Leydell JUST like that, Zenon and I separated ways. Para akong nawalan ng gana sa lahat. Tatlong araw na pag-iyak, tatlong araw na pagluha, tatlong araw na pagkamanhid. Tatlong araw din akong nagtatanong sa sarili ko kung saan ako nagkamali. Parang jigzaw puzzle ang sagot sa tanong ko na binubuo ko sa isipan. I told Zenon I was tired of our relationship, so maybe that was the reason why he found his Jenna. Masyadong maraming balakid sa relasyon naming dalawa—ang kanyang ina, ang malayong agwat ng pamumuhay namin, ang buhay na mayroon kaming dalawa at ang personal na interes namin sa mga bagay-bagay. May kumatok sa pintuan ko makalipas ang ikatlong araw ng pagbabalik ko sa Pilipinas. Nabungaran ko si Jackie sa labas. Siya ang kauna-unahang nilalang na hinarap ko matapos kong iburo an

