Leydell “THAT b***h!” ani mommy habang kausap ko siya sa telepono. Ipinaalam ko sa kanya ang mga nagaganap sa amin dito sa Maynila. Nakahanda na siyang bumalik rito para suportahan kami ni Zenon kahit pa nga alam ko na naniniwala siyang alanganin ang sitwasyon ko. Hawak ko ang papel na naglalaman na ipinatatawag ako sa korte kinabukasan. “I have Carlos’ side. He made a counter-attack against Lizel. There was no proof I kidn*pped Cameron because he made sure that he was the guardian. He said Lizel left her son three days after his birth in New York. Wala itong karapatan kay Cam. Pinatunayan ni Carlos sa pulisya na walang kuwentang nanay si Lizel. Dahil doon kaya pinayagan kaming iuwi na muna si Cameron habang wala pang final hearing.” “Ha! As if, may kuwenta rin siya!” ani mommy. I

