Leydell Lumipas pa ang ilang linggo, naisip namin na magbakasyon sa Love Resort, araw ng Sabado para lang alisin ang lahat ng masamang naganap nitong mga nakaraang buwan. Ang pagbabalik ni Lizel at ang pagsubok niyang kunin ang kanyang anak. Ang paglitaw sa katotohanan sa pagkamatay ng anak namin ni Zenon lalo na at may kinalaman dito ang daddy niya at si Jenna. “It’s been a long time since we visited the resort,” usal ko kay Zenon. Inaantok ako na hindi ko maintindihan kaya nagawa kong maghikab. Alas-nueve ng umaga ang oras. “Love, I am ready for snorkeling,” ani Cameron na naroon sa likod ng sasakyan na nakasuot ng trunks nito at safe vest. Naaaliw na lang ako dahil handa na siya kahit nasa daan pa lang kami. “ ‘Nga pala, inimbitahan ko si Kent at Anthony pati ang asawa niya.”

