"Hindi mo na dapat pinatulan pa ang lalaking iyon Kian!" Inis niyang saad sa asawa nang makauwi na sila ng bahay. Marami ang nakakita sa nangyaring kumosyon kanina sa party. May mga ilang reporter pa nga ang sumunod sa kanila ni Kian hanggang sa sasakyan para hingan ng komento sa nakita ng mga itong kinilos ng kanyang asawa. Kung hindi pa niya inawat ang asawa kanina, tiyak na magkakagulo na. Mainitin din kasi ang ulo nito at hindi kayang kontrolin ang sarili tuwing galit ito. "Bakit hindi! Harap-harapan na niyang sinasabi sa akin na gusto ka niya Amanda! Anong gusto mong gawin ko! Hayaan lang siya sa mga sinasabi niya!" Galit na saad nito sa kanya. Kitang-kita niya ang galit sa mukha at mga mata ng asawa. Naiintindihan namam niya ito, kaya lang malaking gulo ang tiyak na kahaharapin na

