong sinisisi ang sarili ko sa kanyang pagkamatay. Hindi ako makapagtrabaho sa opisina dahil doon—ang trabaho na ibinigay rin sa akin matapos mamatay ni Ate Noelle mula sa plane crash.
Ngunit hindi iyon alam ni Leydell. I kept it away from her, from everyone. Ang tanging nakaaalam lang na ako dapat ang nasa business trip ay si Kuya Rocket dahil siya ang presidente ng kumpanya, bukod sa aming magkapatid.
Ayoko na madamay si Leydell sa burden. Sigurado na sisisihin niya rin ang sarili niya at makokonsesiya siya dahil sa gabi kung kailan kami masaya, siya namang pagkasira ng ate ko.
Halos hindi makilala ang katawan niyang nagkadurog-durog na dahil sa plane crash. Hindi ko namamalayan na may nagrorolyo na palang luha sa mata ko habang naninikip ang dibdib ko sa pag-aalala sa mga babaeng mahal ko.
Si Ate Noelle… Bakit ko iyon nagawa sa kanya? Bakit na siya ang makaranas niyon kaysa sa akin?
And then, my mom… ayoko rin siyang saktan. Kapag nalaman niya na may ibinabahay na ibang babae si dad, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya.
Leydell… I should also protect her from my mom and from my secrets… And again, sa pagkakataon na ito, dito ko naiisip na pinakamagandang gawin nga ay ang bigyan na muna siya ng space.