"Bakit hindi mo sinabi sa akin na magkakilala na pala kayo ng Mac Gozun na iyon ah, Amanda! Nagmukha tuloy akong tanga kanina sa harapan niya!' Mariin at halatang galit na saad sa kanya ni Kian nang iwan sila ni Mac para mag entertain ng iba pang bisita nito. "I didn't know na siya ang makakalaban mo sa pagka Governor," tugon niya sa asawa na bakas na bakas sa mukha ang galit. "Waiter!" Tawag ng asawa sa papadaan na waiter na may bitbit na alak. Agad namang lumapit ang waiter at dumampot ang asawa ng isang kopita. Akmang dadampot din siya ng kopita nang pigilan siya ni Kian. Hindi na siya nakipagtalo pa sa asawa kaya hindi na niya tinuloy ang pagkuha ng alak. Mainit na kasi ang ulo nito at galit na rin ito, kaya ayaw na niyang dagdagan pa. "Na mention ko ang pangalan niya sa iyo kanin

