Zenon HINDI ako makapaniwala na naroon si Jenna sa resort. Unang tanong ko matapos niya akong yakapin ay kung ayos lang ba si Leydell. Ngunit nang nilingon ko siya ay pumasok siya sa opisina. “What a b!tch?” bulong ni Jenna na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Nilingon ko siya. Hinila ko siya patungo sa likod ng puno ng niyog kung saan malayo kami sa karamihan. Napapangiwi siya dahil mariin ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. “Masakit, Zenon.” Binitawan ko siya. “Please respect Leydell! You have no right to call her a b!tch! And what the hell are you doing here?” Nagbago naman ang kanyang anyo matapos kong mapagalitan. “Sorry… Zenon, nag-aalala lang ako sa ‘yo. Huwag ka nang magalit. Gusto ko lang naman mag-enjoy at naisip ko itong resort mo. Sabi mo kasi sa akin ay narito k

