Leydell MAY DUMATING na bagyo sa Luzon. Signal number three ang mayroon sa Calatagan. Safe naman ang cabin na tinutuluyan ko dahil malayo ito sa dagat. Walang guest dahil sa bagyo kaya naman wala akong masyadong problema. Ngunit isang pangyayari ang hindi ko inaasahan na susubok na naman sa akin—namatay ang aso kong si Raf. One afternoon I found him not moving on his bed. I don’t have anyone but Raf right now. So, I cried my heart out the entire afternoon for my dog together with the rain outside. Bakit kailangan na iwan ako isa-isa ng mga importante sa akin? Naramdaman siguro ni Raf ang lungkot ko nitong mga nakaraang araw o kaya naman ay napabayaan ko siya kaya ganito. Should I give up the resort to Zenon to completely move on? Para akong nababaliw na nakaupo lang sa couch, iy

