Leydell MAAYOS kong naiparada ang kotse sa tapat ng restaurant ni Zenon at Carlos. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang pagtambol ng damdamin ko simula nang magkita kami ni Lizel. Ngayon naman ay si Carlos ang nagpapakaba sa akin. Magagalit ba siya dahil sa problemang dala ko? He warned me before. Kapag nalaman ni Mildred ang tungkol sa amin at maghiwalay sila nito, kukunin niya rin sa akin si Cameron. At sa nangyayari, imposibleng hindi ito malaman ni Mildred. Lumabas si Zenon ng restaurant at saka huminto sa tapat ng pintuan ng driver seat kung saan ako naroon. Binuksan ko ang bintana. “Daddy!” ani Cameron na masigla na naroon sa likuran ng sasakyan. “Hello, buddy!” Kumaway si Zenon, hindi ipinahahalatang mayroon kaming problema. “Did Carlos know?” nag-aalangan kong tanong. H

