Leydell “MUKHANG maayos na kayo ulit ni Zenon,” ani Jackie habang naroon ako sa opisina at inaayos ang monthly report ng resort. Mas kaunti na ang guest na nagpupunta rito dahil tapos na ang summer. Nagbawas na rin kami ng empleyado. Gayunman, kapag araw ng weekend full force kami ulit dahil ilang kasal ang aasikasuhin namin para sa Blushing Brides. “I’m happy that he’s here—to help us,” simple kong tugon. “Nakipaghiwalay na ba siya kay Jenna?” tanong muli ni Jackie. Bigla akong napaisip at saka sinagot iyon base sa talagang alam ko. “Hindi ako sigurado.” Wala rin akong plano na alamin at baka masaktan ako. Sa bagay na iyon gusto kong ibigay kay Zenon ang desisyon, pero gusto ko na makipaghiwalay siya kay Jenna at tuluyan siyang bumalik sa akin. Sa kabilang banda, hindi ko a

